Chapter 27

2 1 0
                                    

Chapter 27




Akooooo?!



Liligawan ni Sir James?!!!!!




Juicecolored!!!!! Nakakalokaaaaaa!!!!




I think I'm dying na!




"Huy, Elle! Kanina ka pa wala sa sarili mo. Nababaliw kana ba? Ganyan ba kapag naipanalo ang deal? " tanong ni Aki kay Elle. Kaagad Na naagaw niya ang atensyon ng dalaga ngunit mukhang lipad ang isipan nito.




"H-ha? " tanong nito.



"Hay, naloka Na si Elle. Pinag-aagawan lang e... " pang-aasar pa ni Brenda. Kaagad na namula si Elle doon.



"U-uy, 'wag niyo nga ako asarin! " saad nito.




"Hmp. Ayan tuloy, kuha mo ang atensyon ng mga fan girls ni Sir dito. " saad pa ni Brenda.



"Oo nga! Pahingi nga kami ng ganda mo, Elle. Baka pag-agawan din kami! " pabirong saad ni Aki. Mas lalong namula si Elle doon.



"Aki naman. " saad ni Elle.



"Joke lang! " saad nito at bahagyang tumawa.



"Hindi nga ako natutuwa e. Kanina nung nasa elevator ako, ang sama nung tingin nila sa akin. Kaunti na lang ay kakalbuhin na nila ako. " saad ni Elle at sa wakas, ginalaw niya Na din ang kaniyang pagkain.



"Naku! Hayaan mo Sila! Mga echosera! Inggit kamo Sila sa charms mo! " sabi ni Brenda. Napanguso si Elle.




"At dahil naipanalo mo ang deal... Charaaaan! Ayan na ang sweldo namin! Alam Kong magagamit niyo 'yan ng kapatid niyo lalo na at hindi na nakakapagpadala paminsan-minsan sina Tita. Tapos, pang-dagdag tuition 'to kila Ashanta at Lovely. " saad ni Aki at bahagyang iniabot ang Pera kay Elle. Natigilan siya at tinignan ang pera.



Nasaktan ang kaniyang puso nang maalala ang kaniyang boss. Paniguradong kapag tinanggap niya ito, parang niloloko niya na din ang kaniyang boss.




Hindi nga ba, Elle? Una pa lang, alam mo na.



Pero, Totoo naman ang nararamdaman ko. Maniniwala kaya Siya?


At dapat, kailangan Kong gawin ang tama.



"A-aki, hindi ko matatanggap 'yan. " saad ni Elle.



"Ha? Bakit? " takang tanong ng dalawa niyang kaibigan.



"K-kasi, hindi ko kaya. Ayokong masaktan Siya, ayokong lokohin si Jonas. " pumiyok ang dalaga. Pinipigilan niya ang kaniyang luha kung kaya't labis ang pagkagat nito sa kaniyang labi.



"Elle... " tawag ni Brenda.


"Nakakatawang isipin na ako ang gumawa ng bitag pero Ano? Ako din ang nahulog doon. Nahulog ako sa sarili Kong bitag. Ay, Mali. Nahulog kami Pareho sa sarili Kong bitag... " natatawang saad ni Elle.



Nagpakurap-kurap ang kaniyang dalawang kaibigan at hindi makapaniwala sa sinabi ng dalaga. Naiisip na ni Elle ay para silang nasa iisang palabas at puwedeng gumanap na Bilang artista.



Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now