Chapter 33

10 1 0
                                    

No, this can't be happening!

Nang matauhan ako ay agad akong tumakbo papasok ng bahay at paakyat ng kwarto ko. Inilock ko agad ang pinto at nagsimulang umiyak habang yakap yakap si Lili.

Ang akala ko masaya lang talaga sila na nanalo ako, akala ko nagsisimula na silang bumawi sa 'kin. Pero hindi.

Hindi nga siguro nila ako mahal.

"Rish, anak, mag-usap tayo." sigaw ni mom habang paulit-ulit na kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

Ayoko silang makausap. Puro sarili lang nila ang iniisip nila. Matapos nila akong pagbawalan sa mga gusto ko, ilayo sa taong mahal ko, ngayon naman itatali nila ako sa isang taong ngayon ko lang nakilala. Anong klaseng mga magulang sila? Mga wala silang kwenta!

Inilabas ko lahat ng hinanakit ko sa pagbabato ng bawat gamit na mahawakan ko. Pinaghahagis ko lahat ng bakas ng sinasabi nilang pagmamahal nila sa akin, ang mga luho na ibinibigay nila. 

Walang kwenta ang lahat ng ito!

Napatigil ako nang makita ko ang family picture namin noong bata pa ako. Ito yung mga panahon na akala ko sapat nang nabibili nila lahat ng gusto at pangangailangan ko. Masaya na ako noon kapag may mga bago akong gamit. Pero habang tumatagal, narerealize ko na kahit kailan hindi mabibili ng pera ang tunay na kasiyahan. Walang katumbas na bagay ang tunay na pagmamahal.

Kung anu ano pang alaala ang muling pumasok sa isip ko na siya naring nakapagpatulog sa akin.

-

Nang magising ako ay yakap yakap ko pa rin ang manika kong si Lili.

"Buti ka pa, walang problema. Buti ka pa.."

Nagulat ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Tumatawag sina Lorraine.

"Rish, you're marrying him!?" pasigaw at gulat na gulat na bungad na tanong sa akin ni Angela pagkasagot ko ng tawag.

"How did you know?" maiksi kong tanong dahil wala akong ideya kung paano nila nalaman iyon.

"It's all over the news online, Rish." seryoso at diretsong tugon naman ni Lorraine.

What!? So, it's also possible na alam na rin ni Zyre ito. 

"Let's meet sa bahay nila Lorraine, Angela. I need you two now." 

Nang marinig kong um-oo yung dalawa ay agad akong naligo, nagbihis at umalis ng bahay. Mukhang wala nanaman sila mom. Wala talaga silang pakialam sa'kin.

-

Nang makumpleto kaming tatlo ay agad kong niyakap ang dalawang kaibigan ko. Agad akong napahagulgol. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magpakain sa mga nararamdaman ko. 

Hinimas himas ako sa likod nina Angela at Lorraine. At nang kumalma ako ng kaunti ay agad kong kinuwento sa kanilang dalawa ang mga nangyari. Halos hindi makapagsalita si Angela habang si Lorraine naman ay nakakapagtakang umiiyak.

"Lorraine, why are you crying?" tanong ko sa kaniya.

"I-I have to tell you something."

Pareho kaming nag-aantay ni Angela sa sasabihin niya. 

"Remember the days na hindi ako nakapasok? I was sick, really sick. But, aside from that, I was also heartbroken." panimula ni Lorraine. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago muling magsalita.

"Si Kiefer. K-Kiefer was my suitor. Almost 3 months niya na akong nililigawan. I really like him. No, I mean, I think I already love him. Hindi ko nabanggit sa inyo kasi hindi pa naman talaga ako sigurado. But then when I was planning to say yes to him, something happened." paghinto niya muli para huminga ng malalim. 

ForbiddenWhere stories live. Discover now