Chapter 8

4 1 0
                                    

Chapter 8




Lumipas ang isang linggo at ito na nga si Elle, naghahanda na upang pumasok sa kaniyang pinapasukang trabaho. Matapos siyang mag-ayos sa kaniyang sarili ay bumaba na ito at sumalubong sa kaniya ang kaniyang kapatid na naghahanda ng almusal.



Tumungo Siya doon at umupo.



"Mamimiss ka na namin, Ate. " naiiyak na saad ni Lovely. Ngumiwi ang dalawa sa kaniyang sinabi.




"Lovely, magt-trabaho lang ako. Hindi ko kayo lalayasan. " wika ni Elle at kumuha ng pagkain.




"'Wag ka nalang kasi mag-trabaho. " wika pa ni Lovelyn. Umupo naman si Ashanta sa tabi nito at kumuha na din ng pagkain.



"Ano ka Sira? Kung hindi ako magt-trabaho, Anong ipapakain ko sa asawa't mga anak ko? " wika ni Elle. Napahinto ang dalawa sa sinabi nito at nanlalaki ang mga mata.




"Mag-aasawa ka? " Gulat na Tanong ni Ashanta.



"Malamang Oo! Anong tingin niyo sa'ken? Tatandang dalaga? " Inis na wika ni Elle at sumubo ng pagkain.



"Hindi naman pero parang ganon na nga. " sagot ni Ashanta.




"Psh, nagtataka lang ako. May papatol kaya sa'yo, Ate? " painosenteng wika ni Lovely. Agad siyang piningot ni Elle.




"Aray, Ate! Masakit ha. " saad ni Lovely.



"Tsk, Sira! Baka Ikaw 'yun. " saad ni Elle.



"Gusto mo ng kape? " Tanong ni Ashanta.



"Ayoko. " sagot ni Elle habang umiiling.



"Gatas? "



" Ayoko din. " sagot pa din niya. Sumabat naman si Lovely.



"Gatas ng lalaki? " saad nito. Mabilis siyang sinapak ng kaniyang mga ate.



"Aray ha! Ang Sama niyo. Isuaumbong ko kayo kay Ate Theia. " saad ni Lovely. Napahinto ang dalawa. Si Theia ay kanilang ikatlong kapatid. Nasa abroad ito kasama ang kanilang mga magulang at doon din nagt-trabaho bilang nurse. Kagaya sa kanilang mga magulang, namimiss na din nila iyon. Mabilis itong naka-graduate dahil sa kanilang magkakapatid Siya ang pinakamatalino. Nag-qualified Siya kaagad sa mga sikat na unubersidad. At nang makapagtapos ay isinama ito sa abroad.



"Kamusta na kaya ang bruhang 'yon? " wika ni Ashanta.



"Baka mamaya, English-in na tayo pag-uwi nun. " natatawang wika ni Elle.




"Okay lang, ik-korean language ko Siya. Hehe, annyeonghaseyo. " saad ni Lovely.




"Weh, epal. " saad ng dalawa. Sumimangot ito.



"Ang sama niyo. " saad ni Lovely habang naka-pout.



Nang Matapos silang kumain ay umalis na din Agad si Elle. Nagpaalam na Siya sa kaniyang mga Kapatid at binigyan ng mga habilin.




"Lagi kayong mag-lock dito sa bahay ah? Para sure na walang makakapasok. Kapag may nagtangka, tawagan niyo ako kaagad." saad ni Elle.



"Yes, bhe. " saad ni Lovely.




"Okay, Sige. Aalis na ako. " saad nito at isinara na ang gate ng kanilang bahay.




"Ingat ka! " sigaw pa nila.




Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now