Chapter 21

20 7 1
                                    

A month had already passed. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Magaling na si Zyre. Nakaalis na rin si Ryle. Nakauwi na ang pinsan kong si Liam. And most importantly, birth month ko na. It's already the first day of October, and 17 days more to go, 18 years old na ko. Legal age is coming. Pero ganon nga rin ba sa relasyon namin ni Zyre? Maging successful kaya yung plano niya?

"Baby, on your birthday..at exactly 12 in the midnight, aamin na ko sa parents mo. I want us to be legal just like your age." sabi niya sakin habang itinatali ang mahaba kong buhok.

"A-are you s-sure?" nag aalinlangan kong tanong sa kaniya.  Sa loob ng dalawang taon na naging kami ay nagtatago lang kami. Secret relationship to be exact. Bilang lang ang nakakaalam ng tungkol samin pero everything changed nung nahuli kami ni dad na magkasama sa isang mall.

"Oo naman. Why not? Handa na kong ipaglaban ka sa kanila ulit, my starlight. At kahit anong mangyari ay hindi na ulit ako papayag na magkahiwalay pa tayo." sagot niya naman sa 'kin na siyang naging dahilan ng pag ngiti ko.

Para akong tangang nakangiti habang nakatanaw lang sa bintana ng kwarto ko. May pinadala kasing sunflower ulit si Zyre at kagaya ng dati ay may note na nakaipit dito.

'Bike tayo, dadalhin kita sa Tagaytay'

Iyan ang nakasulat sa maliit na papel kasama ng sunflower. Biker si Zyre at kung saan-saang lugar na siya nakakarating gamit lang yung bike niya. Tinuruan niya kong magbike dati kaya marunong na ko. Pero never kong natry na magbike papunta sa malayong lugar kaya kinakabahan ako pero naeexcite din at the same time.

Agad akong pumunta sa usual spot namin. 3am palang umalis na ko sa bahay. Tumakas lang ako kay Nay Lena na mahimbing na natutulog kanina. Wala naman sila mom and dad dahil nasa out of town work nanaman sila.

Naka plain white t-shirt lang ako tsaka gray na jogging pants and black rubber shoes. Samantalang naka combined black and blue jersey si Zyre na pang bikers. Nagulat ako nang may inabot siyang paper bag sakin.

"Change clothes." maiksi at maawtoridad na sabi sakin niya sakin habang inaabot yung paper bag. Sinilip ko ito at nalaman kong combined black and blue jersey din pala ito. So pareha kami? Couple jersey ganun?

"Okay." sagot ko naman sa kaniya at agad na nagtungo sa public restroom dito sa may park.

Fitted sakin yung jersey at maiksi lang yung above the knee cycling shorts na partner niya. Napansin kong nakasulat pala sa likod yung pangalan ko at may nakasulat pang number 12 sa baba nito.

Pagbalik ko sa pinaghihintayan ni Zyre ay saktong nakatalikod siya kaya nakita ko kung anong nakasulat sa jersey niya. Pangalan niya rin at may number na 06 sa ibaba. Bakit 06? Hindi naman niya birthday yun dahil March 18 ang birthday niya.

"You look gorgeous and...sexy." sabi niya sakin sabay yuko. Kahit medyo madilim pa ay kitang kita kong namula yung mga pisngi niya dahil sa ilaw ng poste.

Napangiti na lang ako ng bahagya dahil sa pamumula ng pisngi niya. Inabutan niya ko ng helmet at iba pang safety gears dahil aalis na daw kami. Ipinakilala niya pa ko kay Sun, yung bike na binigay niya sakin. Kulay yellow ito at may halong kulay itim. Yung bike niya naman na si Moon daw ay kulay red with a combination of black din.

Nagsimula na kaming magbike. Nung una ay nasa likod ko lang siya at mabagal pa ang pag papaandar namin sa bisekleta. Pero nung medyo tumagal ay nakikipagkarerahan na siya sakin. Hindi ko naman siya maabutan dahil napakabilis niya at sanay na sanay. Nung mapansin niya sigurong hindi ako nakakasunod sa kaniya ay binalikan niya ko at sinabayan narin.

Nang makarating kami sa People's Park, Tagaytay ay pawis na pawis at hingal na hingal ako. Napakarami kasing ahon dito at minsan bumababa nalang ako at tinutulak paahon ang bike na gamit ko.

"B-bakit nga pala 06 at 12 yung mga numbers ng jersey natin?" tanong ko sa kaniya habang kumakain kami ng strawberry taho at nagpapahinga.

"June 12. Yung anniversary natin dati diba?" sagot niya naman sakin. Oo nga pala, yun yung araw na sinagot ko siya noon. Pero nagkabalikan kami last August 12 lang. Nahiya naman ako dahil sa lahat ng bagay yun pa ang nakalimutan ko. Eh sobrang importante nung araw na yun sa 'ming dalawa.

Marami pa kaming napasyalan ni Zyre gamit yung bike namin kaya gabi na rin kami nakauwi. Hindi namin namalayan ang oras kaya naman kinakabahan ako nang papasok na ko sa bahay. Alam kong kahit wala sila mom ay malalaman nila dahil paniguradong magsusumbong ang mga kasambahay na nawawala ako.

"Mam Rish, san ho ba kayo nanggaling? Jusko, galit na galit ho ang daddy niyo!" bungad sakin ng isa sa mga kasambahay namin. Huh? Nandito na ba sila?

"N-naka uwi na sila?" nauutal na tanong ko rito dahil kinakabahan ako.

"Opo mam kanina lang din nang malaman nilang wala ka. Hindi pa daw tapos ang trabaho nila pero kailangan mo raw magtanda." mabilis at dire diretsong sabi nito sa 'kin. What? No. Kilala ko si dad at alam ko kung pano siya magalit. This can't be happening.

Agad akong tumakbo paakyat sa kwarto ko pero huli na dahil sinalubong ako ng matatalim na tingin ni dad. Shet.

"Where have you been!?" pasigaw na tanong sakin ni dad. Alam kong galit na galit siya sakin ngayon. Hindi pa ko nakakapagsalita ay agad niya kong hinila papasok sa kwarto at hinagis ako sa sahig dahilan para magdugo ang tuhod ko.

"YOU ARE NOT GOING OUTSIDE. You're grounded!" maawtoridad na sabi nito at padabog na sinara ang kwarto ko.

Tuloy tuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko. Bakit ganon na lang ako saktan ni dad? Hindi naman niya siguro alam na si Zyre ang kasama ko eh. Hindi niya ko mahal! Dahil kung mahal ako ng daddy ko, hindi niya ko sasaktan ng ganun.

Since I was young ganito na ko parusahan ng daddy ko everytime na may nagagawa akong hindi niya nagustuhan. Okay lang sa 'kin na magrounded ako even for months, pero yung saktan nila ko physically? Hindi katanggap tanggap yun. Minsan lang sila umuuwi dito sa bahay pero sa loob ng mga minsan na yun ay lagi akong napapagalitan. Yung mga mali ko lang naman kasi yung nakikita nila eh. Pero yung mga magagandang nagagawa ko? Yung pagiging honor student ko? Hindi nila napapansin.

ForbiddenМесто, где живут истории. Откройте их для себя