Chapter 23

2 1 0
                                    

Chapter 23




"Salamat talaga! Kyaaaahhhh! I love you na! " sabi ni Elle nang makarating Sila sa mini park. Kaagad niya ding niyakap si Xavier dahil sa ginawang pagsalba nito sa kaniya.


"Hoy! Baka hindi na ako sikatan niyan sa ginagawa mo, Aber! Kita mo titig nila Kanina? Halos patayin na nila ako! " sabi ni Xavier. Kaagad na bumitaw si Elle.


"Speaking of... " sabi ni Elle at umupo sa Bermuda.



"Ang pangit sa Bermuda umupo, Elettra. Sa swing tayo. " sabi ni Xavier.




"Atsaka na-virgin-nan niyo na Jonas 'yan! " saad ni Xavier. Kaagad siyang pinanlakihan ng mga mata nito.




"Xavier! Ang bastos ng bibig mo! " iritang wika ni Elle at tumayo sa Bermuda.



"Ay, wow! Inosente much? " tanong ni Xavier. Inirapan lamang Siya ng dalaga.



"Naloloka na ako, Xavier. Alam mo ba 'yun? " ngusong saad ni Elle habang naka-upo sa may swing. Katabi niya si Xavier na nasa kabilang swing habang kumakain. Aba, may pagkain pala ang loko?




"Alam ko. Halata naman e. Ikaw ba naman pag-agawan ng boss mo, 'di kaba maloloka? Pero infairness! Lakas ng charms mo, Elettra! " pang-aasar ni Xavier. Inirapan nanaman Siya ng dalaga.




"Hindi ka nakakatulong, alam mo ba 'yun? " taas kilay na sambit ni Elle.



"Okay, serious na ako. " sabi ni Xavier.




"Bakit ba ganyan ang salita mo?! Anong nakain mo? Para kang Bakla! " wika ni Elle.




"Lakas makahawa ni Ashanta e. Pero alam mo? Mas masarap kausap si Ashanta. 'Di nananaray. Kausap ko iyon kagabi, sa phone. " sabi ni Xavier.



"Ano?! So, Pagtapos ko kay Ashanta ka naman? " hindi makapaniwalang saad ni Elle.



"Oo, tapos kapag 'di pinalad. Doon tayo kay Lovely! " ngising saad nito.


Umawang ang labi ni Elle.



"What?! Kapal mo! Pero pahingi, may ichichika ako. " saad ni Elle.



"Ay, sigi. Gusto ko 'yang chika mo. About ba sa boss mo? " tanong ni Xavier.




Tumango lamang sa kaniya si Elle habang kumukuha ng pagkain nito sa kaniya.



"Oo, alam mo ba kagabi? Sobrang nakakahiya ang ginawa ko. Inaantok na kasi ako tapos muntikan Na akong mapahiga dito sa Bermuda kagabi. As in! Tapos in offer ni Sir Jonas 'yung balikat niya, doon daw ako matulog. Edi pumayag ako, tapos pag-gising ko, alam mo ba?! " biglang nag-hysterical si Elle.



"Hindi pa. " inosenteng saad ni Xavier. Inirapan nanaman siya ni Elle.



"Ayos kasi! Pag-gising ko, I mean pagmulat ng mata ko Nakita ko  'yung face ni Sir Jonas! Grabe, sobrang lapit namin kagabi! Nakakahiya! " saad ni Elle at napailing. Nagpatuloy lamang sa pagkain si Xavier.




"Okay, Sign no. 1, napapailing sa kahihiyan. " saad ni Xavier.



"Tapos, kagabi din napansin ko may sugat si Sir Jonas at kay putok na labi. Ang ginawa ko ginamit ko tapos dinala niya ako sa pribadong kuwarto niya tapos— "



"May nangyari sa inyo?! " gulat Na saad ni Xavier. Kaagad Na nanlaki ang mga mata ni Elle doon habang namumula ang kaniyang pisnge.




Love Series #1: Signs of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon