Chapter 40

11 1 0
                                    

Agad kaming umuwi matapos ang sinabi ni dad sa akin. Nagmamadali ito at tila ba hindi mapakali habang nasa biyahe kami papauwi.

"Dad? What do you mean that you have to tell me something?" tanong ko agad nang makababa kami mula sa sasakyan.

Dire-diretso ito sa paglalakad at walang lingon lingong pumasok sa bahay namin.

"Jayme! Slow down. Ano bang problema mo?" reklamo naman ni mom na ngayon ay hingal na hingal sa paghabol kay dad.

Natatarantang humarap si dad sa amin at nagsimulang magsalita.

"Rish. I don't know how to say this pero-" naputol ang pagsasalita ni dad nang biglang sumingit ang isa sa mga kasambahay namin.

"Ser, pasensya na po. May bisita po kasi si Mam Rish." ani nito.

"Ryle? Anong ginagawa mo rito?"

Hindi ito nagsalita. Sa halip ay niyakap niya agad ako ng mahigpit.

Nang bumitaw siya ay niyaya ko siya sa pool area para makapag-usap kami.

"Why are you here?" nakakunot noong tanong ko sa kaniya.

"I'm sorry, Rish. Hindi ko mapigilan. After I've heard what happened to Zyre, ikaw agad ang hinanap ko. Alam ko kung gaano yun kasakit para sayo pero-" agad kong pinutol ang sasabihin pa nito.

"Why would you care?"

"Alam kong wala ako sa lugar pero tama na, Rish. Patay na siya. 'Wag mo na siyang mahalin!" sabi nito na siya namang ikinataas bigla ng dugo ko.

Wala siyang karapatan na sabihin iyon!

"NO! Hindi ganon kadali yun. You can't unlove a person so easily lalo na kung minahal mo siya ng sobra!"

"Paano naman ako?" maluha luha nitong tanong sa akin.

"Ikaw? Napaka-selfish mo para tanungin 'yan sa 'kin ngayon. Hindi ka ba nag-iisip? Pumunta ka lang ba talaga rito dahil sa tingin mo makakalimutan ko agad si Zyre tapos ikaw na mamahalin ko? Ganon ba?" pigil luha kong tugon sa kaniya.

"S-Sorry." 

Now it makes sense.

Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at agad nang umalis.

Papasok palang ako muli sa bahay nang marinig ko ang malakas na paghagulgol ni mom. Taranta akong nagmadali papunta sa kaniya at tinanong kung bakit siya umiiyak.

Hindi ito makapagsalita kaya naman tumingin ako kay dad na ngayon ay hindi na rin maitago ang pag-iyak.

"Anak, I'm sorry." saad nito.

Kumunot lamang ang mga noo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit siya humihingi ng sorry sa akin.

"Dad, ano bang ibig mong sabihin?" buong pagtataka kong tanong sa kaniya.

"Rish, h-hindi kita totoong anak."

Hindi kita totoong anak.

Hindi kita totoong anak.

Hindi kita totoong anak.

Biglang huminto ang pagtakbo ng oras dahil sa mga katagang sinambit ng daddy ko. Hindi ko siya maintindihan. Paanong hindi niya ako anak?

Huminga muna ito ng malalim bago nagsimulang magkwento ng buong nangyari. At para akong napadpad sa panahon na pinangyarihan nito dahil sa pagkukwento niya.

Flashback

"I'm sorry sir, pero kailangan niyo pong mamili kung sino ang isasalba namin. Ang asawa niyo po ba o ang anak niyo?" ani ng doctor kay Jayme na ngayon ay halos hindi na mapakali sa kinatatayuan niya.

ForbiddenWhere stories live. Discover now