"A-ano ba! Patapusin mo muna kasi ako! " inis Na wika ni Elle. Masb lalong nagulantang si Xavier doon.



"So, may nangyari nga?! " ulit nito. Sinapak Siya ni Elle dahil doon.



"Aray! Nananakit kana ah. " wika ni Xavier.




"Umayos ka kasi! Tapos nung ginamot ko 'yung sugat niya, bigla niyang hinawakan 'yung hand ko! Grabe, namumula ako non tapos alam mo ba? Naghaharumentado 'yung puso ko! " saad ni Elle na halos mabaliw na. Nginiwian ito ni Xavier.




"Okay, Sign no. 2, Naghaharumentado na puso. " saad ni Xavier. Hindi ito ulit pinansin ni Elle, sa halip ay nagpatuloy ito sa pagk-kuwento.



"Tapos alam mo 'yung next? May sinabi Siya sa akin, Xavier! Inaangkin niya Na daw ako, wala na daw siyang pake kung nabibigla ako! Nakakaloka talaga! "



"Okay, sign no. 3, naloloka at hopeless Na. "



"Tapos nakakaloka talaga ang sunod! Alam mo? Nag-ano Siya, inano niya ako... Ano... A-ah... " hindi matuloy-tuloy ni Elle ang kaniyang sasabihin rito. Tinaasan siya ng kilay ni Xavier dahil nagkaganon ang dalaga bigla.



"Ano? Ni-rape ka? " kunot noong tanong niya na.



"Hindi! A-ano lang... "



"Ano? " umiwas ng tingin si Elle.



"A-ano, a-ah... " saad ni Elle.



"Ano nga?! " inis Na wika ni Xavier. Humarap sa kaniya si Elle at ipinagdikit ang dalawa niyang daliri. Idinidemo nito ang ginawa sa kaniya ni Jonas kagabi.

Natigilan si Xavier at napaisip kung Ano ang ibig sabihin nun. Maya-maya pa ay nanlaki ang mga mata nito at kaagad jay napatakip pa sa kaniyang bibig. Inirapan Siya ni Elle dahil sa ka-OA-han nito.


"Seryoso ka?! "


"Oo! " saad ni Elle. Kaagad na napatayo si Xavier at niyugyog si Elle. Natulak niya pa ang dalaga at nahulog ito sa swing.


Aba, pesteng 'to ah!


"Halaaaa! I can't believe this! Buntis kana! " saad ni Xavier.


Inismidan Siya ng dalaga.


"Ang OA mo! Hinalikan lang buntis Agad?! Atsaka mag-iingat ka! Nasugatan ang skin ko oh! " sabay turo ni Elle sa kaniyang Hita.



"Ay, wow! Um-arte lalo, pinag-aagawan lang ng boss niya e. Take note, hinalikan pa ng boss. " saad ni Xavier.



"Ang ingay mo! Baka may makarinig sa atin, ayaw ko ng issue Ano. " Sabi ni Elle.


"Ewan ko sa'yo! Pero sa way ng pagkuwento mo, na-fall kana. At na-fall na din si Jonas sa'yo, tama ba ako Elettra. " tanong ni Xavier. Napatahimik si Elle doon.


Galing, nasuklian Agad feelings ko!

Pero...



'Yung deal nga pala.



"Tapos, napagsalita mo na din Siya. Walang duda na na-fall na Siya sa iyo, Elle. " sabi ni Xavier.


"'Y-yun na nga e. 'Yung sa deal namin, ibibigay na nila 'yung Pera bukas. Tulungan mo naman ako, Xavier oh. " saad ni Elle sa kaniya.


"Sige, kahit tatanga-tanga ka, tutulungan kita. May free piattos pa! " sabi ni Xavier. Agad Na napangiti si Elle doon.


"Talaga? "


"Oo, madani sa kuwarto ko! Bigyan kita, isang kahon. " saad ni Xavier.

"Sige! Sabi mo 'yan ah! " saad ni Elle at tila nalimutan kaagad ang mga problema nito. Ganon siguro talaga ang epekto sa kaniya ng mga pagkain lalo pa't paborito niya ito.

"Pero bago iyon, may tanong ako. " saad ni Xavier kaya huminto si Elle.

Nagpakurap-kurap Siya habang hinihintay ang katanungan nito.

"Ngayon, nagawa mo na ang deal niyo, napagsalita mo na Siya. And, na-fall pa, tapos Ikaw din, na-fall. Pareho na kayong nahuhulog, Pero... " pinutol muna ni Xavier ang kaniyang sasabihin.

"Hmm? "

"Are you willing to take the risk, Elettra? " tanong na nakapahinto sa dalaga.

Handa nga ba Siya?

Sa kaso niya, Mas gugustuhin niya na lamang n
Magtago o mag-resign. Pero wala siyang ibang Magawa. At besides, para sa boss niya din naman ito kaya naman,

"Yes, I will. "

•••

"Huy, Elle! " tawag ni Aki rito. Kaagad na napatingin sa kaniya ang dalaga. Lumapit ito sa kanila at umupo sa kanilang table.

"Ang tamlay mo ata? Hindi ba dapat ay masaya ka kasi nagawa mo na ang deal? Panalo kana. " sabat naman ni Brenda.

"Atsaka, Ano itong naririnig namin Kanina, Elle? Ano 'yung scene niyo ni Ma'am Tallie, at ng mga boss natin? Kaloka ka Elle, haba ng hair ah. " saad ni Aki.

"Ayon na nga e. Sobrang laki ng problema ko. " saad ni Elle at napabuntong hininga na lamang.

"Kaya mo 'yan, Sis. May likod ka pa. " saad ni Aki.

"Grabe, alam mo ba Kanina? Nung marinig namin ang issue, nagulat kami! Lahat kami! Tapos madami na din ang hater mo. " saad ni Brenda. Mas lalong napabuntong hininga si Elle doon.

Issue nga naman.

"Grabe, Ano pa bang Bago dito? Kahit 'yun sa ex nga ni Sir Jonas, dami ding hater nun! Kawawa nga 'yun e. Pero kapag si Elle, ginanon din nila, Aba! Malalagot Sila sa Atin! "Matapang na saad ni Brenda.

"Tama! " pagsang-ayon ni Aki. Patuloy na nag-usap ang dalawa habang si Elle ay tulala sa kawalan.

"Hala, ma'am Tallie ba iyon? " gulantang na tanong ni Aki.

"Hala, Siya nga! Papunta Siya sa atin, Elle oh! " tarantang saad ni Brenda. Napatingin naman ang dalaga at Nakita nga nito si Tallie na naglalakad patungo sa mesa nila.

Nang makarating ito, huminto Siya sa harap ni Elle at biglang ngumisi.

"Hi, Elettra. Nagkita nanamn tayo. " saad nito. Nagsalubong ang kilay ni Elle.

"Anong kailangan mo? " tanong ni Elle.

"Nothing. Just wanna piss you off. Nakakapagtaka lang kasi kung bakit bigla ka nalang naging malapit sa kay Sir Jonas, uh no. Sa tatlong Cleverio pala. Hay, ganun kaba kalandi at hindi ka marunong makuntento sa Isa? " ngising saad ni Tallie.


"Pwede ba, Ma'am Tallie? Ayaw ko na ng gulo. Atsaka hindi ko Sila nilalandi. " saad naman ni Elle.


"Oh, hindi nga ba? Sabihin Na nating, hindi nga. Pero, Ano ba talaga ang pakay mo kay Jonas? Hindi kaya, katulad ka din ng Ex niya? "

"Pwede ba? Kung naiinggit ka dahil close kami ng boss mo o boss natin, edi gayahin mo din ako! Inggit ka? Gaya ka! At wala akong  pakay sa kaniya! Mas lalong hindi ako katulad ng ex niya! " singhal ni Elle.


"Talaga ba? Alam mo Elle, kung Ano mang iyang balak mo kay Sir Jonas, malalaman ko din 'yan. " sabi pa nito. Doon na nagalit si Elle at nagtaas-baba na din ang kaniyang dibdib dahil sa labis na pagkairita.


Sarap talaga itali sa Puno! Bakit ba kasi nakawala ito sa tirahan niya?!


"Kung Ano man iyon, malalaman ko din iyon... "


--

Dreamerxbtch

Love Series #1: Signs of Love Where stories live. Discover now