CHAPTER 25

1K 35 1
                                    

[Jerish POV]

"Ma,tinuturuan ako niya ako kapag dumadalaw siya dito sa bahay."

Nanonood kami ng movie sa TV at chinichika ko na rin itong si Riku dahil na-miss ko siya ng sobra.Si Lola naman ay natutulog sa kanyang kwarto dahil matanda na siya,mabilis siyang mapagod.

"Ano namang tinuturo mo kay Riku ha?"bulong ko sabay siko sa kanya.Tinignan ko siya parang may masama nanaman siyang tinuro kay Riku.Sure kasi akong kalokohan na naman ang tinuro nitong lalaking ito.

"Women."

Napanganga na lang ako sa sagot niya.Bata pa si Riku para sa ganyang mga usapin tapos tuturuan pa niya.

"Bakit naman iyon ang tinuro mo sa kaniya?"napakibit balikat lamang siya.Mula sa mukha niyang sobrang seryoso ay nakatago ang puro kalokohan niya.

Tinulak ko siya palayo sakin at nagkwentuhan ulit kami ni Riku.

"Tito Storm!!"napatingin kami lahat sa pinto ng bumukas iyon.Nandoon si Storm na nakangiti.

Anong ginagawa niya rito?

"Storm?"lumapit ako sa kanya para tulungan siya dahil marami siyang dalang paper bags pero hinatak ako ni Zero kaya napaupo ako sa tabi niya.Ayaw niyang bitiwan ang braso ko.

"What the hell are you doing here?!"mahinahon pero halatang may inis sa boses ni Zero.Ano na naman ang problema nilang magpinsan?

"Visiting them?"nakangiting tanong ni Storm kaya napansin ko ang pag-igting ng panga ni Zero.Hinawakan ko yung kamay niyang nakakuyom kasi ang kamay niya at halatang gusto na niyang suntukin ang pinsan niya.

"Riku,tulungan mo si Tito Storm mo."tumulong naman si Riku at umupo na si Storm sa tabi ko kaya nilipat ako ni Zero sa tabi niya.Nakakunot ang noo ko dahil bakit pa ako lilipat,umupo lang naman si Storm sa tabi ko.So ang katabi ko ay si Zero,at katabi naman niya si Storm.Pinipilit kong bumalik at baka mag-away na naman itong dalawa.Pero ayaw akong pakawalan ni Zero.

"Riku,can you go to your room?Mag-uusap lang muna kami."agad rin namang sumunod si Riku.

Tumayo na ako at humarap sa kanila ng nakapameywang.

"Ano na naman ang problema niyong dalawa?"ang sama ng tingin ni Zero kay Storm habang ngiti naman ang ginaganti nito na parang nang-aasar pa.

Ang galing!May kausap ako!!Yung hangin!

"Wala bang magsasalita?Anyone?"

"Wala naman kasing problema diba Zero?"tumingin si Storm kay Zero na nanatiling seryoso ang mukha at nakakrus ang mga braso.

"Pero sa tinginan niyo ngayon ay hindi na ako naniniwala."

"Nothing."sagot naman ni Zero.

"Kung iyon lang pala ay lalabas lang ako at magpapahangin."

Hahayaan ko muna silang dalawa para makapag usap sila kung may problema man silang dalawa.

Jusko!Ang init na nga,mas nagpapainit pa ng atmosphere yung tinginan nilang dalawa!

"Sama ako,Pretty!"
"Sama!"

Nagkatinginan sila at alam kong mag-aaway na naman sila.Sabay na sabi nila kaya napangiwi ako.Magsisimula na naman ito ng away.Sakit talaga sa ulo kapag nagsama itong dalawang ito.

"Wala akong isasama sa inyo.Si Riku ang isasama ko.Bahala kayo diyan!"nakita ko kasing bumaba ng hagdan si Riku kaya siya ang nabanggit ko.

"Lagi bang pumupunta si Storm rito?"umupo ako sa bench na nasa ilalim ng puno.

"Uhm...di naman po lagi.Mga tatlong beses lang sa isang buwan pero kasama niya po yung ibang pinsan niya.Nagdadala sila ng mga pagkain at mga gamit.Pero si Dada Zero ang laging nandito.Every weekend siyang nandito.Nitong mga nakaraang linggo siya wala."

Ah!Dinadalaw dalaw naman pala ng mga Smith sila Lola.Alam ko rin namang napamahal ang pamilya ko kay Zero at ganun rin ito.Nagpapasalamat ako na binibisita pa rin niya ang pamilya ko kahit na hindi kami okay ng mga panahong iyon.

"Ang kulit ng dalawa na yun!Naha-high blood ako!"inis na sabi ko.Sinong hindi maiinis kung parang aso't pusa ang mga yun!Pag nagdikit biglang nag-aaway.

May narinig kaming kalabog mula sa harap ng bahay kaya napatakbo kami papunta dun.

Nakita ko si Zero na hawak ang collar ni Storm na ngayon ay nakahiga at punong puno ng dugo ang mukha.Hindi pumapalag si Storm kaya deretso ang tama ng kamao ni Zero sa katawan niya.

Pero may isang tao akong hindi ko inaasahang makita at hindi ko na dapat nakita pa.

[Storm POV]

"Ano bang problema mo?!"inis na tanong ko.Kahit na gustong gusto ko na siyang sapakin ay pinipigilan ko dahil nandiyan sa paligid si Pretty.Ayokong ma-bad impression sa kaniya.Kailangang ako yung inaapi at kinakawawa ni Zero para ako ang kakampihan niya.

"You!Why are you here?!"

"Dumadalaw?"napangisi ako ng lalong kumuyom ang kamao niya.Gustong gusto ko talagang inaasar ang isang ito.Masyado kasing pikon!

"Visiting?Really?"

"Wag mo akong itulad sayo,Zero.Bakit?Nung wala si Jerish ay kung sino-sinong babae ang kalandian mo ah.Loyal huh?"hinatak niya ang collar ng polo na suot ko.Wala akong balak pumalag sa kaniya dahil kailangang makita ito ni Jerish.

"Go away!"

"Pwede ba Zero,tigilan mo na ang pagpapanggap.Si Hazel,ang landiin mo.Siya naman ang kalandian mo lagi diba?Siya ang puntahan mo!!"hindi ko na napigilan ng tumama ang kamao niya sa pisngi ko.Mukhang natamaan ko na rin ang push button ng galit niya.

"You asshole!"

"Bakit?Tinatakot ka pa ba ni Hazel?Ang problema kasi sayo,napaka-duwag mo!Isa kang malaking duwag.Oo nga pala,tinawagan ko si Hazel at nandito na siya."ngumisi ako at sunod sunod na tumama ang suntok niya sa akin.Hindi na ako gumanti.Plano ko ito.Plano kong magalit si Pretty kay Zero at sakto pang pinapunta ko si Hazel para mas layuan na niya si Zero.

"Kung ako sa iyo,Zero.Doon ka na lang kay Hazel.Mas mamahalin ka niya.Hindi ka nga niya iniwan kahit na pinagtatabuyan mo siya."hinatak niya ang kwelyo ko at sunod sunod na pinaulanan ng suntok.Nakahiga na ako sa sahig dahil natumba ako sa lakas ng suntok niya.

Totoo iyon.Pagkatapos umalis ni Pretty ay lumapit siya samin para humingi ng tawad lalo na kay Zero.Ginawa lang daw niya yun para hindi siya iwan ni Zero.Baliw na baliw siya kay Zero kaya pati ang pagkamatay ng magulang ni Pretty ay pinang-blackmail pa niya.

Kahit na pinagtatabuyan niya si Hazel ay di siya umalis.Sobra ang pagmamahal ni Hazel para kay Zero.

"Zero?Storm?"napatingin kami ni Zero sa nagsalita.

"Hazel..."

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon