Chapter 7

71 45 0
                                    

Apat na araw na mula nung magkita kami ni Ryle sa campus ng H.U. Today is Saturday,  at eto rin yung araw na hinihintay ko kasi mamamasyal daw kami ni Ryle. Makakaalis na rin ng bahay sa wakas.

At dahil sa sobrang pag kaexcite ko, 6 am pa lang nagising na ko. Hindi ko alam pero I feel like this day, will be a happy and special day.

Nangingiti akong bumangon at bumaba ng hagdan para magtimpla ng gatas. Nang makababa na ko ay may narinig akong nag uusap sa living room.

"Ma'am, pwede ko po bang ipasyal si Rish?" kung di ako nagkakamali si Ryle yun. Aba ang aga niya naman magpaalam sa mommy ko.

"Ah sige tanungin mo nalang siya, I really have to go. Ihatid mo na lang siya dito. You can use her car." rinig kong sabi ni mommy. Halatang nagmamadali siya. Grabe talaga to si Ryle, ang lakas kila mom.

Hindi ko alam kung bakit pag pinapaalam ako ni Ryle laging okay lang sa parents ko. Pero kapag si Zyre dati laging bawal - hindi pwede. Hays Rish, kalimutan mo na nga yung lalaking yun. Iniwan ka niya. So stop.

Bigla ko namang naalala yung sinabi sakin ni Lorraine nung nag usap usap kami.

"Girl why don't you try to open your heart para sa ibang lalaki? Be serious again, be in love again. Bigyan mo ng chance yung ibang tao na gustong mahalin ka."

Teka. Bakit ko ba naalala yun? Ryle is my bestfriend, my kuya. No more, no less.

Tinamad na kong magtimpla ng gatas kaya bumalik na lang ako sa taas. Di pa pala ko nakakapaghilamos. Nakakahiya naman kung ganito ako magpapakita kay kuya.

Lorraine has requested you to join the video call..

Ang aga pa para sa chikahan ah, may pavideo call na agad tong mga to hays. Wala naman akong choice kaya sinagot ko na rin.

"So ano meron?" mataray kong bungad sa kanila. Gusto kong ipakita na naiinis ako dahil masyado pang maaga.

"Let's hangout Rish!" rinig kong sabi ni Angela sa kabilang linya.

"Di ako pwede." maiksi kong sagot sa kaniya.

"At bakit naman hindi Rish? Weekend ngayon. And I'm sure kahit di ka payagan ng parents mo eh kayang kaya mong tumakas." Lorraine said tapos natawa pa siya ng bahagya.

"Eh baka naman may date. Bago nanaman ba yan sa mga laruan mo Rish?" grabe talaga to si Angela mang asar. Grrr!

"Shh! Shut up girls. Gagala lang kami ni kuya."

"Kuya? Rish wag kami, only child ka baliw!" muling pang aasar ni Angela sakin.

"'Pag kuya kapatid na agad ganon?" natatawa ko namang tanong sa kanila.

"Hmm sabagay. Eh sino ba kasi yun? Pinsan mo?" tanong naman ni Lorraine sakin.

"No. Yung boy bestfriend ko na kinukwento ko sa inyo before."

"Oh your-so-called-kuya 'Ryle'?" magkasabay pang tanong nung dalawa.

"Uhmm yeah?"

"Hmm Rish ingat ka. Baka yung tinatawag mong kuya makatuluyan mo pa." napairap na lang ako sa sinabi ni Angela.

"You know what girls, maliligo na ko. Kanina pa naghihintay si Kuya sa baba. Bye!" paalam ko na sa kanila at nagleft na sa vc.

Kagaya ng paalam ko sa kanila ay agad na rin akong naligo at namili ng isusuot ko. At dahil hindi ko pala alam kung saan kami pupunta, nagpambahay na lang muna ako at bumaba para taanungin si Ryle.

"Goodmorning bunso!" masigla niyang bati sakin habang nakangiti.

"Goodmorning din." sagot ko sa kaniya at sinuklian din siya ng ngiti ko.

"Uhm saan pala tayo pupunta ngayon kuya? I don't know what to wear eh."

"Basta. Kahit ano nalang isuot mo."

"What? Eh pano kung mag suot ako ng jeans tapos maliligo pala tayo sa dagat?"

Nakita kong napatawa muna siya bago sumagot.

"Basta magsuot ka nalang ng simple lang ganon."

"Hays fine." pagsuko ko sa pagtatanong at umakyat na rin papunta sa kwarto.

Hindi ko pa rin alam kung anong isusuot ko kaya nagsuot na lang ako ng plain white v-neck shirt, highwaisted jeans tsaka white shoes para kahit simple, casual pa rin tingnan.

Naglagay din ako ng konting mascarra sa pilik mata ko tsaka lip gloss lang. Humarap ako sa salamin at tiningnan ko ang sarili ko. Nang makuntento na ko sa itsura ko ay agad narin akong bumaba.

"Let's go." pag aaya ko kay Ryle na halatang nagustuhan ang pagiging simple ko ngayon. Most of the times kasi naka make up talaga ko dahil yun ang nakasanayan ko.

"Mas maganda ka kapag simple lang." pabulong na sabi niya pero sakto lang para marinig ko.

"Nasan car keys mo?" tanong pa niya para hindi ko na pansinin yung sinabi niya kanina.

Inabot ko naman sa kaniya yung susi ng kotse ko at sabay na kaming lumabas.

Pinagbuksan niya pa ko ng pinto ng kotse at pumasok na rin siya sa kabila.

"Mag seatbelt ka bata."

"Alam ko po kuya, ako kaya may ari ng kotse na to no!" sabi ko at sinunod na rin ang sinabi niya. Napatawa naman siya sa sinabi ko at agad nang nag drive.

Isang oras na kaming nasa biyahe pero di pa rin kami nakakarating. Di naman masyadong traffic kaya di na ko mapakali at nagtanong nanaman ako sa pang-sampung pagkakataon.

"Malayo pa ba?"

"Malapit na, easy ka lang." Eh kanina niya pa sinasabing malapit na eh. Pero hanggang ngayon di pa kami nakakarating diyan sa 'malapit' na yan.

Nagulat naman ako nang dumaan kami sa drive thru ng paborito kong fast food chain. Umorder na rin siya at sa palagay ko medyo marami din yun.

Pagkaabot niya sakin ng mga inorder niya ay nahiya naman ako. Alam kong hindi mayaman sila Ryle at ngayon nag-aaral na siya ulit. Baka maubos yung perang ipon niya.

"K-kuya parang a-andami naman ata nito. B-baka wala ka ng pera para sa allowance mo ah."

"Ano ka ba, pinag-ipunan ko talaga tong gala natin na to. May nakareserve na talagang pera para sa araw na to. Ayoko namang ikaw ang gumastos eh ako ang nag-aya." pagpapaliwanag niya sakin kaya naman lalo akong napahanga sa kaniya. Napaka gentleman talaga ng taong to.

"Tsaka hindi lang tayo ang kakain niyan." dugtong niya pa na nagpataka sakin.

"H-huh?"

"Basta. Malalaman mo rin naman mamaya. Sa ngayon, kumain ka na muna diyan."

Kumain na nga ako gaya ng sabi niya at dahil sa tingin ko ay gutom na rin siya, sinusubuan ko nalang siya ng fries habang nagdadrive siya.

Makalipas ang isa pang oras ay sa wakas huminto na rin siya sa pagdadrive.

"Andito na tayo." sambit niya nang makababa na siya at pinagbuksan pa ulit ako ng pinto.

ForbiddenWhere stories live. Discover now