Chapter 34

11 1 0
                                    

"You can't love your brother."

WHAT!?

"NO! You're j-just saying that para layuan ko siya! Hindi totoo yan. Zyre could never be my brother. D-diba, Zyre?" sambit ko bago humarap sa kaniya.

Nagulat ako nang bigla na lang siyang tumakbo papalabas, dahilan para sumunod ako ng takbo sa kaniya. Hindi niya ko pwedeng iwan.

Hinabol ko siya at nang maabutan ko siya ay kitang kita ko ang halos walang emosyon nitong mga mata.

"Zyre! Don't tell me naniniwala ka sa kalokahang sinabi ni mom? Hindi totoo 'yun! Niloloko niya lang tayo."

"I saw their picture."

"W-what? What picture?" takang takang tanong ko sa kaniya.

"My mom, and your dad, they have a picture together. And, that's when my mom was still pregnant with me."

"N-no. T-that's just a picture naman, d-diba? B-baka naman magkakilala lang talaga sila? Maybe they're just friends? Zyre naman!"

"Remember when I told you na after akong ipanganak, my father left me? Eleana, more than 1 year after akong ipanganak, you were born!"

Hindi ako makapaniwala na naiisip niya ang mga bagay na 'to ngayon. Bakit parang paniwalang paniwala siya sa mga sinasabi nila?

"S-so? Malay mo coincidence lang, d-diba? Babe naman, wag kang maniwala. Please. Sinasabi lang nila 'yun. I can feel it!"

"Baka kaya ako, tayo, pinaparusahan ng ganito kasi hindi talaga tayo pwede. Our love's forbidden, Canarish."

"C-Canarish? NO! Don't leave me again, Zyre. Please!" pagmamakaawa ko rito habang nag-uunahan ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Maybe. M-Maybe, I can still love you.. as my sister." saad nito bago tuluyang naglakad papalayo.

Napaluhod na lamang ako dahil hindi ko na kaya yung sakit.

-

"Nak, let's talk." tawag sa 'kin ni mom nang mapadaan ako sa sala dahil kumuha ako ng maiinom ko sa kusina.

Tinapik niya ang sofang kinauupuan niya kaya tumabi ako sa kaniya.

"I'm really sorry, nak."

"Is he really my brother? How did that even happen?" diretsong tanong ko rito.

Napahinga ng malalim si mom bago nagsimulang magsalita.

"Zyre's mom was your dad's ex girlfriend. They had been together for so long pero hindi sila makapagpakasal 'coz ayaw ng mama ni Cynthia sa daddy mo. Nagtanan sila pero nahanap pa rin sila ng mga magulang ni Cynthia kaya pinaghiwalay sila for good."

Tahimik lang akong nakinig sa sinasabi ng mommy ko pero sa totoo lang natatakot ako sa pwede kong malaman. Dahil lahat ng sasabihin niya ay maaaring magpatunay na kapatid ko nga si Zyre.

"After almost 2 years nalaman ng dad mo na may anak siya kay Cynthia, pero hindi niya ito napanagutan dahil during those times kami na ng dad mo and I was a month pregnant sayo."

Hindi pa rin ako naniniwala.

"Your dad was so furious nang nalaman niyang you're dating at a very young age, at sa kapatid mo pa. Pero mas lalo siyang galit kay Zyre dahil ito raw ang bunga ng pagmamahalan nilang naudlot dahil sa pagbabawal."

I don't understand. Kung anak niya si Zyre bakit ba siya galit na galit dito? Napakalame ng excuse niya na dahil lang sa bunga ito ng pagmamahalan nilang naudlot dahil sa pagbabawal.

"How sure are you na anak ni dad si Zyre?"

"99.9996%. That's what the DNA test shows."

Hindi pa rin ako naniniwala.

Hindi ko alam pero kahit ano pang sabihin nila, hindi ako naniniwala.

-

Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang malaman namin ni Zyre ang tungkol sa pagkatao namin at halos isang buwan na rin siyang nagpaparamdam. Nagdeactivate siya sa lahat ng social media accounts at hindi sumasagot sa mga text messages at calls ko.

Araw-araw rin akong naghihintay sa usual spot namin, pero kahit kailan hindi ko nakita kahit ang anino lang nito.

Kasalukuyan akong nakatambay sa park ngayon at nakaupo sa duyan. Tinatanawan ko ang mga batang masayang naglalaro nang biglang may lumapit sa akin na may hawak na icecream.

"Mang Raul, kayo po pala." sabi ko at inabot ang binibigay nitong sorbetes tsaka ako nagpasalamat.

"Nak, kamusta kayo ni Alex?" tanong nito sa 'kin. Alex ang tawag nito kay Zyren dahil masyado raw mahirap bigkasin ang first name nito.

Napangiti naman ako nang maalala kong palagi kaming bumibili ng icecream kay Mang Raul nang mga bata pa kami. Ang saya saya namin noon, sana hindi nalang lumipas ang mga panahon at nanatili kami roon.

"Hindi na po siya nagpaparamdam sa 'kin ulit eh. Komplikado po ang mga nangyari."

"Alam mo ija, minsan talaga sa buhay natin eh may mga komplikadong pangyayari. 'Yun bang sobrang gulo, hindi mo maintindihan kung bakit at paano nangyari. Pero lilipas nalang 'yan eh. Kailangan mo lang tatagan ang loob mo at maghintay na malaman ang kasagutang hinahanap mo." pagpapayo nito sa akin na siya namang nagpagaan ng kalooban ko kahit papano.

Tama si Mang Raul. May kasagutan rin lahat ng mga katanungan ko.

Nagpasalamat ako sa kaniya at nagpaalam siyang babalik na siya sa cart niya dahil may mga bata nang bumibili ng sorbetes niya.

Saglit akong natulala sa kawalan nang maisip kong pumunta sa bahay nila Zyre. Tama, bakit ngayon ko lang naisip ito? Masyado akong nagpadala sa kalungkutan ko na hindi ko na naisip pa ang ibang paraan.

Agad akong pumunta sa bahay nila. 

At nang makarating ako ay saktong papalabas ang mommy niya na may bitbit na mga bagahe. 

Aalis sila?

"Tita! Tita Cynthia!" malakas na pagtawag ko rito mula sa gate ng bahay nila.

Hindi ako nito pinansin at abalang binibitbit ang mga bagahe nito.

Nang umabot siya malapit sa gate ay muli ko siyang tinawag.

"Tita! Tita nasan po si Zyre?"

Nakita kong inilapag muna nito ang mga bitbit niya tsaka lumapit sa 'kin.

"Wala si Zyre dito. Isang buwan na."

"P-po? Nasan po siya?"

Umiling iling lang ito at akmang papasok na sa sasakyan.

"Tita, please. Sabihin niyo naman po sa 'kin kung nasaan siya. Parang awa niyo na po." umiiyak kong pagmamakaawa sa kaniya.

"Ayaw niyang ipaalam kahit na kanino. Ang masasabi ko lang, kinailangan na niyang umalis dahil hindi niya na kayang manatili pa rito." saad nito bago tuluyang pumasok sa kotse at umalis.

Naiwan akong tulala at umiiyak sa labas ng bahay nila Zyre.

Iniwan niya na ko.

Iniwan niya na ko ng tuluyan.

ForbiddenWhere stories live. Discover now