Chapter 5

94 47 6
                                    


"Rish, we have to talk." maawtoridad na sabi sakin ni Lorraine.

Naglakad sila papunta sa isang bench malapit sa library ng campus. Agad naman din akong sumunod sa kanila dahil alam ko kung bakit nila ko tinawag, paniguradong magkakaroon kami ng mala Q and A portion about sa nangyari nung weekend.

"So what exactly happened Rish? I want the full details." tanong sakin ni Lorraine pagkaupo niya sa bench.

"Hey, ayoko ng may kulang ha!" dagdag naman ni Angela. Kahit kailan talaga ang hilig mang asar ng babaeng to.

Wala naman akong ibang magagawa kaya kinuwento ko na sa kanila ang buong nangyari. Simula sa pagtext sakin ni Jayson, sa encounter ko sa guard na humarang sakin, sa pagpapakilala niya sakin sa mga kaibigan niya, sa pagsayaw ko, sa pagkahilo, sa muntik pang paggalaw sakin nung lalaking may asul na mata, sa pagka aninag ko kay Zyren pati na ang pagkawala ng malay ko. Lahat sinabi ko sa kanila and I didn't missed any of the details.

"What? Si Zyren?!" sabay pang gulat na tanong nung dalawa.

"Are you sure siya yun? Eh diba lasing ka tapos nawalan ka pa ng malay. Baka naman imagination mo lang yun." may point si Lorraine sa sinabi niya, pero kahit gaano pa ko kalasing hinding-hindi ko makakalimutan ang itsura ng lalaking minahal ko.

"No girls. Siya talaga yun, hindi ako pwedeng magkamali."

"Baka naman di ka pa lang talaga nakaka move on Rish kaya nakikita mo pa rin siya kahit san ka pa mapatingin." tama naman si Angela, kahit isang taon na ang nakalipas hindi parin ako totally nakakamove on kay Zyre.

"Girl why don't you try to open your heart para sa ibang lalaki? Be serious again, be in love again. Bigyan mo ng chance yung ibang tao na gustong mahalin ka." pag papayo naman ni Lorraine.

I admit na naglalaro nga ko ng feelings ng mga lalaki para tuluyan kong makalimutan si Zyre. Pero sinusubukan ko ring pakiramdaman kung kaya ko bang humanap ng panibagong makakapagparamdam sa 'kin ng tunay na pagmamahal.

"No one reaches my standards." maikling paliwanag ko sa kanila. Totoo naman eh, lahat ng nakikilala kong lalaki pare pareho lang. They just want me because I have the looks, the money and expensive things. They just want me on the outside. Tapos pag nakita nila yung ugali ko, they'll run as if mamamatay tao ako.

"Eh baka naman kaya ka hindi makahanap ng iba kasi pilit mo silang kino compare kay Zyren?" Angela was right, ganyan nga ang ginagawa ko. Hinahanap ko sa kanila yung katauhan ni Zyre.

Napatahimik na lang ako, hindi ko alam kung paano ko sasagutin yung tanong ni Angela. Kasi alam ko sa sarili ko na tama siya.

"Tara na, malelate na tayo sa first class natin." Thank God Lorraine saved me.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa klase namin, humiwalay na rin si Lorraine dahil iba ang course na kinukuha niya.

--

Vacant time namin ngayon, sabi ni Angela pupunta daw muna siya sa library and since ayaw ko munang guluhin siya, I have decided na mapag isa nalang din muna. I went to the cafeteria inside the campus, bumili ako ng food and pumunta narin sa isang vacant table.

While I was busy eating the fries that I bought, may lumapit sakin. Hindi ako nag abalang tapunan siya ng tingin pero bigla siyang nagsalita.

"Miss, may I join you?" isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya agad akong napatingin.

"Ryle?" nakita kong nagulat rin siya na nakita niya ko.

"Uy bunso anong ginagawa mo dito sa H.U?"

"Nandito ako kasi dito ako nag-aaral?" natatawang tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko naman akalaing dito ka rin pala nag aaral sa Hanson University, medyo malayo na to sa bahay niyo ah."

"Yeah I know, pero isa kasi sa mga shareholders si dad dito."

"Hmm I forgot, ganun nga pala kayo kayaman. Anyway, ako naman nakakuha ng scholarship dito."

"Wow kuya, I'm so proud of you!" natutuwa kong sabi sa kaniya.

Sobrang proud talaga ko sa kaniya. Matagal niya nang gusto makapag-aral sa isang magandang university and luckily he finally made it.

Matagal pa kaming nakapag kwentuhan dahil vacant time din pala nila. Napag alaman kong  BSHRM (BS in Hotel and Restaurant Management) pala ang kinukuha niyang course. Iyon rin ang gusto kong kunin pero BSBA (BS in Business Administration) ang pinakuha nila mom sa 'kin dahil ako raw ang susunod na magmamanage ng business namin - a fact that I really hated the most.

Business ang dahilan kung bakit nawawalan ng time sakin ang parents ko. Lahat na lang ng gusto ko hindi pwede, lahat nalang bawal. As if everything I want is forbidden, everything I want is not meant for me.

Bakit ba kasi may mga bagay na kahit anong pilit nating abutin o kunin ay hindi pwede satin? 

I can't have the course that I want. 

I can't have the love that I want.

I can't have him.


I can't have Zyren.

ForbiddenWhere stories live. Discover now