Chapter 27

17 4 0
                                    

30 minutes na lang sana..

Pero hindi pa natuloy.

"You're not okay, aren't you?" nagulat ako nang biglang may magsalita sa likuran ko. Nakatayo kasi ako malapit sa exit dahil inaasikaso ko ang mga bisitang nagpapaalam na at uuwi. Humarap ako sa nagsalita. Alam ko namang si Ryle lang iyon. Kilalang kilala niya talaga ko.

"Don't mind me. I'm going to be fine." sagot ko naman sa kaniya tapos ay bumalik na lamang sa royal chair at kinuha ang cellphone ko.

Sakto namang pagkadampot ko nito ay tumatawag na pala si Zyre.

"H-hello?" bungad ko pagkasagot ko sa tawag niya. Alam na kaya niya? Na umalis sila mom?

"Nandito ako sa likod ng bahay niyo." maiksi niyang sagot sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman agad akong napatingin sa paligid. Busy pa lahat ng mga nag-aayos rito sa backyard. Hindi naman siguro nila mapapansin kung aalis ako sandali.

Dahan dahan akong naglakad habang bitbit sa mga kamay ko ang dalawang magkabilang gilid ng gown ko papunta sa gate sa likod ng bahay upang hindi nila ako mapansin. Dahan-dahan ko rin binuksan ang gate dito upang hindi ako makagawa ng kahit anong ingay.

Nakita kong nandoon nga si Zyre at may hawak na maliliit na mga bato na hinhagis hagis pa niya. Naramdaman niya sigurong nandito ako kaya naman agad siyang humarap sa kinaroroonan ko. Lumapit siya sa 'kin kaya kitang kita ko na ngayon ang malulungkot niyang mga mata. Napansin ko rin na nakasuot pala siya ng tuxedo?

"I'm sorry baby, hindi ko natupad yung plano ko." malungkot na sabi niya sa akin. Nakita ko ring napayuko siya at nagpupunas pa ng mga mata niya.

"Shh it's okay. Maybe.. it's just.. not yet the right time." by this time, ako naman ang nalungkot. Mabilis akong nakaramdam ng mga namumuong luha sa gilid ng mga mata ko. Napakaiyakin ko talaga.

"H-happy.. birthday, my starlight." with his tune, ramdam ko na nalulungkot siya sa mga nangyayari. Ito na rin siguro ang pinakamalungkot kong birthday, dahil nakikita ko ang taong mahal ko na nalulungkot.. nang dahil sakin.

"W-why are y-you wearing t-tuxedo?" nauutal at nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Isn't obvious baby? I want to be part of your birthday celebration.. but I can't be." sagot niya sa 'kin habang pinupunasan niya ang mga luha ko gamit ang dalawang hinalalaking daliri niya.

"Sino namang nagsabing hindi pwede? Pwede pa rin naman tayong magcelebrate diba? Yung tayo lang.. kagaya nang lagi nating ginagawa." sabi ko naman sa kaniya upang mapalakas siya. At tama naman ako, dahil nakita ko siyang napangiti sa akin. Hindi isang pilit na ngiti, kundi tunay, at abot hanggang sa singkit niyang mga mata.

Nabuhayan nga siya ng loob dahil bigla niya kong hinila. Hindi ko alam kung ano nanaman ang biglang pumasok sa isip niya.

"W-wait lang babe, n-naka heels ako at nakagown oh!" medyo napalakas kong sabi sa kaniya na naging dahilan ng paghinto niya. Napatawa na lang tuloy kami pareho dahil para kaming mga prinsepe at prinsesa na tumakas sa palasyo.

Dahan dahan na lang kami naglakad na parang kaming dalawa lang ang nasa paligid. Magkahawak ang mga kamay namin at tumitingin tingin rin kami sa mga tala sa itaas.

"Ang ganda ng moon no?" naaamaze kong sabi sa kaniya habang nakatingin parin ako sa itaas.

"Yeah, just like you..my starlight." napatingin na lang ako sa kaniya at ngumiti. Kumapit ako sa braso niya at dinama ang hangin na dumadampi sa balikat ko.

"Oh isuot mo to." sabi niya pa ulit habang inaabot ang helmet sa akin. Seriously? Magmomotor kami nang ganito ang suot namin?

"Huh? Are you-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil isinuot niya sakin ang helmet na hawak niya. Okay, wala na kong magagawa.

Sumakay na siya sa motor kaya naman sumunod na rin ako sa kaniya. Nahirapan pa kong umakyat dahil nakaheels ako tapos ang bigat bigat talaga ng suot kong gown. Bakit ba naman kasi motor ang dala nito huhu.

Nakatagilid lang ang upo ko sa motor niya kaya sobrang kapit ko rin sa bewang niya dahil baka mahulog sa sobrang bilis niya magpatakbo. Nakikipag-marathon ba 'to?

-

"Suot mo to baby." sabi niya sakin sabay abot nang shirt niya na ipapasuot niya sakin.Nandito kami ngayon sa condo niya. Gusto niya lang raw ako makasama for the rest of the day. Recently pa lang rin daw niya binili ang condo na ito kaya gusto niyang kasama niya ko ngayon.

Nagbihis na ko at tinanggal ang mga make up ko pati na rin ang accesories na ginamit ko. Nakahiga si Zyre sa kama niya kaya medyo nag-aalinlangan akong tumabi sa kaniya, dahil never pa naman kaming nagtabi sa higaan.

"Come here. We wo'nt do anything. I just... want to cuddle with you." pag aaya niya sakin kaya naman tumabi na ko sa kaniya. Kilala ko rin naman si Zyre, alam kong hindi siya gagawa ng mga bagay na ayoko pa. 

He is indeed a man.

ForbiddenWhere stories live. Discover now