Chapter 15

5 1 0
                                    

Chapter 15


"Oh! " sabay bato ni Elle ng tissue kay Xavier. Nandito kasi Sila ngayon sa isang sinehan. Gusto ni Xavier na manood kasi, gusto din naman ni Elle pero ang pangit lang ng palabas. Romance Drama kasi ito at ayaw ni Elle ng mga ganong palabas. Mas gusto niya ang Mystery/Thriller na genre.


"Tsk, para ka ding si Lovely Ano? Manonood ng nakakaiyak tapos mababaliw kakiyak. " saad ni Elle. Pinunasan ni Xavier ang kaniyang mga luha.


"Namatay ang bida e. " sabi ni Xavier. Pinaikot ni Elle ang kaniynh eyeballs dito.



"Parang ayun lang? Eh sa palabas lang naman 'yan! Buhay na buhay pa 'yan sa personal! " inis Na sambit ng dalaga. Tinignan Siya ni Xavier at inismidan ito.



"Panira ka, alam mo ba 'yun? " tanong nito.


"Alam ko! Tsk, tigilan mo nga 'yan. Ang pangit mong umiyak. " dagdag ni Elle. Inismidan Siya ulit ni Xavier.


"Wow ha, nahiya ako sa'yo. Ikaw nga Hindi pa Umiiyak, pangit na. " saad nito. Agad na nainis si Elle doon at kinuha ang bote ng mineral water at ibinato sa binata. Napa-aray ito.


"Ano ba! 'Yung mukha ko! Mag-ingat ka, alam mong napakapogi ko e. " sabi ni Xavier. Inirapan ito ng dalaga.


"Asa ka. " sambit ng dalaga. Nang Matapos ang palabas, lumabas Sila sa sinehan. Hindi pa sila lumabas sa mall, sa halip ay nilibot nila ito. Kung ano-ano ang tinitignan ni Xavier sa bawat store habang nagsasabi ng mga dapat niyang gawin kapag nasa harapan ng kaniyang boss na si Sir Jonas.


"Mabango, hindi ba? " sabi ni Xavier. Tinignan Siya ng sales lady at tumango.


"Bilisan mo na! Para kang babae e! Pagpili nalang, ang dami pang Arte. " sabi ni Elle kay Xavier. Sinimangutan lamang Siya nito.

"Pagpasensyahan mo na Siya, Miss. Ganyan talaga ang yaya ko, maikli ang pasensya. " sabi ni Xavier sa sales lady. Halos umusok nanaman ang tenga at ilong ng dalaga doon.

Kapag nahawakan ko ulit kuwarto nito, guguluhin ko talaga iyon at hindi na lilinisin pa.

"Hay, ayoko na! I change my mind. Hindi na pala ako bibili. " napatigil ang sales lady at si Elle.

"Ano?! Pinagantay mo kami dito ng mahigit isang oras tapos wala kang bibilhin?! " inis na sigaw niya sa binata.

"Oo. Hali kana! " sabi nito. Hinila ni Elle ang kaniyang braso na hawak ni Xavier.

"Hindi! Bilhin mo 'yan! Bilhin mo! " sabi nito.

"Ayoko! "

"Bilhin mo! "

"Tsk, Oo na! " saad nito. Agad itong binili ng binata. Ngumiti naman ang sales lady kay Elle at nilapitan pa Siya nito.

"Salamat. " saad nito.

"Walang anuman. " sagot ni Elle nang hindi ngumingiti.

"Alam mo, pwede kang maging sales lady. " ngiting wika nito sa kaniya. Napangiwi si Elle sa sales lady.

Nag-recruit pa ang gaga.

"Tara na! " sabi ni Xavier kay Elle at hinila ito palabas sa store.

"Nagugutom ako ulit. " sabi ni Xavier sa kaniya.

"Anong gagawin ko? Ako ba may Pera ha? " mataray na Tanong ni Elle.

Love Series #1: Signs of Love Kde žijí příběhy. Začni objevovat