Chapter 26

2 1 0
                                    

Chapter 26



Kinabukasan, maaga muling nagising si Elle dahil may trabaho pa siyang dapat aasikasuhin. Bumangon siya at kaagad na inayos ang kaniyang sarili. Matapos non ay lumabas na Siya sa kaniyang silid at laking gulat niya...



Wala siyang nakitang paper bag at bouquet sa kaniyang pintuan ngayon.



Umamin na ang kaniyang boss sa kaniya pero hanggang ngayon ay hindi niya pa din alam kung sino ang nagpapadala sa kaniya ng mga iyon. Iniisip niya din na Baka hindi iisang tao nagpapadala nun sa kaniya.


Assumera na kung assumera.


Napanguso si Elle habang isinasara ang kaniyang pintuan sa kaniyang kuwarto ng biglang...

"Ma'am Elle! Buti at nahanap kita! " napalingon Siya sa tinig na kaniyang narinig. Nagulat Siya nang makita ang isang empleyado din dito sa hotel na lumalapit sa kaniya.

"U-uh, bakit? " kabadong tanong niya.

"'Di ba kaibigan mo si Ina? " tanong nito. Kahit nagtataka ay tumango si Elle.

"Ayos! May sumulat kasi sa kaniya ay ako ang napagutusang magbigay kaso busy ako e, puwedeng Ikaw nalang? Tutal kaibigan mo naman Siya. " sabi nito. Bahagya pa siyang nag-puppy eyes kaya napangiwi ang dalaga.

'Di bagay sa'yo girl.

"Uh- "

"Sige, salamat! " sabay bigay kay Elle ng sobre at kaagad itong tumakbo.

Kaagad na nagsalubong ang kilay ng dalaga.

Hindi pa nga ako pumayag e. May aning ata...

Lumuhod si Elle at pinulot ang sobreng nahulog nang ibigay ito sa kaniya ng babae. Napatingin siya doon at binasa ang nakasulat sa may likuran.

From: unknown

To: Inalyn Pascual

Nagkibit-balikat Siya at nagtungo sa ground floor ng hotel dahil doon nakapuwesto si Ina. Habang sumasakay Siya sa elevator. Panay titig ang mga tao sa kaniya. Parang Déjà vu ito kung tutuusin.

Ang Isa pa ay masama ang tingin sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit ganon ang mga empleyado dito. Nagpakurap-kurap Siya at binalewala ang mga titig.

Hindi kaya?

Hindi kaya dahil Sa issue?

"Ngayon pa lang 'yan, wait mo bukas. Dadami iyan. "

Parang biglang bumulong sa kaniyang isipan ang tinig ni Xavier. Napalunok ang dalaga dahil sa takot at kaba. Mukhang tama nga ang Pinsan ng kaniyang boss dahil ramdam niyan na kung gaano siya gustong pantayin sa titig ng mga tao dito.

Kung kahapon ay wala masyado, paniguradong ngayon ay madami na nga.

Kakainis naman!

Bahagyang lumayo si Elle sa kanila at Mas lalong idinikit ang sarili sa may gilid. Pakiramdam niya ay sinasadya ng tadhana na patagalin ang pagdating nila sa ibaba. Pakiramdam niya ay karma niya Na ito sa kaniyang Kaharutan. At sana lamang, 'wag siyang pag tulungan nito.

Maawa kayo, isang hamak na Magandang tao lang ako...

Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now