Chapter 16

4 1 0
                                    

Chapter 16



"Ih! Ang pangit pa din! " saad ni Elle habang nakatingin sa kaniyang salamin. Nagr-rehearsal ito sa kaniyang pag ngiti Matapos niyang kainin ang pagkain na nasa paper bag.


Hanggang ngayon ay nagtataka Siya kung bakit may ganon Lagi sa labas ng kaniyang kuwarto. Iniisip niya din kung sino ang posibleng nagpadala nun. Hindi kaya si Xavier at nangg-goodtime lang sa kaniya iyon?


Imposible.



Eh paano kung ang kaniyang Sir Jonas?


Ngek? Pero, pwede.



Eh si Sir James?


Ngek, pero... Sige na.



Napatigil Siya at natahimik. Ngumuso pa ito.



Napakaimposible Talaga!




Bakit naman nila ako dadalhan ng pagkain at bouquet? Lakas ko naman mag-assume.




"Hindi kaya? 'Yung lalaking nagdala din sa akin dito sa hotel? " tanong niya sa kaniyang sarili. Nakapalumbaba Siya sa harap ng salamin.



Nagpakurap-kurap Siya.



"Hay, sino kaya Siya? Gusto ko siyang pasalamatan ng personal. " sabi ni Elle rito. Ilang saglit pa ay nakarinig Siya ng katok mula sa kaniyang pintuan.



Tumayo Siya at binuksan ang pintuan.



"Aki? " takang tanong niya ng makita ang kaniyang kaibigan.




"Elle! Hindi ka kasi bumaba Kanina e. Kaya naisipan Kong dalhan ka. " sabi nito.



"T-teka, paano mo nalaman na nandito ako? " tanong ni Elle.



"Sabi kasi ni Ina, Nakita ka niya Kanina sa may backdoor. Kasama 'yung boyfriend ng kapatid mo! Nagulat nga ako na umuwi ka e. " sabi nito.




"A-ah, sumama ang pakiramdam ko kaya hinatid aki ni Xavier. Atsaka, bukas naka-leave pa din ako. " saad ni Elle.



"Ganun ba? Kumain kana ba? " tanong niya ulit.



"Oo, salamat dito ah? Kakain ko lang. "



"'Di ba kakakain mo lang? Baka mamaya e masuka ka sa kabusugan. " sabi ni Aki. Umiling sa kaniya si Elle.




"Ano kaba! Nag-effort kang ibigay sa akin ito e. Kaya kahit busog ako, kakainin ko 'to. " sabi ni Elle at ngumiti ng matamis sa kaniyang kaibigan. Napaawang ang labi ni Aki na para bang may gustong sabihin sa kaniya.


Tinignan Siya nito.


"A-ah, kasi hindi ako nag-ano niyan e... " sabi nito at umiwas ng tingin. Pinagkunutan Siya ni Elle. Bigla namang nataranta si Aki nang mapadako ang tingin sa dulo ng hallway, para bang may Nakita itong tao kaya Agad na napatingin din doon si Elle ngunit wala naman siyang Nakita doon.


Agad siyang nagtaka.


"Sinong tinitignan mo? " tanong ni Elle kay Aki.



"A-ah wala! Sige na, kainin mo 'yan! Eat well! " sabi ni Aki at diretsong tumakbo palayo sa kaniya. Ilang saglit niya pang Tinitigan ang kaibigan na tarantang tumatakbo palayo.


Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now