Chapter 24

48 6 0
                                    

Dire-diretso lang ang paglalakad ko papasok sa campus. Pero napahinto ako nang makita ko si Natasha na umiinom ng kape.

Agad akong lumapit sa kaniya. Marahas kong kinuha ang iniinom niyang kape at ibinuhos sa pagmumukha niya. Sa tantsa ko ay mainit pa talaga yung kape kaya panigurado mahapdi sa balat yun. Bigla siyang napatayo at nagsusumigaw dahil sa ginawa ko sa kaniya. Good for you, bitch!

Lumapit din siya sa 'kin at sinampal ako. Damn you! At dahil hindi ako pumapayag na may mananakit sa 'kin na malanding babae, hindi ako nagpatalo at sinampal din siya ng tatlong magkakasunod.

"Hoy Rish!" nagulat ako nang biglang pasigaw na tinawag ako ni Angela. Phew, ang tense na nun ah. Imagination lang amp. Syempre hindi ako pwedeng gumawa ng ganoong eksena, SA NGAYON.

"Hmm?" ayun na lamang ang nasabi ko dahil nakakahiya naman kung sabihin ko pa sa kaniya na nag iimagine ako.

"What happened to you? Kahapon ka pa hinahanap samin ng boyfriend mo. Bakit ba nakadeactivate lahat ng accounts mo?" dire-diretsong tanong sakin ni Angela habang sabay kaming naglalakad sa hallway.

Ikinuwento ko na lang sa kaniya yung nangyari kahapon dahil gusto ko na ring mailabas ang inis ko sa babaeng yun.

Hindi pa ako natatapos sa pagkukwento nang may bigla na lang humila sakin. Napayakap tuloy ako rito at tumapat ang mukha ko sa dibdib nito.

"What's wrong baby?" pshh si Zyre lang pala. I tried to force myself not to hug him back. Nagseselos pa din ako hmp.

"Let's go!" sabi niya sakin at agad akong hinila palabas ng campus.

"Ano ba Zyren? May kla-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinila niya ko paharap sa kaniya at bigla akong hinalikan. 

Pagkatapos niya kong halikan ay agad akong napatingin sa paligid. Mahirap na dahil baka may makakita samin.

Nakita ko naman na nasa likod pala kami ng puno. Phew!

 Kahit kailan talaga pinapakaba ako ng lalaking to.

Walang sabi sabi niya akong pinasakay sa dala niyang motor. Pinasuot ako ng helmet at pinaandar dito ng mabilis dahilan para mapayakap ako sa kaniya. Hmm, galawan mo Mr. Zyre!

Dinala niya ko sa Mi Amore's Cuisine, isa sa pinakasikat at pinakamamahaling restaurant dito sa Manila. Napakaganda ng vintage view dito sa loob, para kang dinala sa makalumang panahon. I really love the vibe here.

Nang makarating na kami sa pinareserve niyang table ay pinag usugan pa niya ko ng upuan. Hmp! Pagentleman ka naman ngayon. 

Habang inaantay namin na iserve ang breakfast namin ay  may inabot siyang bouquet ng sunflower. Hindi lang basta bouquet dahil may kasama itong isang maliit na pahabang box.

Pumunta siya sa likuran ko at hinawi ang buhok ko paharap. Binuksan niya yung box ay inilabas ang laman nito. Kwintas? Isinuot niya ito sakin kaya naman nakita ko ang pendant nito. Semi- colon necklace? Bakit?

"Hindi ko alam kung bakit hindi mo ko kinakausap mula pa kahapon kaya I have decided na suyuin ka sa ganitong paraan," panimulang sabi niya sakin. Naramdaman kong nag-iinit ang mga pisngi ko at alam kong namumula na rin ito dahil kinikilig ako sa mga ikinikilos ngayon ni Zyre. "I want to give you this necklace but for now, I won't tell you why." dugtong niya na nagpataka naman sakin.

Bumalik na siya sa kinauupuan niya dahil dumating na yung mga pagkain. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit ganitong pendant pa ang napili niya. Semi colon is usually used when the author could've chosen to end his sentence but chose not to. So, what does he want me to continue? Hmm nevermind.

Sinabi ko na lang sa kaniya ang dahilan ng pagtatampo at pag-iwas ko sa kaniya. Nag sorry naman siya dahil hindi niya rin alam na si Natasha ang makikipagkita sa kaniya. Ang alam niyang kikitain niya dun ay ang kapatid nitong si Neil pero si Natasha ang sumipot. Nagulat din daw siya nung biglaan siyang niyakap ni Natasha, at bilang paggalang rito ay hindi niya nalang pinigilan dahil baka mapahiya ito sa mga taong naroon.

"Please don't be jealous with her again, my starlight. You're more beautiful, smart and sexy than her." sabi niya sakin na naging dahilan nanaman ng pamumula ng mga pisngi ko. Hindi ko pa rin talaga maiwasang kiligin sa ikinikilos at sinasambit niya. Napangiti na lang ako sa kaniya.

"I'd like to laugh with you for the rest of my life." nakangiting sabi niya sakin. Geez, I can feel the butterflies on my stomach na huhu.

Nang matapos kami sa pagkain ay dinala niya ko sa veranda ng restaurant na to. May iilang couples din na nandoon katulad namin. Tanaw na tanaw dito ang magandang view rito kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na banggitin ang paborito niyang mga salita.

"I love you." malambing na sabi ko sa kaniya at dahan dahan siyang hinalikan sa kaniyang mga labi. Halatang nagulat siya nung una pero agad niya din naman akong hinalikan pabalik. This time, wala na kong pakialam kung nasa public place man kami.

"I love you more, my starlight. And I wanna hear your voice saying my name with I love you, everynight before I sleep." sabi niya naman at agad akong binuhat pataas.

Hindi ako magsasawang makipag-away sa boyfriend kong ito kung ganito niya ko palagi suyuin.

ForbiddenWhere stories live. Discover now