CHAPTER 56

549 14 0
                                    

NAKABALIK na ako kasama ang magpipinsan sa Manila.Palabas na ako sa pinagtatrabahuhan kong hospital.Sobrang pagod ako kasi daming nagpa-check up ngayon pati yung mga patients ko nung nasa clinic pa ako,nagsipuntahan rito.

Bumalik ako bilang pediatrician dito.Nagresign na ako sa dating hospital kung saan ako nagtatrabaho.Yung clinic ko naman ay sarado ngayon dahil wala akong schedule doon.May kahati ako sa clinic na iyon na isa ring pediatrician.Kaibigan siya ni Calyx dahil kaibigan ito ng nililigawan niya na may-ari ng hospital na pinagtatrabahuhan ko ngayon.

Paglabas ko ng hospital ay nakita ko ang kotse ni Calyx.Agad akong lumapit at pumasok.Bakit nanaman kaya nandito ito?Manliligaw na naman

"Naligaw ka na naman yata rito?Ang layo ng opisina mo rito ah."

"Pinapasundo ka ni Zero.Busy kasi siya kaya ako ang inistorbo.Lagi na lang ako ang inaabala.May kompanya rin naman akong pinapatakbo"nakasimangot niyang reklamo.

Natatawa kong kinuha ang paper bag na galing sa isang fastfood chain na alam kong galing kay Zero.Kahit talaga wala siya mismo,nararamdaman ko pa rin yung presence niya sa mga sweet niyang ginagawa.

"Mukha namang sinuhulan ka na naman ni Zero.Tsaka hitting two birds at one stone na rin yan"nginuso ko yung nasa harapan namin.

Si Dra.Mina Hirai iyon.Isa ring doktor at tagapag-mana ng hospital na pinagtatrabahuhan ko.Siya rin yung nililigawan ni Calyx.May kasama itong lalaki na sa tingin ko ay isa ring doktor.Nagtatawanan ito at mukhang masaya ang pinag-uusapan.

Ito siguro siya yung chinichismis na mayamang nanliligaw kay Mina.Base na rin sa sports car na gamit nito.Pero hindi naman gwapo yung lalaki,mukhang may pera lang.Mas gwapo pa nga yung kamay ni Zero kesa sa mukha ng lalaking yun.

Napansin kong natigilan si Calyx pero napakunot noo ako ng bigla niyang pinaandar yung kotse.Dumaan ito sa gilid nung lalaking kausap ni Mina at muntik na itong mahagip.Agad akong napasuot ng seatbelt at napahawak sa kung saan pwede makapitan.

"Jusko,Calyx Smith!Wala pa akong balak mamatay!Bagalan mo nga ang pagpapatakbo kundi babangasan kita ng malala."

Pero hindi nakinig si Calyx.Patuloy pa rin ang mabilis na takbo ng kotse.Kita ang higpit ng kapit niya sa manibela at ang pag-igting ng panga niya.Mukhang nagseselos si bebe boy.Pero hindi iyon ang problema ko ngayon kundi ang buhay ko.

Letseng Calyx to!Kung gusto niya mamatay,mauna na siya.Wala pa akong balak mamatay!

"Calyx,isa!Bagalan mo ang kotse!Kundi tatamaan ka na talaga sakin."

Mukhang nakinig naman sakin si Calyx kasi kung hindi ipapabugbog ko talaga siya kay Zero.

"Gusto mo bang magpakamatay?!Kung gusto mo huwag mo ako idamay!Pasalamat ka at walang traffic enforcer na humabol satin kundi lagot talaga tayo."

Mukhang natauhan naman siya sa sinabi ko.Huminga siya ng malalim at tumingin sakin.

"Ano ba itong nararamdaman ko?"

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.Nararamdaman niya?

"Kanila Mina tapos dun sa lalaking mukhang orangutan?"

Hindi siya sumagot kaya sa tingin ko iyon nga ang tinutukoy niya.

"Selos,Calyx.Selos tawag diyan."

"Pero hindi ko na gusto si Mina."

Lalo akong napakunot noo sa sinabi niya.Hindi na niya gusto si Mina?Eh bakit ganun siya umakto?Hindi ako naniniwala na hindi na niya gusto yun.Sa panliligaw lang niya alam kong sincere siya tapos biglang nagbago?

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon