"Para... kanino 'yang dala... mo? " tanong ni Elle.




"Para sa'yo iyan. " sabay bigay ni James. Hindi kaagad kinuha iyon ni Elle sa halip ay Tinitigan niya muna iyon at muling sinipat si James.




"Akala ko ba... "



"Oo nga. Gusto ko lang ibigay 'to sa'yo Bilang kaibigan. Tanggapin mo na, ito na din ang huling pagkakataon na bibigyan kita. " ngiting saad ni James. Ngumiti din sa kaniya si Elle.



"Ganon ba? Salamat ah. " saka kinuha ni Elle ang bulaklak.




"Walang anuman. Nga pala, ingatan mo si Jonas. Kahit Lagi kaming nag-aaway, mahal ko 'yun kaya ingatan mo. " saad ni James. Tumawa sa kaniya si Elle.




"Oo ba. Salamat ah? Magt-trabaho na ako. " sabi ni Elle. Tumango sa kaniya si James.



Lumipas ang dalawang linggo ngunit hindi pa din ginambala ni Tallie si Elle. Sa halip ay hinahayaan niya itong magsaya sa kaniyang paligid. Ngayong gabi, magkikita muli sina ni Jonas kaya heto siya at naghahanda na.



Nang Matapos na Siya, kaagad siyang bumaba at nagtungo sa kanilang nakasanayan na pagkikita.



"Hindi kaba napapagod? Araw-araw madaming room kang nililinisan. " bungad nito sa kaniya.



"Hindi ah. Nasanay na ako dito. Intern palang ako eh. Kung tutuusin, Mas madami nga nung nag-intern ako e. 60+ na room ininababa sa akin ngayon 'yung kadalasan nalang. " saad ni Elle rito.




"Just tell me kapag 'di mo na kaya. Ipapag-resign kita at hahayaang mag-stay sa bahay niyo. " saad ni Jonas.



"Ay, kaloka. Kaya ko naman. Atsaka para 'to sa future 'no, future natin. " sabay ngisi ni Elle.



"Silly. " sagot lamang nito.


"Tomorrow, I will be not around. I have something important to do and hindi din ako makakapunta rito bukas. " saad ni Jonas kay Elle. Napakunot ang noo niya.



"Saan naman? Tungkol saan din? " tanong ni Elle.



"Para sa future, natin. " sabay ngisi ni Jonas.



Ay, kaloka.



Nung gabing iyon, masaya silang nag-uusap. Parang kakaiba nga dahil sa Lahat ng pagkikita nila, ito ang pinakamasaya. At, nababahala Siya doon. Na Baka may sumunod na pangyayari na hindi kaaya-aya.



Kinabukasan, naging simple lang naman ang kaniyang araw. Katulad lamang ng dati. May mga masasamang titig ang bumubungad sa kaniya at kulang na nga lang talaga ay pagkakalbuhin Siya ng mga ito.



"Hi, Elle! " bati ni Ina.




"Kamusta na? " tanong ni Elle.



"Maayos naman. Oh, Baka ihihirit mo nanaman 'yung kay Xavier. " wika nito. Biglang natawa si Elle.



"Wala pa nga e. Sige, Mauna na ako. Madami pa akong lilinisin na kuwarto. " paalam ni Elle.



"Sige, kitakits! " sabay kaway ni Ina.



Nagsimula na Siya sa nakasanayan niyang trabaho. Ang maglinis ng bawat kuwarto dito sa hotel. Sinimulan niyang ayusin ang kama at sinunod ay ang sahig. Sunod ang banyo at nang Matapos Siya, lumabas Na Siya.



Malapit nang mag-lunch kaya naman binilisan niya na ang kaniyang pag kilos. At sa wakas, Matapos na din Siya.



Lumabas na Siya at nang pagharap niya, nagulat Siya sa kaniyang Nakita.



Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now