"But— " natigilan si Elle. Huminga ito ng malalim.




Ayaw niyang makasakit ng isang tao dahil lamang din sa isang tao. Pero Ano nga ba ang magagawa niya, 'di ba? May gusto ito sa kaniya ngunit nasa iba ang kaniyang atensyon. At para rito, Masakit iyon sa kaniya. Gusto niyang sabihin sa kaniya ang totoo sa paraang hindi ito masasaktan Pero mukhang imposible ata iyon.




"Tanggap ko, anuman ang sabihin mo, magiging sagot mo. Handa akong tanggapin ang sakit na kapalit nun. " sabi ni James.



"I-I'm sorry. " saad ni Elle at nagbabadyang umiyak. Bahagya ding nabasag ang boses niya doon.



Hindi nabago ang ekspresyon ng mukha ni James ngunit sa kaniyang kaloob-looban, basag na Siya, wasak na Siya. Alam niya naman kasi na Simula una pa lang, iba na ang gusto nito. Halata sa mga mata ng dalaga ang pagkislap nito sa tuwing nakikita si Jonas at tuliro tuwing nasa paligid ito. At alam niya din na kailanman,




Hinding-hindi niya magawang matalo ang kaniyang kapatid.



Sabagay, Ano nga lang ba Siya? Ah, anak sa pagkakamali. Tama, hindi Siya tunay na anak ng tinuturing niyang Ina. Anak Siya sa labas ng Ama niya. Kinupkop Siya dahil namatay ang tunay nitong Ina. Hindi naman Siya minaltrato doon, ngunit hindi niya naman naranasan ang kalinga ng isang Ina. Buong atensyon ng mga Cleverio ay na kay Jonas, at walang naiwan Para kay James.




"I'm sorry. " saad pa ni Elle.



"Okay lang. " matatag niyang saad din.




At ngayon, talo Siya. Ulit. Pero atleast, sinubukan niya kahit alam niyang imposible.




At sa bagay na iyon, doon lamang Siya panalo.



"Lagi naman Siya ang panalo. Sanay na ako. " Sabi nito muli.



"Pero sana, ako nalang. I want to... " naputol ang kaniyang sasabihin at tinignan ang dalaga.



"I want to save you from pain. From him. From them. " saad ni James na nagpakunot sa noo ni Elle. Nagkanda buhol-buhol ang kaniyang isipan sa sinabi ng binata.




"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. " saad ni Elle.



"Malalaman mo din at kapag dumating ang panahong iyon, nandito lang ako para sa'yo. " saad ni James. Hindi pa din nakuntento si Elle.


"Bakit kailangan ko pang antayin ang panahon na iyon? Hindi ba puwedeng, hindi ba puwedeng ngayon na? Ang gulo niyo. Lahat kayo. Para bang may tinatago kayong sekreto sa akin. " saad ni Elle.


Tumungo si James upang maglebel Sila ng tingin.


"Matulog kana. See you tomorrow. " saad nito at nag-angat ng tingin. Napatulala si Elle dahil hindi nanaman nasagot ang katanungan niya. Iniwan Siya nitong nakatanga doon.


Seriously? Ano bang mga problema nila. Para silang baliw. Si Ma'am Tallie, 'wag ko daw pagkatiwalaan mga kaibigan ko. Si Xavier naman may mangyayaring masama daw tapos eto, ililigtas ako sa kanila? Hakdog. Ang gulo niyo.


Nang mahimasmasan, kaagad na itong bumalik sa loob ng hotel. Nilalamig na din kasi Siya. Habang papasok, tulala Siya dahil ginagambala ng mga sinasabi nila ang kaniyang isipan. Sabagay, Ikaw ba naman ay iwanan ng mga sandamakmak na salita na hindi mo maintindihan, hindi kaba magagambala? Kung kay Jonas nga, 'di niya mapigilang isipin Siya eh eto pa kayang simpleng bagay lang?


Nang makarating Siya sa hallway nh kaniyang kuwarto ay parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. May kung Ano siyang nararamdaman sa paligid kaya kaagad siyang Kinain ng kaba. Pero kahit ganon, hindi Siya nagpatalo rito at nagpatuloy lamang sa paglalakad.


Nang makarating Siya sa tapat ng kaniyang kuwarto. Inilabas niya ang susi doon at ipinaslak sa door knob. Ngunit Laking gulat niya nang hindi iyon tumunog. Hindi na iyon nakalock at iisa lamamg ang ibig sabihin nun. May nakapasok sa kaniyang kuwarto.


Kahit kabado, binuksan niya at hindi niya inaasahan ang nadatnan niya sa loob. Nanigas Siya sa kaniyang kinatatayuan habang nakangising tinignan Siya nito.

"Surprise, Elettra Averion. "


--

Dreamerxbtch

Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now