Chapter 10

6 1 0
                                    

Chapter 10



Kinaumagahan, masiglang lumabas si Elle sa kaniyang kuwarto at Agad na naghanda Para linisang muli ang sandamakmak na kuwarto dito sa hotel. Sana nga lang at huwag puro kuwarto ng kano ang kaniyang lilinisan. Hindi naman nilalahat, ngunit kadalasan kasi ay Sobrang dumi. At kailangan niya pa namang Matapos ‘yun kaagad dahil may oras Sila.




Kahit ganon ay hindi pa din Siya mapakali. Hindi niya malaman kung bakit.




Kung bakit Siya pumayag sa deal. Ano bang pumasok sa isip mo, Elle?




Umiling Siya sa kaniyang sarili. Paniguradong gulo ang napasukan niya.




Bumunting hininga ito. Nagpatuloy Siya sa paglalakad hanggang sa napatumba Siya dahil sa lakas ng pagkakabangga sa kaniya. Ang mga dalang panlinis niya ay kaniyang nabitawan. Napa-aray si Elle nang maramdaman niya ang sakit mula sa kaniyang puwetan ng napatumba ito.




Kainis!



Sino naman ang walang hiyang ‘yon?




Tumayo ito at sinipat ang kaniyang nabangga. Tila naestatwa ito sa kaniyang puwesto nang mapagalaman niya ang nakabangga sa kaniya.




Si Sir Jonas pala.




Agad na nagsalubong ang kilay ni Elle doon. ‘Langyang ‘to!




Hindi Siya inimikan nito, as usual. Paano nga ba Siya iimikan e hindi nga talaga ito nagsasalita?





Dahil lang sa pag-ibig ay nagkaganyan Siya.




Kaloka talaga.




Inis at padabog niyang kinuha ang kaniyang gamit. Napasulyap itong muli kay Jonas at napansing may kinakapa ito sa kaniyang bulsa.



Ano naman kaya iyon?




Napahinto si Elle.




Ano bang paki ko?




At nagmartsa Na siya patungo sa room na kaniyang lilinisan. Kahit Inis Na inis ay kinailangan niyang panatilihing kalma Siya. Baka kung sino pa mamapagbuntungan niya ng Inis.



“Kainis! Hindi man lang nag-sorry! ” wika niya sa kaniyang sarili. Agad naman siyang natauhan.




“Paano naman mags-sorry eh daig niya pa nga ang pipi? Tsk! ” saad din nito kaagad.



Sana lang walang tao dahil paniguradong iisipin nilang baliw ako.


Nagpatuloy Siya sa paglalakad Hanggang sa may tumama nanaman sa kaniyang noo na isang matigas na bagay. Napatumba nanaman Siya.


Anak ng goldfish! Ano iyon pader?!

Tumayo Siya at tinignan iyon. Nakita niya ang lalaking nagngangalang Xavier pogi kuno.

“Hindi kaba marunong tumingin sa dimadaanan mo?! ” inis na wika ni Elle rito. Ngumisi ito sa kaniya.

“Marunong naman. Grabe, Ikaw pa ‘tong may ganang magalit eh Ikaw Na nga ‘tong nakabangga sa akin. ” saad nito.


“Tsk, tabi nga! May lilinisin pa ako. At kapag natapos ako doon, mukha mo na ang isusunod ko! ” wika ni Elle rito.

Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now