Chapter 11

61 33 2
                                    

"Tara kain na tayo tapos maligo ka na para maihatid na kita sa inyo." sabi niya at nagsimula ng maghanda ng pagkain namin.

"Hmm it taste really good kuya." pagpupuri ko sa kaniya habang nginunguya ko yung pagkaing nasa bibig ko.

"Good lang?" nagtataka niya namang tanong sakin. Nakalimutan ko, future chef nga pala itong nasa harapan ko.

"Hmm okay, I admit, it's really delicious. Pwede ka ng magtayo ng sarili mong restaurant." totoo naman eh, napakasarap niyang magluto. Who knows baka matalo niya pa yung mga sikat na chefs ngayon.

"Wanna know my secret?" aba may pasecret pa lang nalalaman to ah.

"Well if it's a secret, why would you bother to tell me?" nagtataka ko namang tanong sa kaniya.

"Because you're special." maiksi niya namang sagot sakin. Ito talagang lalaking to di ko matantsa eh, minsan parang nagsspeech dahil sa haba ng sinasabi, minsan naman parang binabayaran yung salita niya dahil sa iksi. 

Wait. Ano nga raw? Special ako? Ahh oo nga pala, bestfriend niya ko.

"Special, as in special child?" tanong ko sa kaniya sabay tawa ng kaunti.

"Hmm maybe." aba bwisit to ah, di man lang tumawa.

"Ang tipid naman, mais ba?" tanong ko naman sa kaniya.

"Bilisan mo na kumain, ihahatid na kita sa inyo." sagot niya naman habang seryosong seryoso sa pagkain niya.

"Fine." nakabusangot na sagot ko naman sa kaniya. Napaka moody naman ng lalaking to, parang nireregla eh.

Kagaya ng sabi niya ay binilisan ko na lang ang pag-kain ko at agad na ring naligo. Pinahiram naman niya ko ng shirt niya kaya parang naging oversized shirt naman ito sa 'kin at sinuot ko na lang ulit yung pinahiram ng ate niya.

--

Nang makauwi ako sa bahay ay nadatnan kong wala nanamang tao maliban sa mga guards and maids namin. Sabagay, sanay naman na ko na lagi silang wala rito.

Agad akong dumiretso sa kwarto at balak ko sanang magbihis na. Pero dahil tinamad ako, hindi na ko nagbihis at agad nang tumalon sa kama ko.

--

Naglalakad ako papunta sa locker para kunin yung book para sa History class namin mamaya nang biglang hinarang ako nina Lorraine at Angela. Okay, alam ko na kung anong kailangan ng dalawang to.

"Dianna Lorraine Villanueva, Angela Anna Racella Delgado wala akong maichichika sa inyo." pinangunahan ko na sila dahil paniguradong kukulitin nanaman ako ng dalawang  to.

"Wala kang maitatago sa 'min Canarish Eleana Salcedo Buenavista. Oh complete na complete na yan ha." ani Angela habang iniikot ikot pa sa daliri niya yung curly brown hair niya.

"Rish, just tell us. Di ka titigilan niyan ni Angela." sabi naman ni Lorraine. She's right, si Angela ang pinakamakulit sa 'ming magkakaibigan and she won't stop hangga't di ko sinasabi kung anong nangyari kahapon.

"Fine. We just went to his house." maiksing paliwanag ko sa kanila. Tinatamad na talaga ko magkwento eh.

"W-what? Anong ginawa niyo dun?" gulat na gulat na tanong naman sakin ni Angela.

"Seriously? Pinaghihinalaan mo kung anong ginawa namin sa bahay nila?" wth, alam naman nilang bestfriend ko si Ryle eh.

"Eh ano ba kasing nangyari?" pag uusisa naman ni Lorraine. Ito yung pinakamatured sa 'min eh, pinaka mapang-usisa rin.

"We just played, ate and made ourselves wet." sabi ko sa kanila na halatang nagpagulat sa kanila.

"WHAT?" gulat na gulat at sabay na sabay na tanong nung dalawa. HAHAHA I knew it. Alam kong iba talaga iisipin nila sa sinabi ko. These girls are really green minded. Hays.

"Look at your faces," di ko mapigilang tumawa sa mga mukha nilang di parin matigil sa pagtataka. "We just played chinese garter, made a kite, eat lunch under the shade of trees and above those green grasses and play under the falling rain. That's it.

"Oh okay." sabay ulit nilang sabi na nahalata kong medyo kumalma naman na.

"Eat lunch under the trees and above those green grasses huh. Napakaromantic naman ng pagkakadescribe mo." pang aasar naman ni Angela nang mahimasmasan siya.

"So, what's romantic?" rinig kong bulong ng nasa likuran ko. It's Ryle. Bigla bigla na lang talagang sumisingit tong lalaking to.

Pumunta siya sa harap ko at pinisil yung magkabilang pisngi ko. "Are you okay now?" sabay tanong niya naman sakin.

"I'm good. Thanks." maikli ko namang sagot sa kaniya.

"Hmm too sweet to be bestfriends." rinig kong bulong ni Angela na halata rin namang gusto niyang iparinig samin.

"Oh hi, Mr. Ryle!" bati naman ni Lorraine kay Ryle na halatang medyo nagpapacute pa.

"So, magkakilala kayo?" tanong ko kina Ryle at Lorraine.

"Uhm yeah, same kami ng class sa History, kay Ms.Fontella." sagot naman ni Ryle. Oh okay, kaya pala. HRM student si Ryle, samantalang Engineering naman si Lorraine.

"Angela, let's go. Baka malate tayo." sabi ko naman sabay hila kay Angela.

Narinig kong nagpaalam pa sila Ryle at Lorraine pero hindi na ko lumingon pa at itinaas nalang ang kamay ko at nagwave.

--
It was already class dismissals nang maisipan kong tumambay muna sa likod ng I.T building. Dun ako madalas tumambay kapag gusto kong magpahangin dahil aside from it is beside the park ay wala ring masyadong pumupunta dun. Tambakan na kasi dun ng mga sirang chairs from high school department.

Naglalakad na ko papunta sa isang upuan na kung saan matatanawan talaga yung katabing park nang may narinig akong  nag sstrum ng guitar. Hinanap ko pa kung san yun nanggaling at nakita ko namang nasa itaas ng puno yung tumutugtog. Nakaupo siya sa isang malaking sanga nitong punong hindi naman ganon kataasan kaya madali lang akyatin.

Hindi ko masyadong makita yung mukha niya dahil naka sumbrero siya pero nagulat ako ng nagsimula siyang kumanta.

Susungkitin mga bituin,
para lang makahiling
na sana'y maging akin,
puso mo at damdamin

Kung pwede lang,
kung kaya lang,
at kung akin ang mundo
ang lahat ng ito'y
iaalay ko sayo 

Dahil sa boses na yun ay nakilala ko kung sino ang taong nasa itaas ng puno at naggigitara.

None other than, Zyren Alex Chua. Ang lalaking nagpasaya sa 'kin ng ilang taon at ang lalaki ring iniwan ako nang magkaroon siya ng pagkakataon.

Napansin niya sigurong may ibang tao na sa lugar, kaya naman tinanggal niya ang kaniyang sumbrero at agad na bumaba sa puno.

"Eleana?" rinig kong tanong niya sakin. Kitang kita sa singkit at kulay hazel brown nitong mga mata ang gulat dahil sa nakita niya ko.

Hindi pa rin ako makasagot dahil hindi ko maiwasang titigan siya. Titigan ang lalaking nang iwan na lang sa 'kin bigla. Matangkad siya, maputi, may matangos na ilong, makakapal na kilay at mapupulang mga labi.

Unti unti nang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nang makita ko siyang papalapit na sa 'kin ay agad akong tumalikod at tumakbo papalayo.

ForbiddenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin