CHAPTER 41

809 25 1
                                    

[Jerish POV]

Sa sinabi sakin ni Riku,doon ako naliwanagan.Naliwanagan na isa si Zero sa mga importanteng bagay na nakalimutan ko.Ang hindi ko lang maintindihan kung anong naging parte niya sa buhay ko.

Iniisip ko kung kailangan ko na ba ng tulong ni Zero ngayon.Dahil ang dami ng bagay ang kailangan kong maalala.Naste-stress na ako ngayon.

"Zero?"tawag ko kay Zero na kasama ko ngayon.

Sinamahan niya kasi ako rito sa mall dahil malapit na ang birthday ng isa kong kaibigan na doktor kaya magbibigay sana ako ng regalo.

Wala pa akong maisip na iregalo kaya nag-iikot ikot muna kami.Baka kapag may nadadaanan ako may maisip rin akong ipangregalo.

"Hmm?"

"May gusto lang sana akong itanong."

Napatingin siya sa akin habang nakakunot-noo.

"Anong parte mo sa nakaraan ko?Sa mga alaalang hindi ko maalala?"

Napansin kong natahimik siya.Dumilim ang awra ng mukha at napa-igting ang panga.May masama ba akong sinabi?Parang wala naman.

"Zero?"

Ngumiti na siya pero halata pa rin na galit siya sa di ko malamang dahilan.

"Hindi ba kinu-kwento ng boyfriend mo ang mga alaala mo?"

"Ayaw niyang ibini-bring up ko ang topic na yan.Ayaw rin naman nila Rex na tulungan ako kasi si Storm ang masusunod."

"Pinsan ko sila Storm."

Nagulat ako sa sinabi niya.Hindi ko akalain na magpinsan pala sila.So pinsan rin niya sila Rex,Kaizer,tsaka Calyx?

Magpinsan sila?!

Kaya pala siguro pamilyar ang mukha niya sa akin.Pero bakit sa may hospital bakit galit yung magpipinsan kay Zero?

"Hindi niya nababanggit na magpinsan kayo!"

"That fucker hate me so much"nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Stop calling him fucker!!"

Kahit naman na magkaaway kami ngayon nung lalaking iyon.Mahal ko pa rin yun!Hindi mababago ang pagmamahal ko sa kanya.

"Oh yeah yeah!I forgot that he's your fucking boyfriend!Fucking boyfriend!"hinampas ko siya sa braso ng malakas.Kakasabi ko lang na huwag niyang tawagin ng ganun ang boyfriend ko!

“Sakit!"

Natawa ako sa pagkasabi niya ng sakit.Yung parang nagsabi siya ng sakit pero di naman obvious kasi nakapoker face siya.

"Anyway,sagutin mo na kasi yung tanong ko.Ano ba ang parte mo sa nakaraan ko?Alam kong isa ka sa mga hindi ko maalala kaya gusto ko yung tandaan."

Natahimik siya sa sinabi ko.Hindi ko alam kung pinipigilan lang niya ang sarili niya na sabihin kung anong papel niya sa buhay ko.

"Ano na?"tinusok tusok ko yung bewang niya pero di pa rin siya sumasagot.Seryoso pa rin ang mukha niya.

"Zero naman eh!Magsalita ka naman!"natatawang sabi ko.Sumeryoso na naman kasi yung mukha niya.

"Kaibigan mo ako."

"Kaibigan?"napataas naman ang kilay ko.

"Kaibigan mo ako.Pinaalis ako kasi nagseselos siya sa atin.Binantaan niya ang ako kapag di ako umalis.Kaya iniwan kita at pumunta na ako ng ibang bansa.Ngayon ko nga lang nalaman na naaksidente ka nung nakabalik na ako rito.Pinalitan pa nga niya ang pangalan mo.Jerish ang totoo mong pangalan."

Naguluhan ako sa sinabi niya.

So kaibigan ko pala si Zero kaya magaan ang loob ko sa kanya!!Tsaka dahil sa selos,nagbanta si Storm sa ibang tao?!Ano bang problema niya?!Nakakaya niyang manakit ng ibang tao dahil sa selos?!At sa kaibigan ko pa?!Pati ba naman ang pangalan ko babaguhin niya?!Ano ba talagang problema niya?!Kaya pala Jerish ang tinawag sakin ni Lexi at Zero.

Napakuyom ako sa sobrang galit.Hindi ko akalaing magagawa ni Storm ang mga bagay na ito.

"Jerish.Calm down!!"

"Nakakagalit kasi yung ginawa niya sakin!Dahil sa selos,ginawa niya lahat iyon!"

"It's okay.At least nalaman mo ang totoo."

Niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang higpit.Siguro dahil sa nalaman ko kaya gusto ko siyang yakapin.

"Bakit?"

"I'm sorry!Nakalimutan kita!Hindi ko sinasadyang kalimutan ka!!"naiiyak na ako.Bakit kasi nakalimutan ko pa yung kaibigan ko.

"Its okay."gumanti na rin siya ng yakap sakin.

"Help me to remember all the things that I forget."

"I will.For you."

Humiwalay na ako ng yakap dahil pinagtitinginan na kami.

"How can I help you to gain that memories again?"

"Bring me to the place that can trigger my memories?"suggestion ko.

"Tomorrow.Pupunta tayo ng Manila."

"Manila?"kunot noo kong tanong.May plano naman siya agad?Tumango siya bilang sagot.

"Anong meron sa Manila?"

"Doon ka dati nakatira."

"But-"

Sasabihin ko sana na dito ako nakatira since bata pa lang ako pero naalala ko na sabi lang iyon ni Storm sakin.Baka gawa-gawa lang ang bagay na iyon.

"Okay.Pero paano si Elrah?Si Riku pwede kong iwan kaya Lola."

"Sasama natin siya."

Tumango tango naman ako.Naglakad na ulit kami dahil nakaharang na kami dito sa may mall.

"I'm curious about her mother.Maganda rin ba siya?"tanong ko kay Zero.Naalala ko kasing hindi ko pa nakikilala mother ni Elrah.

"I don't want to talk about it."

"Ah okay.Sige.Bukas."

Ayokong maging pakialamera sa buhay nila.Kung ayaw niyang sabihin,hindi ko siya pipilitin.Magsasabi naman siya kung gusto niyang sabihin talaga.

Napadaan kami sa isang store at naisip ko na ang ireregalo ko sa kaibigan ko kaya pumasok ako doon.Hinayaan ako ni Zero pumili muna ng bibilhin at may kakausapin daw siya.

[Third Person POV]

Hindi alam ni Jerish na may nagmamasid sa kanya mula sa malayo.

May kausap ito sa cellphone.

"Oo boss...Napicture-an ko na.Isesend ko sa email niyo boss...Sige sige."

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon