Chapter 30

23 3 0
                                    

"Babeee naman eh! Pansinin mo kaya ako!" nakabusangot kong sabi kay Zyre habang sinusundan siya sa paglalakad. Nalaman niya na kasi na ako ang magiging representative for the contest.

"Paano kapag nanalo ka? Paano kapag yung Kiefer na 'yon magkagusto na sayo? Paano kung magustuhan mo rin siya? Damn baby, you're mine! Only mine!" nagulat na lamang ako sa dire-diretso at sunod sunod na entrada ng boyfriend ko. 

Ano daw? Ang oa naman nito.

"What the hell, babe!" sagot ko rito at hindi na napigilang mapatawa ng malakas. Ikaw ba naman magkaroon ng sobrang oa na boyfriend eh.

"W-why are you l-laughing?" namumula nitong tanong sa akin kasabay nang 'pag iwas niya ng tingin sa 'kin.

"Babe.. ang drama mo. Para kang tanga. Sayo lang naman talaga ako eh." paninigurado ko sa kaniya. Hinalikan ko rin siya sa pisngi para matahimik na siya.

"For all the representatives. Please come to the quadrangle! I repeat. For all the representatives. Please come to the quadrangle!" rinig naming pag-aannounce ni Ms. Fontella.

"They're calling you. Go ahead babe." napalingon ako kay Zyre nang magsalita siya. 

So.. okay na ba sa kaniya?

"Is it-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang agad niya itong pinutol.

"Yeah. So let's go. Ihahatid na kita doon. Kailangan ko rin pumunta sa Music Room." sabi nito sabay hatak sa kamay ko. Kaya wala na kong nagawa kundi ang magpahila na lang sa kaniya.

Pagdating namin doon ay mukhang kumpleto na ang lahat ng representatives. Mukhang ako na lang rin ang kulang. Hays. Bakit ang bilis nila? Excited ba sila?

Umupo na ko sa bakanteng bleacher nang magpaalam sa 'kin si Zyre. Nakikinig lang ako sa mga instructions ni Ms. Fontella nang biglang tumabi sa 'kin si Kiefer.

"What?" taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Nothing. Wala lang kasing ibang mauupuan. So, would you mind if I sit here?" medyo pabulong nitong sabi dahil baka mapagalitan kami kung maririnig na nagkukwentuhan kami kaysa makinig.

Umiling na lang ako sa kaniya. Wala naman na akong magagawa dahil katulad nga ng sabi niya ay wala ng ibang bakanteng upuan.

After ng mahaba habang pag eexplain nila ay agad na rin akong umalis.

"Practice after class, guys!" pahabol na sabi ni Ms. Fontella. 

Hays, madadagdagan nanaman pag aaksyahan ng oras. Tsk.

Nagising na lamang ako sa malakas na tunog ng ringtone ko. Nakapikit kong kinuha ang cellphone ko na nasa bed side table lang naman.

I slowly opened my eyes. Nakakaantok pa eh. Teka anong oras na ba? Nag-inat muna ako ng katawan bago ako muling tumingin sa cellphone ko.

"Wtf!!" napasigaw na lamang ako nang makita ko kung anong oras na. Damn it's already 8am. Ang first class ko ay 7am. Arghhhh!

Muli akong napabaling sa cellphone ko na hanggang ngayon ay nagriring pa rin pala. Si Zyre pala. Hindi ko na sinagot ang tawag niya at agad na akong bumangon para maligo at magbihis.

Wala na rin akong oras para kumain kaya agad na kong nagpahatid sa driver ko.

I am wearing a simple blue vintage shirt and a white jeans. Wala na rin akong oras kanina para maghagilap ng isusuot kaya 'yong nasa ibabaw na lang kinuha ko.

Since late naman na ko for the first and second subject, naisipan ko na lang na dumiretso sa cafeteria at hintayin na lamang ang susunod na klase ko.

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mapansin na pinagtitinginan ako ng mga tao. Wtf? Ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa? tsk. Di ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagulat naman ako ng biglang may humila sa kamay ko.

Psh. Si Zyre lang pala.

"Babe. M-may m-mantsa yung jeans mo." nahihiya at pabulong na sabi nito sa akin. Sus mantsa lang pala tapos nauutal na siya.

Wait what!?

Agad kong tiningnan ang puwetan ko nang marealize ko kung anong sinasabi niya. Wtf. May tagos ako. Nasapo ko na lamang ang noo ko dahil antanga ko at hindi man lang napansin na kaya pala nila ko pinagtitinginan ay dahil sa tagos ko at hindi dahil sa ganda ko.

Bigla namang iniabot sa 'kin ni Zyre ang puting jersey jacket niya.

"Babe baka mamantsahan." nahihiyang pagtanggi ko sa inaabot niyang jacket. Puting puti iyon at nakakahiyang mabahiran ng dugo.

"So, what do you want? Maglakad ka diyan na may dugo sa jeans mo? Oh c'mon babe. Take it." makahulugang sambit nito. May point siya dun ha. Kaya naman kahit nahihiya ako ay agad ko na ring inabot ang jacket niya.

"Antayin mo 'ko sa labas ng cr. May pupuntahan lang ako." pagkasabi niya non ay agad na rin siyang naglakad. What? Iiwan niya ko dito. Hmp, I hate you Zyre!

I waited for Zyren sa labas ng cr katulad ng sinabi niya. And after 20 minutes ay nandito na rin siya.

Iniabot niya sa akin ang isang paper bag na medyo may kalakihan rin.

"What's this?" nagtatakang tanong ko sa kaniya pagkaabot ko ng paper bag.

"Why don't you open it and see it by yourself." saad nito. Psh. Sungit naman ng boyfriend ko.

Sinilip ko muna ang laman nito at nakita ko na may-

Isang balot ng napkin? P-panty and jeans? A-at random chocolates?

"Go and change." nakatalikod nitong sabi sa akin. What? Nahihiya ba siya? Siya kaya yung bumili ng napkin? HAHAHAHA. Now, I want to see his face kaya iniharap ko siya sa akin.

And there. I saw his blushing face. Hindi ko tuloy maiwasang mapatawa ng malakas. Pero agad ko ring inihinto nang mapansin kong hiyang hiya na siya.

"Thank you babe. I love you." maiksing sabi ko sa kaniya bago ko siya hinalikan sa labi. I don't care kung may ibang makakita. I just want to show gratitude to this handsome man. He's so sweet.

So girls, get yourself a man na kaya kang bilhan ng napkin.

Natawa na lamang ako sa sarili ko. Pumasok na lang ako sa isang cubicle at nagbihis na.

I thought this will be a bad day.. but it's not. 

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon