Chapter 28

2 0 0
                                    

Chapter 28


Nang Matapos ang usapan nila Xavier at Elle, kaagad na naghanda ang dalaga para tumungo sa mini park ng kanilang hotel. Muli nanaman kasi silang magkikita doon. Nung una, nagtutungo Siya doon para sa kanilang deal pero ngayon? Iba na.



Nagtutungo siya doon Para makita ang lalaking laman ng kaniyang puso.



Matapos maglagay ng pink na lipstick ay kaagad siyang lumabas sa kaniyang silid upang magtungo Na roon. Dahan-dahan niyang isinara ang kaniyang pintuan sa kuwarto at sinadyang huwag gumawa ng ingay habang naglalakad. Sa kalagayan niya ngayon na halos patayin ng fan girls ng kaniyang boss, Baka pag malaman nilang nagkikita Sila ay Baka tuluyan na Siya.



Katakot, magpapakasal pa kami e.




Kung bakit kasi nauso ang agawan peg, edi sana ay maayos ang kaniyang buhay ngayon. Pero kahit ganon, masaya Siya dahil may nagkakagusto sa kaniya kahit pa ay hindi Siya ang pangkaraniwang tipo ng mga lalaki. Alam niya kasi iyon.



Hindi Siya ganon kaganda. Hindi Siya ganon kayaman. Hindi siya ganon katalino. Hindi Siya ganon na katulad sa ibang babae. Simple lang siya at namumuhay ng masaya kasama ang kaniyang pamilya. And speaking of...




Kamusta na kaya Sila Mama doon?




At muling Kinain ng kalungkutan si Elle. Sobra Na siyang nangungulila sa yakap at halik ng kaniyang mga magulang. Hindi din Siya makatawag dahil hindi rin nasasagot ng kaniyang kapatid Na si Theia ang mga tawag nila. Nag-aalala Na siya at hindi maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Paminsan-minsan na din silang pinapadalhan ng pera.




Natigil ang kaniyang pag-iisip ng mapansing nag-iba Na ang paligid. Nasa mini park na Siya at kagaya ng laging bumubungad sa kaniya, malamig ang simoy ng hangin at walang tao doon. Umupo Siya sa may bench na nandoon. Wala Siya sa mood para umupo ngayon sa Bermuda.




Ilang saglit niya pang nilibang ang kaniyang sarili Para antayin si Jonas ngunit mukhang nawawalan na Siya ng pag-asa Na darating ito.




"Hindi Siya darating. " napaangat ang kaniyang tingin doon.




Nadatnan niya ang kaniya pang isang boss, si Sir James.




Parang nalungkot lalo si Elle kaya bumagsak ang kaniyang mga balikat doon. Bakit hindi siya darating? Busy ba Siya? May iba Na ba?




May iba Agad? Wala pa ngang kami e.



Ah piste.




"G-ganun ba? Babalik nalang ako sa kuwarto ko. " saad ni Elle at ngumiti. Tinignan lamang Siya ni James kaya tumayo na ito sa bench. Akmang lilisan na Siya ng hinawakan nito ang kaniyang pulsuhan at napaharap sa binata.




"Wait. Just stay here for a while, mag-uusap tayo. " saad nito. Nagpakurap-kurap si Elle doon.




"Hindi ako pumapayag, bukas nalang. " saad ni Elle. Sa pagod na tinig.




"I am not asking, I am stating a direct sentence to you. " saad nito.




Wala nang nagawa pa si Elle doon.



"Tungkol saan ba? "




"About earlier. I am serious with that. I need your answer so I can make a move to my plans. " sagot ni James.




Love Series #1: Signs of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon