Chapter 13

5 1 0
                                    

Chapter 13




"AHHHH! " sigaw ni Elle sa gulat. Bahagya pa siyang napahawak sa kaniyang dibdib. Pero ang gulat at takot na kaniyang naramdaman Kanina ay Agad na napalitan nang makita kung sino ang lalaking iyon.



Si Xavier pala.



Agad niya itong binatukan.



"Aray! " angal nito.



"Buwesit ka! Papatayin mo ba ako sa gulat? " saad ni Elle.


"Grabe, kahit nagulat ka ang ganda mo pa din. " saad ni Xavier. Inirapan lamang Siya ni Elle.


Umupo muli si Elle sa Bermuda grass. Tinabihan naman Siya ni Xavier 'pogi' kuno.


"Anong ginagawa mo dito? " tanong ni Elle sa kaniya. Napanguso ang binata doon.


"Pinapalitan ko lang ang couz ko. Ikaw? " balik-tanong niya.



"Nagpapahangin lang. Hindi kasi ako makatulog. " sagot naman ng dalagita. Napatango sa kaniya si Xavier at tumingin sa kalangitan.




Katabi niya ngayon ang dalagitang pinagaagawan ng kaniyang dalawang Pinsan. Napangisi si Xavier. Gusto niyang sabihin ito sa dalawa ngunit alam niyang Baka hindi na Siya sikatan ng araw kapag ginawa niya iyon.




Napatigil Siya sa pag-iisip ng marinig ang buntong hininga ni Elle. Sinipat niya ito at Nakita niya na nakapalumbaba ito sa kaniyang tuhod.




"May problema ka ba? " Tanong ni Xavier. Ngumuso ang dalaga sa Tanong nito.



"Marami. Gusto mo bigyan kita? " pilosopong sagot niya. Napangiwi naman wi Xavier doon.



"Problema mo 'yan e. Bakit mo is-share? " takang tanong niya. Inirapan lang Siya ulit ni Elle.



Napabuntong hininga nanaman ang dalaga.



Napaisip si Xavier. Siguro nga, ganon kalalim at kabigat ang problema niya kaya ganyan Siya. Hinayaan na lamang Siya nito sa kaniyang tabi at hindi na kinulit pa



Samantalang si Elle, todo isip sa kanilang deal. Ano bang kasing naisip niya at pumayag din Siya?



Pera.



Tama iyon. Iyon ang dahilan. Siguro ganon niya lang talaga 'yon ka-kailangan.



Napatingin Siya kay Xavier na katabi nito at pasulyap-sulyap sa kalangitan.



Gusto niyang humingi ng tulong rito tutal ay Pinsan niya naman ang kaniyang boss. Pero, mapagkakatiwalaan niya ba itong isang 'to?



Mas okay pa kasi atang pag sabihan ng dalawa ng mga sikreto.



"Xavier, pwede ba akong Humingi ng tulong? " Tanong niya. Malakas ang kaniyang loob at desidido na din Siya. Kailangan niya nang gawin ang deal dahil Baka mahuli na ang Lahat.



Wala nang atrasan 'to.



"Ano ba? " Tanong ni Xavier sa kaniya.


"Sa Ano kasi... "


"Ano? "


"S-sa Ano.... " hindi magawang ituloy ni Elle ang kaniyang sasabihin. Nagdadalawang isip kasi Siya. Ngayon, naiintindihan niya na ang sitwasyon ng kaniyang sir Jonas. Pero 'yung kaniya sa lovelife samantalang ang kay Elle ay personal.



Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now