Chapter 4

8 2 0
                                    

Chapter 4


Dali-daling naglakad si Jonas patungo sa kaniyang hotel. Tama, hotel niya. Siya ang nagm-may ari nun. Hindi Siya mapakali dahil Baka napano na ang babaeng dinala niya sa kaniyang room.

May Bitbit din siyang pagkain Dahil, malamang sa malamang ay hindi pa iyon naga-almusal. Nang makapasok na Siya sa hotel ay Laking gulat ni Jonas na abala ang Lahat. Abala sa pakikipagkwentuhan. Agad itong nainis. Saktong dumating ang kaniyang assistant at may pinasabi rito.


"Bumalik na raw kayo sa inyong mga trabaho Bago pa daw kayo sisantihin ni Sir Jonas. " malakas ngunit kalmadong salita ang inilabas ng kaniyang assistant.

Agad na nataranta ang mga empleyado at halos biglang naging multo ang mga tao. Mabilis silang naglaho marahil sa takot sa kanilang boss.


Kahit pa ganon, nagtataka ang karamihan dahil hindi pa nila naririnig na magsalita ang kanilang Sir Jonas. Totoo iyon, nakakatawang isipin ngunit Totoo. Hindi Siya pipi at hindi rin ito bingi. Sadyang may malalim lang na dahilan kung bakit ito nagsasalita at tanging 'sign language' lamang ang ginagawa.


"Sir, bakit po kayo napaaga? " Tanong ng kaniyang assistant.

'I have something important to do in here. ' sagot ni Jonas sa pamamagitan ng sign language. Napatango ang kaniyang assistant.


"I'll be back in my work now, Sir. Just call me if you need some help. " saad ng kaniyang assistant. Huminto si Jonas sa paglalakad. Huminto din ang kaniyang assistant doon at Nagtaka.


'Tallie, I need you by my side now. Just be with me all day long. ' sabi ni Jonas. Ngumiti ng pagka-tamis tamis si Tallie. Ang kaniyang assistant.


Hanggang sa sumakay Sila sa elevator ay nakangiti si Tallie. Marahil ay may gusto ito sa kaniyang boss, ilang taon na. Kahit sino naman ay hindi maiiwasan na mahulog kay Jonas sapagkat siya'y mayaman, matalino, mabait at kung ano-ano pang katangian na gusto ng mga babae ang meron Siya. Ang nakakapang-ano lang ay tahimik ito.


Nang makarating si Jonas ay bumungad sa kaniya ang tahimik at walang tao sa loob ng room na pinagdalhan niya ng babae na nagngangalang Elettra. Agad na nagkasalubong ang kilay ni Jonas doon. Nasaan naman ang babaeng iyon?


Sinuyod niya ang paligid ngunit walang Elettra ang nagpakita sa kaniya. Napaupo na lamang Siya sa kama. Doon ay may napansin siyang sulat sa sticky note na nasa ibabaw ng desk na katabi ng kama. Kinuha niya iyon at binasa ang nakasulat.

Kung sino ka man, thank you. I hope we'll meet again.

-Elle

Napangiti ang binata ngunit nalungkot din. Hindi Siya kilala ni Elettra. At sana nga magkita Sila. Lumabas na lamang siya at doon naabutan niya ang pinadala ng kaniyang kaibigan upang magbantay doon. Agad na nag-init ang dugo ni Jonas dahil hinayaan niyang makaalis ang dalaga.

'Tallie, call him. Sabihin mo kakausapin ko siya. ' sabi ni Jonas sa kaniyang assistant. Tumango ito at lumapit sa lalaki.

Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now