CHAPTER 2

2K 65 6
                                    

[Jerish POV]

"Zero..."

"Hey!How are you??"napatulala ako sa nakita ko.Nakangiti pa ang walang hiya!!

Anong ginagawa nya rito?At bakit siya napunta sa ganitong lugar?

"Hey Zero!What are you doing here?!"masungit na tanong ko.Zero is just his nickname.

He's Kazero Takahashi.He's a japanese.Naging kaibigan ko siya sa ibang bansa.Actually,nagkakilala kami nung papunta pa lang ako.Katabi ko sya sa eroplano.Umiiyak pa ako nun kaya naubos ko yung box ng tissue niya.Salita sya ng salita at pinilit akong maging kaibigan.Food blogger rin ang isang ito.

"I'm here to be with you."lumapit ako sa kanila at binatukan ko ng malakas itong lalaking ito.Nasabi ko bang mainit ang ulo ko sa taong ito?Sira ulo ba naman kasi itong lalaking ito!Pinakain ako ng isang kutsarang wasabi.Ayun!Maiyak iyak ako sa anghang!Nagsimula dun ang pag-init ng ulo ko kapag nakikita ko siya.Pakiramdan ko may gagawing kagaguhan na naman ito sakin.

"Be with me?I don't need you so go away!"inis na sabi ko.Tinulak ko sya at ako ang nakaupo ngayon sa upuan nya.

"Bakit nyo naman pinapasok ang isang walang hiyang lalaking ito?"tanong ko kanila Katkat.

"Ifi-feature niya kasi itong restaurant ko.Sikat kasi siyang blogger.Syempre sikat siya kaya dadami ang costumer ng restaurant ko kapag nafeature nya.Siya naman nagpunta dito kaya grab the opportunity na."sagot ni Katkat na pinanonood ang pagsasagutan namin nitong si Kazero.

"I thought you're in vacation?Hawaii right?"

"But it doesn't mean that I can't stop over to your hometown."

"Hometown,your ass!"

"So rude!I'm your best friend right?You told me that!"

"When?I can't remember claiming you to be my bestfriend."tinaasan ko sya ng kilay.

"I hate you Feia!"

"I hate you too,sweetie!"nakangiti kong sagot.

Bumaling ito kanila Lexi.

"I'll be back here after a month I think?I'm just here to inform you since I can't contact your social networks.Thank you for the time."nakipagkamay ito sa dalawa.

"Anyway,today is my flight to Hawaii for my vacation."pag-iinform sakin ni Kazero.Tinanguan ko lang siya bilang sagot.Umalis na rin ito ng restaurant.

Hinabol ko siya ng tingin at nang nawala na siya ay humarap ako sa dalawang ito na may gulat sa mukha.

"Close kayo?"tanong ng dalawa.Sabay pa silang nagtanong niyan.

"He's my friend sa ibang bansa.Eh mapilit na makipagkaibigan."

"Fan nya kaya kami!"kilig na kilig pa sila.

Anong dapat ikakilig sa taong iyon?Hindi ako kinikilig sa lalaking iyon.Baka dahil hindi ko siya gusto or sanay na ako sa kapangitan niya.Just kidding!Gwapo rin yung lokong yun.Sayang nga di nag-artista eh.

"Ganyan ba kayo magwelcome ng bestfriend nyo?"bigla silang natigilan.Mukhang nagsink in ang sinabi ko.Parang mas interested pa sila kay Kazero na kakaalis lang.

"Jerish!"niyakap nila agad ako ng mahigpit kaya napatawa na lang ako.Inuna pa kasi talaga ang lalaki kesa sakin.Ngayon lang nilang napansin na nandito ako.

"Ganda ka na ah!"sabi ni Katkat.

"Sikat ka na!"Lexi.

"Syempre ako pa!"sabay flip ng hair ko.Napatawa na lang sila sa ginawa ko baka dahil ganun pa rin ako.Masayahin na ako kumpara sa pag-alis ko limang taon na ang nakakalipas.

"Nakaka-tampo ka talaga!Hindi ka man lang tumatawag samin tapos nalaman na lang namin sikat na sa ibang bansa ang best friend namin!Bongga mo na!"

"Yung loko-loko naming kaibigan ay seryoso na sa buhay!"

Natawa na lang ako sa kanila.Hindi naman ako ganun kasikat.Mataas lang talaga tingin ko sa sarili ko.

"Kwentuhan mo naman kami kung ano na ang nangyari sayo.Ilang taon kang nawala ah."

"Ilang mahahalagang events ang nangyari sa amin na wala ka.Katulad ng pag-open nitong restaurant ko,tapos nung na promote itong si Katkat."

"May kasalanan ka pa samin.Bakit di ka man lang tumawag samin?!"

Kinuwento ko sa kanila ang mga nangyari sa akin habang nasa ibang bansa ako.

"I never thought that I have talent on that.I just discovered it and then that's it.I think hinasa ko lang yung talent na yun.Gulat nga ako na may ganung talent pala ako.Ang dream talaga ay maging doktor pero hindi ko naging priority kasi kailangan ko ng pera nun.But I'm proud na nakagraduate ako ng pagdodoktor dahil sa paggawa ko ng covers on social media platforms."

"Waaaah!!So proud of you!!"niyakap ulit nila ako.

"We tried na magcomment sa mga covers mo pero di kami napapansin.Your social media accounts din."

"Sorry."that's all I can say kasi I feel sorry rin sa kanila na hindi ko man lamang nasagot yung mga messages nila wanting me to meet them again.

"Well.....kamusta na kayo?"ako naman ang nagtanong.Di pwedeng sila lang ang magtatanong.Ang dami ko ring hindi naabutan na mga special events sa buhay nila kaya sila dapat ay magkwento rin sakin.

"Ito!Nakapagpundar na rin ako ng restaurant pagkatapos kong makagraduate.Tinulungan ako ng parents ko na masimulan itong pangarap ko na restaurant.Akala ko nga magiging nerd na lang ako habang buhay.Thanks to Lexi,nagbago na ako.Tinulungan niya ako kung paano alagaan ang sarili ko."

"Ako naman ay dahil sa hilig ko sa pagkain,naging food blogger.Dati pasali sali lang ako sa journalism.Tapos in-apply ko yung pagkagusto ko sa pagkain sa pagsusulat ko.Nakuha ako ng Trend Magazine at may section ang mga sinusulat ko sa magazines na iyon.Ang saya kaya ng trabaho ko!!"

Napangiti ako dahil mukhang naging maayos naman ang naging buhay nila nung wala ako.

"Ah ganun ba?...Kamusta naman ang mga Smith?"tanong ko.Di ko alam kung tamang itanong ko iyon.Natigilan rin sila sa tanong ko.

Naging awkward ang atmosphere dahil na rin siguro sa nangyari dati.

"Hinanap ka nila"naging seryoso ang mukha nila "Naghire pa sila ng private investigator.They even went there personally,just to find you.Hindi kami nagsalita kasi wala kami sa posiyon para gawin iyon.Naawa kami sa kanila pero hindi kami nagsalita."

Nagpapasalamat ako at hindi nila binanggit kung saan man ako nagpunta.Ayoko ring makita pa sila.Hindi pa ako handa.

"Bakit pa nila ako hinanap?"

"We don't know."

"Eh si Zero?"natahimik sila sa tanong ko.Baka dahil hindi kami okay ni Zero nang umalis ako.

Hindi ko nga rin alam bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

"Naka-move on na sya Jerish.May girlfriend na sya."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit dahil naka-move on sya agad.Pero hindi ko dapat iniisip iyon.

Di ko alam pero parang nasaktan ako.Masakit siguro na ang bilis niyang mag-move on.

Well,iniyakan ko ang pagkawala nila Mom at syempre si Zero.Minahal ko yung tao.Kahit na narealize ko na mahal ko siya tapos napalitan agad bigla ng sakit.Hindi man lamang nagtagal yung pagmamahal ko sa kaniya.Natabunan agad ng sakit.

Katulad ng sinabi ko,pag bumalik ako ng Pilipinas ay wala na ang Jerish Lopez na umiyak dahil kay Zero.

After kong umalis ng Pilipinas,hindi na ako muling nagmahal.Naging bato na ang puso ko.Hinding hindi na ito titibok.

Because love is the biggest lie in your whole life.

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Where stories live. Discover now