Chapter 6

85 45 10
                                    

I can't have Zyren.

"Mom, I love Zyre. I want him." naiiyak kong sabi kay mommy.

"No Rish, he can't be yours. Ang bata bata mo pa, anong nalalaman mo sa love?" galit namang sagot sakin ng mommy ko.

"Pero wala naman po kaming ginagawa mom. Honor student pa rin naman ako kahit naging kami na diba? Why can't I always have everything that I want?"

"You're too young to fall in love! Lalo na kung sa lalaking yun!"

"Mom bakit? Bakit ba ayaw na ayaw niyo sa kaniya? Mabait siya mom. Buti pa nga siya naibibigay niya yung pagmamahal na hindi niyo maibigay sakin ni dad. Kaya niya kong mahalin without hurti-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla akong sinampal ni mom. I hate her! Hindi niya na nga ko minamahal, sinasaktan niya pa ko.

Napahawak ako sa namumula ko nang mga pisngi, I never thought na makakayanan akong saktan ng sarili kong magulang just because of loving someone at my young age.

Napapikit ako nang maramdaman kong may namumuo nang mga luha sa mga mata ko. Kakauwi ko lang ngayon at nasa kwarto na ako. Yakap yakap ko ulit yung paborito kong manika nung bata ako. Tuwing hawak ko to, hindi ko mapigilang alalahanin yung mga malulungkot na pangyayari sa buhay ko.

"Dad, I really want to be a chef." pamimilit ko kay dad habang nasa living room kami.

"Napag usapan na natin yan hindi ba? Wag ka ng makulit Rish, ikaw ang magmamana ng company natin kaya you have to study according to it."  mahinahong pagpapaliwanag sakin ni dad.

"No way dad! Hindi naman po ikaw ang mag- aaral diba? Hindi naman po dapat ikaw ang  nagdedesisyon ng lahat ng dapat kong gawi-"

Nagulat ako ng napatayo si dad sa pag kakaupo niya at sinampal ako.

Hindi ko ineexpect na pati si dad ay magagawang saktan ako. Narinig ko pa siyang humingi ng sorry pero agad na kong umakyat sa taas at nagkulong sa kwarto.

For the second time, nasaktan ako dahil mas pinili kong ipaglaban ang gusto ko.

Simula nung araw na yun ay hindi na ko nag sasabi sa parents ko ng mga gusto ko dahil alam kong sa huli ay yung gusto parin nila ang masusunod. Pero nagsimula rin akong magrebelde. I started drinking alcoholic beverages when I was just 15 years old, nagpapabili pa ko sa mga katulong namin at ipinapatago ko sa kanila.

Mas lalo pa kong nag rebelde when my first love left me. Sobrang nagkagulo ang buhay ko nung iniwan niya ko. Naniwala akong hindi niya ko iiwan at sasaktan gaya ng pinangako niya pero he broke his promises.

"My starlight, I promise you na hinding hindi kita iiwan." bulong sakin ni Zyre habang nasa ilalim kami ng bilyon-bilyong mga tala. Nakasandal ang ulo ko sa kaniyang balikat.

"S-starlight?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Yeah, because you are as beautiful as the stars above the skies and you are making my life as bright as your light ." nakangiting saad niya sakin. I was so amazed by his words, walang mag aakalang 15 years old lang siya dahil sa galing niya sa pananalita. I was just 14 years old  naman by that time kaya mababaw pa ang kilig ko.

"But what if  magkaroon ng maraming hindrances, will you still stay?" tanong ko sa kaniya habang unti unti akong pumupunta sa harap niya. I want to see his eyes habang sinasabi niya ang mga isasagot niya.

"I won't leave you sa sarili ko lang  na dahilan. If I leave you, always remember that it's not my choice." naluha ako sa sinabi niya.  So may possibility parin na iwan niya ko?

"Bu-"

"Shhh. Wag mo munang isipin yan." pagpapahinto niya sa akin.

"I can't help." napayuko na lamang ako. Patulo na ang mga luha mula sa aking mga mata nang biglang hinawakan niya ang baba ko at unti unting iniangat ang mukha ko.

"Okay eto nalang starlight ko. Kahit paglayuin pa tayo ng mundo, lagi lang akong tatanaw sayo. Katulad ng mga stars na nakikita natin ngayon, na malayo at mahirap abutin, hindi pa rin ako magsasawang titigan ka at antayin ang panahon kung saan pwede na."

Wala na kong masabi pa. This boy is like a small man who always makes me feel butterflies in my stomach.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at unti unting inilapit ang mukha niya sakin. Napapikit na lamang ako kagaya ng mga napapanood ko sa mga movies. Inaantay kong gawin niya ang kasunod nun, inaantay kong dumampi ang mga labi niya sakin pero hinalikan niya lang ako sa noo.

"We're too young for that my starlight. I can wait for the perfect time para magawa yun."

And that made me secured, alam kong hindi siya gagawa ng kahit anong bagay na hindi pa pwede.

Napatigil ako sa pag alala ng mga memories namin nang makaramdam na ako ng antok. Unti unti ko nang ipinikit ang mga mata ko at pilit umaasang sa pagmulat nito ay makikita ko na ulit si Zyre. 

ForbiddenWhere stories live. Discover now