Chapter 39

10 1 0
                                    

"Time of death, 3:18 am." 

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang eksaktong oras nang tuluyan akong iwanan ni Zyre. 

Tulala at walang gana kong inayos ang mga gamit ko. 

"Rish, nak, n-nakuha ko na 'yung abo ni Zyren." malungkot ang tonong sabi ni Tita Cynthia.

Sinama ko siya sa hotel na tinuluyan ko para sabay na kaming uuwi sa Pinas. Hinintay lang namin na makuha ang cremated body ni Zyre upang maisama ito pag-uwi namin.

Saglit kong tinapunan ng tingin ang urn na kinalalagyan ng abo nito.

"Tita, p-pwede ko po muna hiramin si Zyre?" nag-aalinlangan ko pang tanong sa kaniya.

Tumango lang naman ito at iniabot sa akin ang urn bago ito lumabas ng kwarto ko.

"Zyre, andaya mo naman eh. Kala ko pa naman makakapagsimula ulit tayo bilang magkapatid. Bakit naman ganon?" ani ko sabay punas ng luhang pumapatak mula sa mga mata ko.

Napapikit ako at muli kong inalala ang mukha ni Zyre, ang masaya at masigla nitong mga mata.

He calls me his starlight.

He calls me his sunshine.

He calls our bikes sun and moon.

How ironic it is that he always coordinate us with something related to galactic stuffs and now it represents us.

Dahil katulad lang din siya ng buwan, iniwan niya ko nang dumating ang araw.

Napatigil nalang ako sa pag-iisip nang biglang nag-alarm ang cellphone ko. Oras na pala para umalis kami.

-

Nang makasakay kami sa eroplano ay may iniabot sa 'kin si Tita.

"I almost forgot to give this." ani nito.

Tumango nalang ako sa kaniya at inabot ang papel na ibinibigay niya. Binuksan ko ito at nagsimulang basahin.

To my Eleana,

Hi starlight! I wrote this letter kasi alam kong hindi na ko magtatagal pa. I'm sorry if I have to leave you again. The day we find out that we're siblings, natakot ako. Tumakbo ako at iniwan kita kasi I know it is a sin. Hindi ko rin naman alam ang gagawin ko kaya tinakasan ko nalang. After that, when I got home, inatake na ako ng sakit ko. We left as soon as possible. Kaso, hindi na raw pala talaga kaya. Siguro kapag nabasa mo na 'to, wala na ko. Kasi hindi naman uuwi si mama sa Pinas hangga't nandito pa ko. Oo nga pala, remember the semi-colon necklace that I gave you? 

Napahinto ako sa pagbabasa at hinawakan ang kwintas na ibinigay niya sa akin. Hinding hindi ko 'to makakalimutan dahil ito ang iiwang alaala sa 'kin ng pinakaespesyal na tao sa buhay ko. Napangiti na lang ako ng kaunti at itinuloy ang pagbabasa.

Please keep that. And, no matter what happen, please do continue your life, just like the semi-colon necklace that I gave you. That punctuation is typically used when an author could've chosen to end his sentence but chose not to. Alam ko, dadapo sa isip mo na ihinto ang buhay mo. But please, don't. Continue your life, Eleana. Can you promise me that?

Muli nanamang nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Hanggang sa huli, ako pa rin pala ang iniisip ni Zyre. Ako pa rin ang inaalala niya.

Pinunasan ko muna ang aking mga luha bago dumako sa pangalawang bahagi ng sulat niya.

Rish, kapag wala na ako, 'wag mo na akong masyadong iisipin ha? I don't want you to burden your self sa pagkalungkot. Find love, and open your heart. Merong lalaking naghihintay sa 'yo at alam ko na by this time, hindi na kayo bawal. Hindi tulad natin na pinaglaruan ng tadhana. Magkapatid man tayo o hindi, mahal kita. Bilang girlfriend ko man o kapatid, wala na akong pakialam. Basta alagaan mo ang sarili mo, learn to forgive, and forget. I'll see you in my next life, Rish. At sana, wala nang bawal non. I love you, one last time.

ForbiddenWhere stories live. Discover now