Chapter 2

149 60 6
                                    

"Lorraine it's okay. I have to go." madiin kong sabi sa kanila at umalis na.

Nagmamadali akong lumabas ng cafe at sakto namang kadadating lang din ng driver ko na tinext ko kanina para sunduin ako.

Habang nasa biyahe kami, di ko maiwasang mapadungaw sa labas. Nadaanan pa namin yung park kung saan nagsimula at natapos ang lahat samin ni Zyren.

Napapikit ako nang maalala ko yung huling araw na nakasama ko siya sa park. Ang araw bago siya umalis.

"Eleana, halika dito." tawag sakin ni Zyren na nagpahinto sa 'kin sa pagkain ko ng ice cream na binili namin kanina.

"Bakit ba Zyren?" nagtatakang tanong ko sa kaniya dahil kanina lang ay busy siya sa hawak niyang bola.

"10 years na tayong magkakilala, 7 years na tayong magkaibigan, 2 years na tayong magkarelasyon ng patago, 2 years na rin tayong nagsisinungaling sa mga parents nati-" pinatigil ko na siya sa pagsasalita, nawiweirduhan na ko sa mga sinasabi niya.

"Alam ko Zyre. Hindi mo naman kailangang sabihin sa 'kin yan eh."

"Pero kailangan mo pa nga bang sabihin sa 'kin? Bakit!?"

"Wala naman." Huh? Ano daw? Wala lang? I know there's something that is bothering him.

"Zyre, you can't hide anything to me. Hindi ka magaling magsinungaling."

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko. Natulala ako sa mga mata niya. Alam kong ibang iba ito ngayon, wala na yung mga kinang nito na palagi kong nakikita sa tuwing magkasama kami.

"I have to go Canarish." Wait, what? Tinawag niya ko sa first name ko.  Hindi niya ginagawa yun, unless galit siya sakin or may nagawa akong hindi niya nagustuhan.

"Zyre! Are you mad at-"

"I  really have to go now." sagot niya lang sakin at nagsimula nang naglakad.

"Zyre please don't leave me. Kung tungkol yun sa  parents ko, ipaglalaban naman kita eh." nakita kong napatigil naman siya at nilingon ako. Ngumiti pa siya sakin. Isang ngiting pinaparating sa 'kin ang mga salitang 'paalam na' at tuluyan na siyang umalis.

Naiwan akong nakatulala. Is that really a goodbye?  No, this can't be happening. Sinubukan ko pa siyang habulin, pero masyado siyang mabilis kaya hindi ko na siya naabutan pa.

"Ma'am andito na po tayo." natauhan na lang ako nang magsalita ang driver kong si Gilbert. Nandito na pala kami sa bahay. Di ko man lang namalayan yun dahil sa pag-iisip.

Agad akong bumaba sa kotse at umakyat papunta sa kwarto ko.

Napatingin ako sa higaan ko. Hihiga na sana ko pero nakita ko yung paborito kong manika nung bata pa ko. Agad ko itong kinuha at niyakap. Simula pagkabata ko, dito na ko naglalabas ng mga problema ko. Yes, I do have friends, pero minsan mas gusto ko pang kausapin tong manikang to. Kasi never niya kong majujudge, never niyang ipaparamdam sa 'kin na may mali ako. Dahil isa lang siyang laruan, isang laruan na kailanman ay hindi ako sasaktan.

--

Nagising na lang ako nang marinig ko na may nagmessage sakin. Nakatulog na pala ko habang nagdadrama kanina. Agad ko namang tiningnan yung message.

'7:30 sa Cassa Estrella. See yah later baby'
                                  -Jayson

Si Jayson lang pala. Napatingin ulit ako sa cellphone ko at nakita ang oras. 6:30 palang. I still have 1 hour para makapag ayos at makapagready.

Agad kong kinuha ang damit na isusuot ko. It's a black back less dress na above the knee ko lang. I guess mas lalo kong mapapa ibig si Jayson dito sa suot ko.

And ofcourse mas maisasakatuparan ko ang plano ko. Ang ipahiya siya sa mga kaibigan niya.

--

7:20 nang makarating ako sa Cassa. Nagpahatid ako sa driver ko at agad siyang binayaran ng additional money para pagtakpan ako. Di naman ako nahuhuli dahil laging wala sa bahay sina mom and dad.

Pagkaalis ni Gilbert ay dire diretso na akong naglakad. Papasok na sana ko sa loob pero hinarang ako nung guard ng bar.

"Ms. bawal ang menor de edad dito"  saad nung guard habang nakatitig lang sa mga mata ko.

"And how did you know na menor de edad ako?" mataray kong sambit sa kaniya.

"Ka-" naputol ang sasabihin niya nang biglang lumabas si Jayson.

"She's my girl. Let her in." matapang na sabi ni Jayson sa kaniya. 

Ano daw? My girl? Kadiri talaga!

Agad namang nagsorry yung guard at pinapasok na ko. As far as I can remember, 17 palang din si Jayson. So bakit parang nakakapasok siya freely?

"Canarish, welcome to my father's bar" nakangiting sabi sakin ni Jayson. Ahuh! So kaya pala. 

I just rolled my eyes at him.

"Hey! Smile baby, you look sexy and gorgeous with your dress. You'll be more attractive if you also wear your most breathtaking smile" he sounded so flirty with his tune. Anyway sanay naman na ko sa mga ganiyan. Ilang lalaki na nga ba ang nagsabi sakin niyan. Tsk!

I smiled. A fake smile to be exact.

Niyaya niya ko sa isang VIP table at inabutan ng isang wine. Di nagtagal, dumating narin yung mga friends niya. Isa isa niyang pinakilala ang mga ito. I think cute din yung mga friends niya. BUT still, wala parin akong natipuhan sa kanila, not even the guy with the attractive oceanic blue eyes. Halatang may lahi.

After introducing ourselves to each other, we drink more and I danced sexily sa dance floor. Alam kong may tama na rin ako kaya wala na kong pakialam sa ginagawa ko. Kanina ko pa pinaplano na ipahiya si Jayson sa mga friends niya pero sabay sabay naman silang nawala sa paningin ko.

Napahinto ako sa pagsasayaw nang makaramdam ako ng hilo. Pagewang gewang akong naglakad papunta sa cr. At pagkalabas na pagkalabas ko palang ay may lalaking humila sakin.

Sinubukan kong magpumiglas pero masyado siyang malakas at nacorner niya na rin ako sa wall. Lumapit pa siya ng sobra sakin dahilan para maaninag ko ang kaniyang mga mata. Blue eyes?

Isa siya sa mga kaibigan ni Jayson. Yung lalaking sobra kung makatitig sa 'kin kanina, si Andrei. Hindi ako maaaring magkamali.

Ramdam ko na ngayon ang mainit niyang hininga at akmang hahalikan niya na ko sa leeg. Pero napatigil siya nang may biglang sumuntok sa kaniya. Hindi ko na maaninag kung sino yun dahil madilim at nakakahilo ang iba't ibang kulay ng ilaw dito sa loob.

Pero kahit sobrang nahihilo na ko ay meron akong naaninag na isang lalaki sa di kalayuan. A familiar face.

Not just familiar dahil ito ang mukha ng lalaking matagal ko nang hinihintay.

"Z-zyren" bulong ko habang unti unti na kong nawawalan ng malay.

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon