Chapter 20

30 8 1
                                    

Seconds, minutes, hours, days and weeks passed since the accident. Nakarecover na si Zyre at nagpapahinga na lang sa bahay nila. But then Ryle is still in a coma. Tuwing wala akong pasok, binibisita ko siya. And today, I'm already preparing sa pagpunta ko sa hospital. Bumili ako ng basket of fruits tsaka white roses na rin para maging maaliwalas ang kwarto niya. Si Liam, okay na din siya. He stayed for weeks sa hospital and almost 5 days din siya sa bahay.

Bago ako pumunta sa kwarto ni Ryle ay dumiretso muna ko sa mini chapel ng hospital. Gusto kong humingi ng tulong sa Kanya. Alam kong meron Siyang plano para sa bawat isa.
Inilapag ko muna ang basket pati narin ang mga bulaklak. Lumuhod ako at nagsimula ng manalangin ng mataimtim.

"Lord, alam ko pong hindi ako naging mabuting tagasunod sa Iyo pero si Ryle po, mabait po siya at napakamatulungin. Lord, sana po magising na siya. Kahit ano pong maging kapalit nito sakin, maluwag ko pong tatanggapin basta gumaling lang siya. Ayoko pong mawala yung taong kahit kailan hindi ako iniwan." pagkasabi ko nito ay pinunasan ko ang mga luhang tumulo na pala sa mga pisngi ko. Tumayo na rin ako at binitbit ang mga prutas at bulaklak na dala dala ko kanina.

Sumilip muna ko kung may ibang tao sa loob. Wala si Nay Nenita at wala ring nurse. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at pumasok na sa loob. Inilapag ko ang mga dala ko sa bed side table sa kwarto ni Ryle. Saglit ko muna siyang tinitigan bago ko hinawakan ang isang kamay niya.

"Kuya, please fight. Alam kong kaya mo yan. I won't leave you here hanggat di ka nagigising sige ka," pabirong sabi ko. "Miss ko na yung mga speech mo sakin pag pinapagalitan mo ko. Pati na rin yung mga luto mong pang world class sa sarap. Gising ka na kuya oh." maluha luha kong sabi sa kaniya.

Nagulat naman ako ng biglang gumalaw ang kamay niyang kanina ko pa hawak. Unti unti niya naring iminumulat ang mga mata niya. Shocks! Gising na siya! Agad naman akong tumawag ng doktor para icheck siya. Ayon naman sa kaniya ay nasa mabuting kalagayan na ito at nakarecover na rin. Pero kailangan niya paring magstay dito para mas makapagpahinga pa.

Pagkaalis ng doktor ay nagulat ako ng biglang magsalita si Ryle.

"What are you doing here?" nanghihina pa niyang tanong sakin.

"Visiting you, I guess?" maiksing sagot ko naman sa kaniya. "What really happened kuya? Bakit kayo magkasama ni Zyre?" tanong ko pa dahil hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit sila magkasama nung araw na naaksidente sila. Hindi ko pa rin nakakausap si Zyre dahil nagpapagaling pa siya at hindi rin ako pwedeng pumunta sa bahay nila.

"We talked.. about you." maiksing sagot niya sakin. Ang payat niya na ngayon at wala na yung dating sigla niya pag nakikita ko siya.

"Why? W-why did you talked about me?" nagtatakang tanong ko naman.

"I am now setting you free.. both of you. I know hindi magiging maayos ang relasyon niyo kapag nandito ako at makikigulo sa inyo. Rish, alam kong alam mo na mahal kita hindi lang bilang kaibigan. Kaya lalayo na ko." dire diretsong sabi nito na nagpaluha naman sakin. He's leaving?

"B-but w-why? You don't n-need to leave. B-bakit mo ko iiwan?" pautal utal kong tanong sa kaniya habang patuloy paring umiiyak.

"I hate to admit.. pero feeling ko talo na ko. Kaya ako na lang ang lalayo para hindi na kayo magulo. I'm inlove with the person that has no feelings for me, and that's the fact." paliwanag niya sakin. Lalo akong naiyak sa sinabi niya. Alam ko namang nasasaktan ko siya dahil kahit siya yung nandiyan, hindi ko siya nakita at si Zyre parin ang hinahanap ko. "After this, aalis na ko. I've got a scholarship sa ibang bansa. Dun na ko mag aaral." dugtong niya pa.

"W-where?" maiksing tanong ko dahil hindi na ko masyadong makapagsalita dahil sa pag iyak ko.

"You don't need to know Canarish. Ayokong may makaalam. I just want to be alone." sabi niya at halatang may pagdidiin sa huling salitang sinabi niya.

I just want to be alone.

I just want to be alone.

I just want to be alone.

Paulit ulit kong naiisip yung mga huling sinabi niya. Alam kong ayaw niya na ko makita. Kaya naman kahit ayaw ko pa ay tumayo na ko at lalabas na sana. Pero pagkatalikod ko pa lang ay agad na siyang nagsalita.

"Maybe you weren't the one for me, but deep inside I wanted you to be." madiing sabi niya na muling nagpatulo sa mga luha ko. Umalis na lang ako ng tuluyan dahil hindi ko na kaya pa.

--
Hindi muna ako umuwi sa bahay. Dumiretso lang ako sa park. Alam kong doon, mababawasan ng bigat yung damdamin ko dahil sa mga masasayang mga mukha na nakapaligid doon.
Umupo ako agad sa swing. Hindi ko makalimutan yung mga salitang binitiwan kanina ni Ryle. Hindi ko inexpect na aabot kami sa ganito. Selfish na ba ko sa part na pinili ko yung tinitibok ng puso ko? Hindi ko alam pero kahit si Ryle yung palaging nandiyan para sakin, hindi ko pa rin maibaling ang pagtingin ko sa kaniya. I mean, mas okay ako...kami sa pagiging magbestfriends namin. Nung una hindi ako naniniwala na kapag may mag bestfriend na opposite sex ay yung isa may lihim na pagtingin sa isa. Hindi ko naman alam noon na higit pa pala sa kaibigan ang turing sa 'kin ni Ryle. Ayoko siyang mawala, pero sa tingin ko tama siya. Kailangan niya na kong palayain. Dahil lalo lang siyang mahihirapan kung ipipilit niya ang sarili niya sa 'kin at kung makikita niya kaming masaya ni Zyre.

How I wish, maging okay pa rin siya kahit aalis na siya. Sana may babae siyang makilala na kayang suklian yung pagmamahal na kaya niyang ibigay.

I never thought na ang pag alis niya pala ang magiging kapalit ng paggaling niya.

ForbiddenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin