Chapter 3

8 2 0
                                    

Chapter 3



Kinaumagahan, nagising si Elle sa isang malambot na kama. Nahihilo ito at sumasakit din ang kaniyang upo. Napasinghap Siya doon. Halos mabiyak ang ulo niya sa Sobrang sakit.


"Epekto siguro ng alak..." Bulong nito sa kaniyang sarili. Tumayo Siya at tinignan ang kaniyang sarili. Nasa maayos naman siyang kalagayan. Walang Masakit sa Ano mang bahagi ng katawan niya maliban sa kaniyang ulo.



Ngunit ipinagtataka ni Elle na Tila nag-iba ang itsura ng kaniyang kuwarto. Hindi naman iyon ganon kalaki at hindi din masiyadong masilaw. Madami din siyang stuffed toys doon at puro panda ang mga iyon. Ngunit dito ay wala. Napaisip ang dalaga.


Ibang disenyo ng kuwarto.

Malambot na kama.

Walang stuffed toys.


"Omaygash! Nasaan ako? " sigaw nito sa loob. Agad siyang nataranta. Kung Ano Ano na ang naiisip niya. Hindi kaya na-kidnap ako? Ni-rape na ako? Huhu. Naiiyak na ang dalaga.

Pero kung, may ginawa siyang masama sa akin, bakit wala namang kakaiba? Hindi naman siguro ako pinagsamantalahan. Napatango ito mag-isa. Kinuha niya din ang kaniyang bag. Nandoon pa din ang kaniyang mga gamit at kumpleto din iyon.

That guy.

Biglang sumagi sa kaniyang isipan ang lalaking sumalo sa kaniya. Naalala ko na! Natumba nga pala ako at mayroon sumalo sa akin. Napangiti ang dalaga. Sino naman kaya ang lalaking iyon? Nang napasulyap Siya sa isang sticky note, naisipan niyang mag-iwan ng note doon. Kumuha Siya ng ballpen at nagsulat.

Kung sino ka man, thank you. I hope we'll meet again.

-Elle

Pagkatapos nun ay lumabas na Siya ng kaniyang kuwarto. Nagulat Siya ng tumambad sa kaniya ang isang naglilinis doon na babae. Nagulat din ang 'yun sa kaniya. Sinuri naman ni Elle ang dalagang kaharap dahil pamilyar ito sa kaniya.

"Teka, Ikaw 'yung kagabi. " saad ni Elle.


"Oo nga, ako po. Ano pong ginagawa niyo dito? " Tanong niya.


"Uh— " hindi makasagot si Elle. Ano bang ginagawa niya doon?


"Ma'am Elle? Akala ko po next week pa ang start niyo? " biglang may sumingit sa usapan nila. Pareho silang napatingin doon. Nakita ni Elle ang isang kaibigan niya na ka-trabaho din. Does it mean nandito ako sa hotel na pinat-trabahuan ko?

"O-oo nga. " sabi ni Elle.


"Kilala mo Siya, Brenda? " gulat na Tanong nung babae.

"Ano kaba, Siya 'yung intern. " saad nito.

"Talaga? Nice to meet you. Ako pala si Aki. " saad nito. Ang cute naman ng name niya. Saad ni Elle sa kaniyang isipan.

"Elettra. Elle nalang. " sabi nito habang nakangiti.

"Ang ganda ng name mo. " komento ng babae.

"'Yung sa'yo din naman. " sabi nito.

"Pero teka, bakit ka nga nandito? " Tanong nila ulit. Anong sasabihin ko? Kinakabahan na si Elle.

"'Wag kayong maingay ah? Kasi 'di ba, kagabi nakita mo ako sa bar right? "

"Yup. " "For sure, nagc-celebrate kayo nun. " sabay na sabi nila. Tumango si Elle.

"Kasi Basta, lasing na ako. And naalala ko, natumba— " naputol ang sasabihin niya nang mag-ring ang cellphone niya sa loob ng bag.

"Teka lang. " saad nito. Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag.

"ATEEEEEEE! NASAAN KABANG LUPALOP NAGTUNGO?!!!!! " halos mabasag ang eardrums ni Elle sa Sobrang lakas ng  boses na mula sa telepono.

"T-teka! Kumalma ka, Ashanta. Maayos na ako okay? May naghatid sa akin sa hotel na pinapasukan ko. " saad ko pa.

"UMUWI KANA! " sigaw pa ni Ashanta at ibinaba na ang tawag. Hinarap ni Elle sina Aki at Brenda.

"Pasensya na. Kailangan ko nang umuwi. Ik-kuwento ko nalang kapag pumasok na ako. " sabi nito.

"Ganon ba? Sige, ingat ka. " sabi ni Aki.

"Sige, kayo din. " saad pa ni Elle at saka sumakay sa elevator.

Pagpasok niya doon ay may mga tao din. Siguro ay pababa at mukhang empleyado Sila. Ngunit, nagtataka si Elle dahil kanina pa ang tingin ng mga ito sa kaniya. Hindi na mapakali si Elle kaya tinignan niya ang kaniyang sarili sa cellphone na hawak. Wala naman itong dumi sa mukha. Maayos din tignan.

Inamoy niya din ang kaniyang sarili. Hindi naman Siya mabaho. Nagtataka tulog ang dalaga. Hindi din naman siya ganon kaganda Para tignan ng ganun. Napanguso na lamang Siya. Bakit ang tagal naman bumaba?

Ano bang problema nila?

*TING*

Ayun na ang hudyat na nasa ibaba na Sila kaya naman lumabas na ang mga nakasakay sa elevator at Pati na din si Elle. Ngunit, Mas lumala ang pagtataka niya dahil Hanggang doon sa lobby ay pinagtitinginan Siya.

"Elle! Akala ko ba next week kapa papasok? " Tanong ng isang empleyado at lumapit sa kaniya. Si Ina pala iyon. Kaibigan niya din doon.

"Oo nga. Hehe, " saad ni Elle at umiwas ng tingin.

"Eh bakit ka nandito? Namiss mo na kami Ano? Ayiieeee! Guys, namiss na tayo ni Elle. " kinikilig Na saad ni Ina. Tumawag ang ibang nasa front desk.

"Oo, namiss ko na kayo pero hindi ako nandito dahil doon. Ano lang— "

"Ano? "

"Mahabang kwento e. Sige, kailangan ko nang umuwi. " saad ni Elle.

"Sige, ingat ka! " sigaw ni Ina nang makalayo na ito. Pero Bago pa Siya makalabas ay may narinig siyang usapan ng dalawang babae.

"'Di ba Siya 'yung buhat-buhat ni Sir kagabi? " napahinto si Elle doon.

"Oo. Ang ganda niya Ano? Pero kaano-ano Siya ni Sir? " Tanong pa ng babae.


"Hindi ko alam. Baka siguro girlfriend niya. " saad pa nung Isa.


"Baka nga. " pagkatapos nun ay umalis na Siya.

Mas lalong itong napaisip sa lalaking nagdala sa kaniya dito sa hotel na pinapasukan niya. Sino naman kaya iyon? Kakilala niya ba kaya? O Baka future niya na?


--

Dreamerxbtch

Love Series #1: Signs of Love जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें