Chapter 19

4 1 0
                                    

Chapter 19




Nagsimulang mag-drive si Xavier patungo sa bahay nila Elle. Nakangiti ang dalaga dahil sa tuwa. Hindi pa naman Siya ganun katagal sa kaniyang trabaho pero kaagad niya na kasing na-miss ang kaniyang mga kapatid.



"Huy, Baka mapunit naman labi mo niyan. " natatawang saad ni Xavier. Inismidan lamang Siya ni Elle.



"Ewan ko sa'yo! Pero pakiramdam ko talaga, ang swerte ko ngayon! " sabi ni Elle habang nakangiti.




"Pakiramdam mo lang 'yun! Syempre, kasama mo ang Pinaka poging nilalang sa balat ng lupa. " Sabi ni Xavier at bahagyang nagposing ng pogi points. Kaagad na napangiwi si Elle sa binata.


Kailan ba Siya magigising sa pangarap niyang 'yan?



"Asa ka. Tapos, alam mo ba- "


Pinutol Siya kaagad ng binata.


"Hindi pa. " sa inis ni Elle ay sinabunutan niya si Xavier.



"Aray! Kawawa talaga magiging asawa mo! Napakabrutal mo e! " saad ni Xavier habang tumatawa at inaayos ang kaniyang buhok.



"Tse! Ewan ko sa'yo! " sabi ni Elle.



"Pero alam mo, Elettra. Kapag sobra kang masaya ngayon, maya-maya darating din ang kalungkutan. " seryosong saad ni Xavier kaya naman biglang napatingin sa kaniya ang dalaga at napatahimik.


Sana 'wag naman...



Napaisip ang dalaga. Bakit nga ba laging may kalungkutan ang dumarating sa tuwing masaya ang tao? Hindi pa puwedeng mamuhay nalang ng masaya habang buhay? 'Yung wala nang sakit, pighati at kalungkutan?




"Xavier, sa tingin mo. Bakit laging may kalungkutan na dumarating sa tuwing masaya ka? " seryosong tanong ni Elle. Napaisip kaagad doon si Xavier.



Huminga pa ito ng malalim.



"Kasi Lahat ng bagay, may limitasyon. Hindi puwedeng masaya ka lang habang buhay at wala kang mga problema o kalungkutan na mararamdaman. Hindi rin naman puwedeng malungkot ka habang buhay. Alternate lang naman kasi iyan. Pero hindi puwedeng Isa doon ay habang buhay mo mararamdaman. " sabi ni Xavier. Napatango si Elle sa kaniya kahit pa nakulangan Siya sa sinabi nito.



Dahil sa kanilang pag-uusap, naging tahimik tuloy ang kanilang buong byahe. Pero mabuti na lang at medyo malapit ang bahay nila Elle sa kaniyang hotel na pinapasukan. Nang makarating Sila doon ay Agad silang bumaba sa kotse at pumasok sa loob.



"Pasensya kana, hindi Masyadong malaki ang bahay namin. " saad ni Elle habang binubuksan ang gate. Napatingin si Xavier sa kanilang bahay at halos mabali ang leeg kakatingin sa itaas. Napangiwi ang binata.



"Humble naman po. " sarkastikong saad ni Xavier. Inirapan lamang Siya ng dalaga at pinapasok na sa bahay.


Pagkapasok nila, malinis naman ang buhoy ngunit maingay nga lang. May naririnig silang tumutugtog ng piano or organ at mayroon pang-waltz. Agad na nagkasalubong ang kilay ni Elle doon.



Ano nanamang kabaliwan ang ginagawa ng dalawa?!


Halos sumabog sa inis si Elle dahil ang ingay ng bahay nila. Bukod sa maingay, paniguradong lalaki din ang kanilang bill ngayong buwan.


Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now