Chapter 38

9 1 0
                                    

"Zyre!" sigaw ko habang unti-unting napapaluhod sa gilid ng higaan niya.

Sobrang sakit na nakikita siyang ganon ang kalagayan. Halos hindi ko makilala ang mukha nito dahil sa itsura niya ngayon. Sobrang payat na nito at napakaraming mga maliliit na tubo ang nakakabit sa iba't ibang parte ng katawan niya.

"Thoracic Aortic Aneurysm." rinig kong sabi ni Tita habang nakatalikod ako.

Humarap ako sa kaniya habang patuloy ang pag-agos ng mga luha ko.

"Nanghihina na raw yung puso niya. Pwede raw mag-cause ng rupture or mapunit yung aorta niya, and, pwedeng maging dahilan ito ng life-threatening internal bleeding."

Hindi ko akalain na ganon pala kaseryoso ang sakit ni Zyre.

"Sabi ng doctor, bata palang ito ay may mga symptoms na siyang nakikita kay Zyren. Kaya when you were younger, kinailangang umalis siya ng bansa. Hindi niya ginusto 'yun. Nagpupumilit siyang sa Pilipinas nalang magpagamot pero hindi kaya, hindi pwede. That's why we left." dugtong pa ni tita.

Ibig sabihin, ito pala ang dahilan na sinasabi niya noon?

"I won't leave you sa sarili ko lang na dahilan. If I leave you, always remember that it's not my choice." naluha ako sa sinabi niya. So, may possibility pa rin na iwan niya ko?

Muli kong naalala ang mga sinabi niya sa akin noong mga bata pa kami. Tama nga siya, hindi niya ko iniwanan ng dahil sa kagustuhan niya. At, parang ganon ulit ang nangyari ngayon.

"T-Tita, is surgery an option?" nanginginig kong tanong rito.

Hindi naman ito agad nakasagot at bigla nalang humagulgol. Umupo ito sa may couch kaya naman tinabihan ko siya at hinimas himas ang kaniyang likuran.

"U-Unfortunately, no. Masyado raw kasing risky at pwede siyang.. mamatay." sambit nito saka muling humagulgol.

Napatulala na lamang ako at muling nakiramay sa pag-iyak ni tita. Waring mga ulan ang luha ko dahil nag-uunahan itong bumagsak. 

Lumipas na lamang ang bawat minuto na halos mag-iyakan lang kami ni Tita. Pero nang mahimasmasan kami pareho ay itinanong ko sa kaniya ang tungkol sa 'min ni Zyre.

"Uhm, tita, sorry po ah. I mean, I know it is not the right time pero, is it really true na kapatid ko si Zyre?" nagpunas muna ito ng mga luha niya bago humarap sa akin.

Tumango lang ito bago kinuha ang cellphone niya. Ipinakita nito sa akin ang picture ng DNA test ni Zyre at ni dad. Tama nga si mom, 99.9996% ang results ng paternity test ng dalawa.

"I was young. Pero alam ko nagmahalan kami ng daddy mo. But, life is unfair. Ipinagkait sa amin ni Jayme ang pagmamahalan namin. My parents doesn't like him kaya inilayo ako ng mga ito sa kanila. So, nagtanan kami. But then, nahuli pa rin kami. At kahit nalaman nila na nabuntis ako nito ay inilayo pa rin nila ako." pagkukwento ni Tita sa akin.

"Bakit po kaya galit si dad kay Zyre kung alam niya na anak niya 'to?"

"Galit kasi sa 'kin ang dad mo dahil hindi ko siya ipinaglaban. Kaya pati sa anak niya galit din siya. Masama ang loob nito sa 'min." paliwanag sa akin ni tita.

May itatanong pa sana ako kay Tita pero nagulat kami pareho dahil biglang nangisay si Zyre sa higaan niya. Nataranta kami pareho at hindi alam ang gagawin.

Wala sa wisyo si tita kaya naman ako na ang tumakbo para tumawag ng doctor.

Pareho kaming naghihintay sa labas ng kwarto ni Zyre habang chinicheck siya ng doctor niya at nurses. Nakasandal naman si Tita habang patuloy na umiiyak sa dinaranas ng kaniyang anak.

ForbiddenWhere stories live. Discover now