Chapter 17

4 1 0
                                    

Chapter 17

Pagkagising ni Elle sa kaniyang malambot na kama, bigla siyang naalipungatan. Kailangan niya pa palang maghanda sa kaniyang trabaho. Agad siyang nag-ayos sa kaniyang sarili at pagkalabas ng kaniyang banyo, may na-realize ito.



Wala nga pala siyang pasok ngayon.


Inis niyang hinubad ang kaniyang suot niyang uniporme at nagsuot ng isang simpleng damit. Basang-basa pa ang kaniyang buhok nun kaya naman pinunasan niya ito ng kaniyang tuwalya.



Kagabi... Kagabi ay parang isang panaginip. Hindi ko akalain na magkakaroon Agad ng closure sa pagitan namin.



Napangiti si Elle sa kaniyang naisip. Nung gabi kasing iyon ay napuno ng tawanan ang kanilang pag-uusap. Lagi siyang tinatawanan ng kaniyang sir Jonas sa hindi malamang dahilan. Nagtataka lamang ito dahil titingin Siya kay Elle at bigla siyang tatawa.



Napailing na lamang ang dalaga.


Siguro, happy pill ako ni Sir Jonas. Masaya Siya sa akin e.


Tatawa pa Sana Siya sa kaniyang iniisip ng biglang may kumatok sa kaniyang pintuan. Agad na nagtaka si Elle doon. Ng ganito kaagad, may kakatok sa kaniyang kuwarto? Dali-dali siyang tumayo ay binuksan ang kaniyang pintuan.


Katulad kahapon, may isang bouquet at paper bag nanaman.



Napalingon Siya sa kaniyang paligid at may nakitang isang lalaki naglalakad palayo sa 'di kalayuan. Tumakbo Siya doon sa lalaki habang Bitbit ang bagay Na nasa harapan ng kaniyang pintuan. Nang maharang niya ang dinaraanan nito, nagulat Siya ng mapag-alamang si James iyon.


Malamig at seryosong titig ang ipinukol nito sa kaniya. Napangisi si Elle doon.



Sabi na e... Siya talaga ang nagbigay nito.



Galing mo, Elettra. Mana-mana lang.


"What are you doing? " malamig na tanong nito sa kaniya.



"Ikaw ba nagbigay nito, Sue James? " diretsong Tanong ni Elle. Mas lalong kumunot ang noo ng kapatid ng kaniyang boss sa kaniyang sinabi.



Oops, parang...


"Why would I gave you such a thing? " kunot-noong tanong nito sa kaniya. Biglang napatahimik si Elle at Kinain ng kahihiyan. Inis Na inis Siya sa kaniyang sarili.


Ano ba 'yan! Assumera kasi ako e...



Inis niyang iniwan ang kapatid ng kaniyang boss at naglakad pabalik sa kaniyang kuwarto. Halos tumawa si James sa kaniyang hitsura doon. Hinabol nito si Elle.



"Why are you mad? Kasi ba hindi ako ang nagbigay ng mga iyan at ako ang inaasahan mo ding magbibigay sa'yo niyan? " tanong ni James rito. Biglang napatigil si Elle.



Nakalimutan Kong may kakapalan nga pala ang mukha nito.


Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now