Chapter 30

8 0 0
                                    

Chapter 30

"Ate? Eto na ang pagkain mo. " katok ni Ashanta sa kuwarto ni Elle. Kasama niya sa kaniyang gilid si Lovely na may hawak ng tray.

"Wala. Akong. Gana. " mahina, matamlay at madiin na sambit ni Elle. Napabuga ng hangin ang kaniyang dalawang kapatid.

"Ate naman, please lang kumain kana. Bibigay ang katawan mo niyan. Kaka-diacharge mo pa nga lang sa hospital e. " saad ni Ashanta muli.

Tama, kaka-discharge pa lamang ni Elle dahil sa nangyari. Isang linggo na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon, sariwa pa din sa kaniya ang Lahat ng pangyayari. Masakit isipin para sa kaniya na kung sino pa ang mga kaibigan niya, Ayon pa ang nagtaksil sa kaniya.

Mula nang araw Na iyon, hindi na Siya pumasok pa. Nawalan Siya ng oras sa kaniyang mga kapatid dahil nagmukmok Siya buong linggo sa kaniyang kuwarto. Sa mga sumunod na araw ding iyon, hindi Siya kumain o kahit Ano kaya bumigay ang kaniyang katawan at I sinugod siya sa hospital ng dalawa. At salamat naman, maayos Na siya ngayon ngunit ang problema nga lang, bumalik nanaman Siya.

"Lumayas kayo diyan! Bantayan niyo sina Mama! " sigaw ni Elle.

"A-ate naman, nandiyan si Theia. " saad naman ni Lovely.

"Tulungan niyo. Kaya ko dito. " saad ni Elle kahit pa ang Totoo ay namumutla nanaman Siya.

"S-sige. " saad ni Ashanta. Pinanlakihan pa ito ng mata ni Lovely pero walang nagawa ang bunso nilang kapatid.

Sa nagdaang linggo, napakadaming nangyari. Hindi nila inaasahan ang pag-uwi ng kanilang mga magulang kasama si Theia, ang ikatlo nilang Kapatid. Masaya Sila ngunit may masamang balita pala ang hatid. Na-strok ang kanilang papa kung kaya't kailangan muna nilang manatili rito. Maayos Na ito at inaantay na lamang ang kaniyang pagrecover. Ito din pala ang dahilan kung bakit minsanan Sila magpadala dahil si Theia Na lamang ang nagt-trabaho.

Ilang saglit pa siyang napatulala habang iniisip ang mga iilang pangyayari. Mga alaala na tanging hawak niya na lamang.

Hindi niya pa ding lubos maisip na nagawa siyang pagtaksilan ng mga kaibigan niya. Hindi niya alam na may malaking inggit sina Aki at Brenda sa kaniya. At Talagang kinakakuntyaba pa nila ang Pinsan nito. Totoo nga talaga ang sinabi niya. Nahulog Siya sa bitag, hindi na sa mismong bitag kundi sa bitag ng iba.

Napaiyak siyang muli sa kalungkutan at sakit. Ngayon, alam niya na ang pakiramdam ng maloko at pagkaisahan ng mga itinuturing mong kaibigan. Ngayon, alam niya Na ang naranasan ni Jonas. Parang kinarma Siya at Mas malala pa ang balik nito sa kaniya. Kung maaari lamang Siya bumalik sa panahon na hindi pa nagsisimula ang deal, gagawin niya ang dapat niyang gawin. Sana...

Napasinghap Siya ng maalala ang mga sinabi ni Tallie sa kaniya.

Nagsisisi siyang tinapon ang mga itim na puso sa kaniyang kuwarto noon. Edi sana, may akap siya at pandekorasyon sa kaniyang kuwarto ngayon. At Talagang naniniwala Na siya sa sinabi nito na hindi niya Dapat masyadong pagkatiwalaan ang mga taong nasa paligid, kahit pa ang mga kaibigan niya. Sabagay, wala siya sa lahat ng oras sa kanilang tabi. Ano bang Malay niya na Baka sinisiraan na Siya nito?

Ilang saglit pa siyang napaisip at maya-maya pa ay may narinig siyang pagkatok.

"Anak! Buksan mo ang pinto! Makinig ka naman sa amin oh! Huwag ka nang dumagdag sa Ama mo, Elettra. " rinig niyang sambit ng kaniyang Ina.

"Sorry, Ma. Nagiging pabigat ba ako masyado? Sorry talaga, Ma. Kung hindi kasi tatanga-tanga ang anak niyo edi Sana hindi ako ganito. " sabay hikbi ni Elle. Napatigil ang kaniyang ina roon.

Love Series #1: Signs of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon