"We're happy for you. " sabi ni Aki




"Talaga? Ako hindi e. Natatakot ako kasi na Baka malaman niya at isipin niyang niloloko ko siya. " sabi pa ni Elle.



"Kung Talagang mahal ka niya, paniniwalaan ka niya. Nandito lang kami Para sa'yo, Elettra. " saad pa ni Brenda.




"'Wag kang mag-alala. Tayo lang naman ang nakakaalam nun, at kung malaman niya, mag paliwanag ka. Huwag mong hayaan na kainin ka ng sakit at kaba na nararamdaman mo. " sabi ni Aki. Dahang-dahan tumango Sì Elle.



"Oo nga. " pagsang-ayon ni Brenda.



"Sala— "



"Hi, housekeepers. " natigilan sila at kaagad na lumingon doon.



Nakita nila si Tallie na nakangiti ng malaki sa kanila.



"Ma'am Tallie... " saad ni Elle na may iritasyon sa kaniyang boses.



"Ano nanaman po ba ang kailangan niyo, Ma'am Tallie? " taas kilay na tanong ni Aki.




"Hmmm, just walking around here. Oh, teka. Bakit parang Umiiyak ka, Elettra? " tanong pa ni Tallie. Napakuyom ang kamao ni Elle doon.



"Nakonsensya kana ba? " tanong niya pa at muling ngumisi.




"Saan naman ako makokonsensya? " balik-tanong ni Elle.



"Saan nga ba? Hmmm. " may pang-aasar sa tono ni Tallie roon.




"Ma'am Tallie, kung manggugulo ka lang po, next time nalang. Kapag nasa mood kami. " ngiting saad ni Elle.


"Ay, paano ba 'yan? Nasa mood ako e. I'm starting pa nga lang e. " sabi pa niya.




"But, I think... Mas maganda ang huli Kong pasabog. Just wait, Elle. " sabi nito at tinalikuran Sila. Ngunit, kaagad itong napaharap.



"And oh, payong kaaway lang. Don't trust anyone around you. Lalo na ang mga kaibigan mo. " saad nito ngumisi. Kaagad na kumunot ang noo ni Elle doon. Samantalang ang kaniyang dalawang kaibigan ay nanahimik lamang.




"At bakit ko naman gagawin 'yun? My friends are real. Totoo Sila sa akin so, dapat lang na pagkatiwalaan ko Sila. " sabi ni Elle. Tumawa si Tallie na Para bang nagbibiro si Elle sa kaniya.




Nang huminto ito ay nagsalita itong muli.



"I guess... so. " saad nito at sinulyapan ang dalawang kaibigan ni Elle. Ilang saglit pa, naglakad na ito paalis sa kanilang harapan.



"She's weird. " saad ni Elle.




"Yeah, hayaan mo nalang Siya Elle. Insecure much sa'yo, 'di kasi pinag-aagawan. " saad naman ni Aki.



"Just eat, Elle. " saad naman ni Brenda.


--




"Alam mo, 'yang Tallie na 'yan, nakakagigil na Siya! Pasalamat Siya at mabait ako kundi, kalbo Siya sa akin! " inis Na wika ni Elle habang naka-upo sa kama ni Xavier.



Tinitignan lamang Siya ng binata habang lumalamon nanaman ng Calbee.



Tinignan din Siya ni Elle habang nakanguso.



"Pahingi nga. " saad nito at kaagad na kumuha sa kinakain ni Xavier ngunit kaagad iyong inilayo ng binata sa kaniya.



"Hoy! Ang damot! " reklamo ni Elle.



Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now