Chapter 9

80 45 4
                                    

Pagkatapos nun ay nagpatuloy kami sa paggawa ng saranggola and this time mas naging maingat na ko. Ayoko ng masaktan pa ulit.

Nang matapos na kami sa paggawa, natanaw kong may isang batang babae ang papalapit sa amin. May dala dala siyang basket at isang jug.

Nang makalapit na siya sa 'min ay napag alaman kong kapatid rin pala siya ni Ryle. Pinadalhan raw kami ni Nay Nenita ng tanghalian kaya nandito siya. Pagkahatid niya ng pagkain namin ay umalis na rin siya.

Nilabas ni Ryle ang mga pagkaing nasa loob ng basket. May pritong isda, ginisang kamatis, sunny side up egg at meron ding manggang hinog. Arghh ang sarap kumain ah.

"Uhmm R-ryle a-ayoko ng-"

"Ng isda? Alam ko, kaya nga may sunny side up egg diyan eh." aww pati mga little details tungkol sakin alam niya.

"Tara kain na tayo." pag aaya ko sa kaniya.

Sinandukan niya ko ng kanin tapos nilagyan niya narin ako ng ulam sa plato. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang makipag chikahan parin.

"Andami niyo palang magkakapatid no?" panimulang tanong ko sa kaniya. Napag alaman ko kasing walo pala silang magkakapatid. Nginuya niya muna yung kinakain niya bago sumagot.

"Ganon talaga pag masipag." natawa naman ako sa sinagot niya kaya napahampas ako sa balikat niya.

"Ganon ba yun?" sabay hagalpak ko ng tawa at napahampas pa sa braso ni Ryle. "Sorry nalagyan ka tuloy ng kanin sa damit." nagkakamay kasi kami habang kumakain para daw mas feel.

Nagtatawanan pa kami habang kumakain at nagkukwentuhan.

Nang matapos kami ay naghugas kami ng kamay mula sa tubig nong jug. Niligpit na rin muna namin yung mga pinagkainan namin bago tumayo at kinuha na yung mga saranggolang ginawa namin.

3pm palang ngayon pero hindi na masyadong mainit dito. Sakto lang din daw yung hangin para sa pagpapalipad ng saranggola.

"Ganito magpalipad ng saranggola." panimulang pagpapaliwanag ni Ryle habang hinahawakan yung dulo ng saranggola at sinulid.

Ginagaya ko naman yung ginagawa niya pero hindi ko mapalipad lipad yung sa 'kin tapos nasira pa at natanggal sa pagkakadikit yung tingting.

Nalungkot naman akong napaupo sa bato dahil hindi naging successful yung pagpapalipad ko. Naramdaman ko namang lumapit sa 'kin si Ryle, mukhang icocomfort niya nanaman ako.

"Bakit nasira yung saranggola ko?" nakabusangot kong tanong sa kaniya.

"Kasi hindi matibay yung pundasyon mo. Lahat ng hindi matibay nasisira yan, parang relasyon lang, Rish. Kung hindi kayo strong enough to hold each other, for sure hindi yun magtatagal at masisira." ang lalim naman magpaliwanag ng lalaking to. Saranggola lang yung usapan tapos napunta na sa relasyon.

"Eh pano kung ginawa mo naman yung lahat para hindi masira pero nasira padin?"

"That's the point. Ikaw lang kasi yung gumawa ng paraan para hindi masira. Dapat pareho kayong magbigay ng effort. Pero anyway, yung saranggola ko nalang paliparin natin. Tayo na diyan."

Tumayo naman ako at sumunod sa kaniya. Pinahawak niya sakin yung saranggola niya at tinuruan niya ko kung pano iyon papaliparin ng maayos.

Nang hindi ko parin magawa ay pumunta siya sa likuran ko. Mula sa likod ko ay  hawak hawak niya yung kamay kong may hawak na saranggola. Para tuloy siyang naka back hug sa 'kin habang tinuturuan niya ko kung pano magpalipad nito ng tama.

At dahil hindi ako makapagconcentrate, hindi ko naiintindihan yung mga sinasabi niya sakin.

"Hoy Rish nakikinig ka ba?" shocks buti nalang nasa likod ko siya ngayon kung hindi baka makita niya yung mukha kong namumula na siguro dahil sa pagkapahiya.

"Ah o-oo naman hehe." Rish umayos ka ng sagot, baka mahalata ka niyan, baka asarin ka pa grrr.

"Basta tandaan mo lang, hawakan mo ng maigi at wag mong bibitawan pa." pagkasabi niya nito'y binitawan niya ang kamay ko at umalis na rin sa likuran ko.

"Oh ayan, marunong ka na." pagpupuri niya pa sakin.

Ngumiti ako sa kaniya at niyakap ko siya.

"Thank you." maiksing sabi ko sa kaniya at naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik na parang pinaparating sakin na always welcome ako sa pagpapasaya niya.

--

Almost 5pm na nung nakabalik kami sa bahay nila. At dahil nagutom nanaman si Ryle, niyaya niya ko na pumunta sa court daw dito. Marami raw nagtitinda dun ng mag meryenda.

Nagpaalam muna kami ni Ryle sa mga kapatid niya at kay Nay Nenita. Pumayag naman sila at sinabihan lang kami na wag kaming magpagabi.

--
Naglakad lang kami papunta sa court dahil malapit lang naman daw yun. Pagkarating namin ay nakita ko ang mga nakahilerang street foods. Never pa kong nakatikim ng mga yun pero mukha namang masarap.

"Wag ka mag alala malinis yan." pagsesecure naman ni Ryle sakin habang namimili siya ng bibilhin.

"Ano yung kulay orange?"

"Ah ayan, kwek kwek yung tawag sa malaki tapos tokneneng naman yung maliit."

"Eh ano naman pinagkaiba niyan?"

"Yung malaki kasi itlog ng manok tapos yung maliit naman itlog ng pugo."

"Oh quail eggs. Masarap yun ah."

"Tara try natin."

Tinikman namin lahat nung pagkain dun. And to be honest, mas masarap pa to sa mga kinakain ko sa mansyon.

"Thank you talaga kuya, I've really enjoyed this day. Dito ko lang naranasan yung mga bagay na never ko pang nagawa, tapos super saya pala." masaya talaga ko sa lahat ng nangyari ngayong araw, sana magawa ulit namin to.

"You're always welcome bunso. Gusto ko rin talagang matry mo yung mga bagay na parang pinag kakait sayo dahil lang sa salitang 'mayaman kayo'. Pero di pa tapos tong araw na to ah, ano pang gusto mong itry?" saktong pagkatanong niya ay ang biglaang pagbuhos ng ulan. Nakita kong mabilis na nagsilabasan ang mga bata para maligo sa ulan kaya nakaisip ako ng idea.

"Ligo tayo sa ulan?" never ko paring natry maligo sa ulan dahil pinagbabawalan ako ng parents ko. Sakitin kasi ako. Especially, nung bata pa ko.

"P-pero baka magka-" pinahinto ko siya sa pagsasalita. Ayokong masira ang araw na to. Gusto ko tong maexperience kaya gagawin ko to.

"Tara na!" wala na siyang nagawa pa dahil hinila ko na siya agad. Masaya kaming naligo sa ulan. Wala na kong pakialam kahit nabasa pa yung suot kong relo. All I know is I'm happy right now.

ForbiddenWhere stories live. Discover now