Chapter 9

4 1 0
                                    

Chapter 9




Napatahimik silang Lahat na nandoon. Pero Agad na nabawi iyon ng taasan Sila ng kilay ng kasama nung lalaking nakausap ni Elle sa bar. At ang babaeng ‘yun ang nakasira ng kaniyang phone. Salubong na ngayon ang kilay ni Elle sa kaniyang glabella.



“Good afternoon, Sir Jonas. ” saad nung iba. Napanguso si Elle doon. Sir Jonas?



May ginawa ito sa kaniyang kamay habang tinitignan siya ni Tarsier. Anong ginagawa niya? Sign language?




“Magandang tanghali din daw. Gusto lang masigurado ni Sir Jonas na kayo ay kumakain na ngayon dahil ayaw niyang mabalitaan na mayroong nagpapagutom sa inyo. Inaalala niya lang kayo. ” saad ni Tarsier. Tumango ang karamihan Caring pala si Sir Jonas.




Diretso lamang ang tingin nila Pareho. May kinausap naman ang Tarsier Girl at tumayo si Elle. Iniligpit niya ang kaniyang lunch box at uminom na ng tubig. Saktong napadako naman ang tingin niya sa Jonas na ‘yun.





Siya nga talaga ‘yun. ‘Yung lalaking nakausap niya sa bar. Iiwas na sana ito ng tingin nang mahuli Siya ni Jonas na nakatingin sa kaniya. Nanigas sa kinatatayuan si Jonas at sa hindi inaasahang pangyayari ay makikita niya muli ang babaeng nakakuha ng kaniyang atensyon.




Umiwas na ng tingin si Elle dahil alam niyang may kahihiyan siyang nagawa sa lalaki ng gabing iyon. May nasabi siyang salita at ayaw niya nang maalala pa iyon. Kung bakit niya kasi naisipang bumanat ng ganoong linya, napailing si Elle sa kaniyang sarili.




Nang Matapos ang lunch ay Bumalik na Sila sa trabaho. Sakto namang Pareho silang walang lilinisan na kuwarto dahil ayaw magpalinis ng may-ari ng kuwarto. Arte much kuno. At dahil nga wala, iyon ang tamang oras nila Para magpahinga at nag-kuwentuhan.




“Sino ‘yung lalaki Kanina? Pati ‘yung babae? ” tanong ni Elle.




“Nag-intern ka dito tapos hindi mo Sila kilala? ” takang Tanong ni Aki. Hindi din naman niya iyon nakakita dito noon.




“Eh kasi nga Aki, wala si sir nung nag-intern Siya dito. ” saad ni Brenda. Tumango si Aki.




“Pero Sila Sir Jonas iyon at Ma'am Tallie. Si Sir Jonas ang may-ari at CEO nitong hotel na ito. Si Ma'am Tallie naman ay ang kaniyang assistant. ” paliwanag ni Brenda. Tumango Sì Elle.




“Bakit? Crush mo si Sir Ano? ” pang-aasar ni Aki. Agad na umiling si Elle.




“Hindi ah! Nakilala ko lang kasi Sila Pareho. Sa isang lugar...” wika ni Elle. Agad na nanlaki ang mata nung dalawa.




“Talaga? Naku, ang swerte mo pala! Nakausap mo? ” tumango si Elle sa sagot ni Brenda. Mas lalong nanlaki ang mga mata nila.




“Hala, hindi nga? Ang swerte mo Talaga! Saan kayo nagkita? ” tanong ni Aki.




“Oo nga! Atsaka si Ma'am Tallie lang naman nakausap ko. Nung si Sir Jonas kqsi hindi ako inimikan. Snobber e. At nagkita kami ni Sir Jonas sa isang bar. Umiinom Siya nun, eh alam niyo ang mga Kapatid ko ‘di ba? Tinulak nila ako sa kaniya kaya napilitan akong kausapin Siya. ” sabi ni Elle. Agad na kinilig ang dalawa. Nagtataka na si Elle dito, Ano namang nakakakilig doon sa kaniyang kinwento?




"Eh, ‘yung kay Ma'am Tallie? ” tanong ni Brenda. Napangiwi si Elle nang maalala niya ang pangyayari sa mall.





“Siya lang naman ang nakasira ng phone ko kung kaya‘t ‘di ko nasasagot ang tawag niyo. ” sabi ni Elle. Napaawang ang labi ng dalawa.





Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now