Chapter 20

4 1 0
                                    

Chapter 20



"Ashanta! Hindi mo sinabi na may bisita ka din! Pinag-antay mo pa Siya sa music room. " sabi ni Elle nang makarating Sila sa salas. Biglang napahinto si Ashanta sa pagtawa at tinignan ang kaniyang ate pati na din si Rowan.



"A-ah, hehe. " saad ni Ashanta.



"May bisita ka? Infairness! Ang pogi. " saad ni Lovely.



"Tss, umayos ka! Upo ka dito. " sabi ni Elle kay Rowan at umupo ito sa tabi ni Xavier.



"Kuha kayo! " sabi ni Elle kaya kumuha ang dalawa ng pagkain at maiinom.


"Oo nga pala, Ate. 'Di ba may trabaho ka? Eh bakit nandito ka ngayon? " takang Tanong ni Lovely at sumulyap kay Xavier.



"Bakit, ayaw mo ako dito? " mataray na saad ni Elle.



"Si Ate talaga! Nakakagulat lang! " saad nito.



"Naka-leave Siya kasi may ginagawa siyang 'importante'. Mamaya din ay babalik kami sa hotel para makapagpahinga na Siya para bukas. " singit ni Xavier at ngumiti naman sa kaniya si Elle.



"Ay ganon? Oo nga pala! Ate sino Siya? " sabay turo ni Lovely kay Rowan.


"A-ah, Piano teacher ko Siya. " sagot ni Ashanta. Napatango silang Lahat maliban kay Lovely na nakataas ang kaniyang kilay kay Rowan.


"Piano teacher o lover? " Tanong nito. Parehong nanlaki ang mata nila.


"Lovely! " Parehong sinita ng kaniyang
Ate ito.



"What? " takang tanong niya. Hinayaan na lamang Siya ng kaniyang mga ate.



Ilang oras pang nagtagal sina Elle at Xavier doon. Masaya ang kanilang kwentuhan at Puno ng tawanan. Sa hindi inaasahan, tila Sobrang Saya nga talaga ni Elle ngayon. Hindi Na maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman.



Sa kabilang banda, tulala si Jonas sa kaniyang opisina sa kanilang bahay. Hindi na maalis sa kaniyang isipan ang dalaga lalo na at nagkausap sila nung nakaraan gabi lamang. Ang kaniyang mga ngiti sa labi, ang paraan ng kaniyang paglalaro sa kaniyang kamay at Talagang nakakapagpaakit kay Jonas.



Umiling Siya.



Hindi, hindi pwede.



Gustong-gusto niya nang kausapin ang dalaga ng hindi na nagsusulat sa notebook na ibinigay nito sa kaniya. Wala naman din kasi siyang ibang sinusulat doon kundi ang pagpuri niya lamang sa dalaga kung gaano ito kaganda.



Napakainosente.



Sabay ngumisi si Jonas sa kaniyang naiisip. Walang kaalam-alam ang dalaga na nahuhulog na Siya rito. Ilang sandali pa siyang nag-isip kay Elle at nang mapadako ang kaniyang tingin sa kaniyang desk, doon Siya napatigil. Nakita niya ang isang makinang na bagay.



Ang kwintas ni Elettra.




Tama. Kwintas iyon ng dalaga na naiwan niya sa pinagdalhan niya ng room sa kaniyang mismong hotel. Siguro ay pinaghahanap na ito ni Elle. Ngunit, hindi alam ni Jonas kung paano niya maibabalik ito. Kahit pa nagkakausap sila, tila kinakain ng hiya si Jonas na ibalik iyon sa dalaga.



Pakiramdam niya kasi ay mami-misinterpret Siya nito.


Napailing siyang muli. Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina ay iniluwa nun si James. Ang kaniyang nakatatandang kapatid. Napatingin sa kaniya si Jonas Na tahimik na nakaupo sa swivel chair. Sabagay, Kailan nga ba naging maingay ang binatang ito?


Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now