Chapter 29

2 0 0
                                    

Chapter 29





"Surprise, Elettra Averion. " saad nito. Kaagad na nagsalubong ang kilay ni Elle sa kaniyang glabella.




"Anong ginagawa mo dito, Ma'am Tallie? At bakit Puno ng itim na puso ang kuwarto?! Paano ka nakapasok dito?! " sunod-sunod na tanong ni Elle rito. Ngumisi lalo si Tallie doon.



"Hmmm, preparation 'yan para sa plano ko, okay? 'Wag mong itatapon 'yan. Magagamit mo 'yan, Someday. Atsaka, assistant ako ni Jonas, so, may mga access ako sa susi sa bawat kuwarto na ito. " saad nito.




"Nababaliw kana. " iling na saad ni Elle.




"Hmm, hindi. But payo ulit ha? 'Wag kang magpapaloko sa mga sinasabi nila, sa mga ngiti nila. Tandaan mo, kahit 'yan pa ang pinakamalapit mong kaibigan, pinagsasabihan mo ng sekreto o kung Ano pa man, hindi mo pa din dapat pagkatiwalaan. Malay mo, sira kana pala, pagtalikod mo. " ngising saad niya.




"Ano bang sinasabi mo? " kunot-noong tanong ni Elle kay Tallie.




Tumayo si Tallie sa may couch at pinantayan si Elle.




"You can trust anyone around you, but you can't trust them that much. It can break you into pieces. " saad ni  Tallie at nilagpasan Siya.




"Hindi ko kayo maintindihan. Ang gulo niyo, Lahat. " saad ni Elle. Huminto sa paglakad si Tallie ngunit hindi siya nito hinarap. Sa halip, Tinagilid niya lamang ng bahagya ang kaniyang ulo.



"Intindihin mo dahil sarili mo ang nakasalalay dito. " saad niya.




Naiwang tulala si Elle at napatanga sa harap ng kaniyang pintuan. Isinara iyon ni Tallie at doon, nalunod ng katanungan muli si Elle. Ano bang meron talaga? Pakiramdam nito ay pinagkakaisahan na Siya ng mga nasa paligid niya Pero hangga't maaari ay inaalis niya ang ganong isipan sa kaniyang isip.




Magmula ng araw na iyon, hindi na nanggulo pa si Tallie sa kaniya, sa kanila. Tuwing magkakasalubong Sila sa hallway ay hindi na Siya nito tinatarayan, nginingisian at higit sa Lahat, hindi na Siya nito iniirita pa. Nakapagtataka nga dahil biglang naging ganon si Tallie sa kaniya pero mabuti na din.




Ngunit ang bad news nga lang para sa kaniya, nanlamig ang mga kaibigan niya sa kaniya. Nagsisimula na siyang kinutuban sa mga sinasabi ni Tallie at parang gusto niya na iyong paniwalaan ngunit nagiging matalino Siya sa kaniyang pag-iisip. Ngayon kasi ay Talagang bakasyon kung kaya't madaming Gawain dito sa hotel, sabagay ang dalawa niyang kaibigan, sina Aki at Brenda ay kagaya niya Na naglilinis. Si Xavier naman ay may ibang pinagkakaabalahan.




Hindi niya nga lang alam.



Si Sir James naman ay hindi nag-iba ng pakikitungo sa kaniya kahit binasted niya ito. Nginingitian Siya nito sa tuwing magkikita Sila at kina kamusta. Si Ina naman ay iniiwasan Siya dahil alam nitong kukulitin lamang Siya tungkol sa kanila ni Xavier. Si Jonas naman? Lagi silang nagkikita tuwing gabi sa may mini park ng hotel. Nai-issue na nga Sila dahil may isang empleyado ang nakakita sa kanila ngunit, wala silang pake.




Ngayon, isang panibagong araw ng kalamigan ang kahaharapin ni Elle. Nang Matapos na siyang mag-ayos sa kaniyang sarili ay lumabas Na ito sa kaniyang kuwarto. Nasanay na Siya Na walang bouquet at paper bag na nasa harap ng pintuan niya kagaya ng dati. Pero nagulat Siya nang makita ang isang pamilyar na tao na may hawak na bouquet.




"Sir James? Ikaw pala. Magandang umaga. " bati ni Elle at nginitian Siya. Bahagya niya ding sinulyapan ang bulaklak na dala nito.



"Magandang umaga din. " bati din ni James.



Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now