Chapter 14

62 30 3
                                    

Walang gana ko namang nilingon yung sinasabi niya at nagulat ako sa nakita ko. Si Zyre. May hawak siyang bouquet of sunflowers habang unti unting lumalapit sa kinaroroonan namin.

Narinig kong nagtitilian ang ilang mga babae at mga feeling babae sa paligid namin. At nang inabot ni Zyre yung flowers ay mas lalo pang lumakas ang mga tilian nila.

"Let me court you again my Eleana." sabi niya sabay ngiti na lalong nagpasingkit sa mga mata niya. I miss those smiles. 

Pero dapat na nga ba kong magpahulog muli sa mga nakakamatay niyang ngiti? Handa na ba ko ulit?

"Let's talk." sabi ko sa kaniya. Iniwan ko muna yung mga bulaklak kina Lorraine at nagsimulang naglakad. Naramdaman ko namang sumunod siya sakin.

Nagtungo ako sa likod ng I.T building at doon ko balak kausapin ng maayos si Zyre. Dahil dun walang tao at walang ibang makiki chismis.

"Sorry sa lahat Eleana." sabi niya sakin sabay lumuhod pa na parang nagmamakaawa.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na maawa rin sa kaniya. Kaya agad ko siyang pinatayo at hinirap siya sakin.

"Sorry." muli niyang sabi sakin.

"Alam mo Zyre, naiinis ako sa sarili ko kasi ang rupok ko. Isang sorry mo lang, okay na ulit. Isang ngiti mo lang, mahuhuli mo na ko ulit. I hate myself dahil ganito kita kamahal." hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha.

"M-mahal mo parin ako? Kaya ba hanggang ngayon di mo pa pinapagupitan yang buhok mo?" tanong niya naman sakin. Naalala ko na sinabi ko sa kaniya na yung buhok kong mahaba ang sumisimbolo sa pagmamahal ko sa kaniya.

"Bakit ba ang haba ng buhok mo Eleana? Hindi ka ba naiinitan?" tanong sakin ni Zyre habang tinutulak niya ang swing kung saan ako nakaupo.

"Eh kasi Zyre, itong buhok na to ang sumisimbolo sa love ko for you. Habang tumatagal ay mas lalong humahaba. Kaya kahit maging lola pa ko ay hindi ko papagupitan hangga't kasama pa kita." paliwanag ko naman sa kaniya.

"So, pag pinagupitan mo yan, di mo na ko love?" tanong niya at alam kong base sa tono niya ay nakapout siya.

"Hmm oo, pero di naman siguro mangyayari yun. Pwede ring pag pinagupitan ko to ay ibig sabihin pinapalaya na kita. Baka kasi dumating sa point na ako naman ang di mo na love." sa puntong to ay ako naman ang nagpout.

"Sus di yun mangyayari." maiksing sabi niya naman sakin.

"Oo Zyre. Ikaw pa rin pero ayoko na. Pagod na rin ako." sagot ko sa kaniya na nagpatulo ng kaunting luha sa mga mata niya.

"My starlight," rinig kong sabi niya sabay tingin ng diretso sa mga mata ko. "Ikaw lang ang minahal ko, pwede bang kalimutan mo na lang yung nangyari dati. Gagawa na lang tayo ng panibagong memories. Please Eleana. Forgive me."

"The mind may forget Zyre, but the heart will always remember. Kaya kahit anong pilit kong paglimot sa ginawa mo, sa pag-iwan mo, naaalala pa rin nito." sabi ko pa sa kaniya sabay turo sa dibdib ko.

"I'm sorry for that. Pero diba sinabi ko naman sayo na hinding hindi kita iiwan ng dahil sa gusto ko lang at sa sarili ko lang na dahilan. Please believe me, hindi ko ginusto yun." sabi niya naman at patuloy na nagmamakaawa sakin. Muli ko namang naalala yung sinabi niya sa akin noon.

"My starlight, I promise you na hinding hindi kita iiwan." bulong sakin ni Zyre habang nasa ilalim kami ng bilyon-bilyong mga tala. Nakasandal ang ulo ko sa kaniyang balikat.

"S-starlight?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Yeah, because you are as beautiful as the stars above the skies and you are making my life as bright as your light ." nakangiting saad niya sakin. I was so amazed by his words, walang mag aakalang 15 years old lang siya dahil sa galing niya sa pananalita. I was just 14 years old by that time kaya mababaw pa ang kilig ko.

"But what if magkaroon ng maraming hindrances, will you still stay?" tanong ko sa kaniya habang unti unti akong pumupunta sa harap niya. I want to see his eyes habang sinasabi niya ang mga isasagot niya.

"I won't leave you sa sarili ko lang na dahilan. If I leave you, always remember that it's not my choice." naluha ako sa sinabi niya. So may possibility parin na iwan niya ko?

Umalis na lang ako dahil hindi ko na kinaya pa. Kakausapin na lang siya kapag ready na ulit ako.

"I'll wait for you Eleana, kahit anong mangyari." rinig ko pang pahabol niya pero dumiretso parin ako at hindi nagpaapekto.

ForbiddenWhere stories live. Discover now