Chapter 36

11 1 0
                                    

"Ne! Uy ne!" muli akong nagising sa narinig kong tumatawag.

"P-po? Bakit po?"

"Saan ka ba bababa? Hanggang dito nalang ang bus." sabi ng sa palagay ko'y driver ng bus dahil sa suot nito.

Tumingin muna ako sa palagid ng loob ng bus at napansing nag-iisa nalang pala akong sakay nito.

"A-ah eh, d-dito na po ako. Salamat po." nahihiya kong sagot sa driver at agad nang bumaba. Kinuha ko lang ang pinalagay kong maleta sa compartment ng bus at saka inilibot ang mga mata ko sa paligid.

Alas nuebe narin pala ng umaga at wala pa akong kain mula pa kagabi. Kaya naman naghanap muna ako ng malapit na mall o kahit karinderya.

Mabuti nalang at may natatanaw akong kainan doon sa kabilang parte ng kalsada.

Ramdam ko ang pagkulo ng tiyan ko kaya naman agad akong umorder ng makakain ko.

"Ale, pwede po bang magtanong?" tanong ng isa sa mga customer na kumakain din ngayon rito.

"Sige, iho. Ano ba iyon?" sagot naman nito.

Nakikinig lang ako sa kanila habang patuloy akong kumakain ng inorder kong bulalo at kanin.

"Sa Tabunan na po ba ito?"

"Ah oo, iho. Eh hinahanap niyo siguro rito yung sikat na Sunflower farm, ano?" diretsong tanong naman nung aleng tindera.

"Opo. Malapit na po ba rito?"

"Medyo. Bale sasakay ka nalang ng tricycle. Alam na nila 'yun doon."

Sunflower farm? Cebu?

Hindi kaya ayun yung pinuntahan namin noon ni Zyre?

Pagkatapos kong kumain at magbayad ay nagpara ako ng tricycle at sinabing ibaba ako sa Sunflower farm.

Halos 30 minutes din ang biniyahe namin para makarating doon.

'Welcome to Tabunan Sunflower Farm'

Napag-alaman kong may hotel din pala sa loob nitong farm kaya naman dito nalang din ako nagcheck-in dahil hindi ko naman kabisado ang lugar.

Iniayos ko muna ang mga gamit ko bago naligo at nagbihis para makapaglakad lakad sa farm. Napakaganda ng mga bulaklak. Pati narin yung mga alaala namin dito.

Hundreds or thousands of sunflowers lang ang nakikita ng dalawang mata ko ngayon. I can't believe na finally, nakarating na rin kami dito ni Zyre nang magkasama. Buti nalang he still remembered his promise na we will be visiting Cebu to see the Sunflower Garden.

"Baby, can I take pictures of you?" nag aalinlangang tanong sa 'kin ni Zyre. Ngumiti nalang ako sa kaniya at nagsimulang magpacute sa harap ng camera niya. He's a good photographer din kaya hindi maipagkakailang ang gaganda ng mga naging shots niya sakin.

Tumawag pa siya ng isang tao para lang picturan kami pareho. Para kaming kinukuhanan ng pre-nup shots dahil sa mga sweet photos namin. Napangiti ako nang ako mismo ang makakita ng mga ito. Bawat larawan ay nagpapakita ng pagmamahal namin sa isa't isa. I'm gonna treasure this memory until forever.

Will it be a sin kung patuloy ko pa ring mamahalin ang sarili kong kapatid?

Bakit ba kasi of all the people, siya pa?

-

Halos dalawang linggo narin akong nananatili sa farm na ito pero imbes na magsimulang makalimot ay mas lalo ko pang naaalala ang lahat ng nangyari sa buhay ko.

Gabi gabi kong iniiyakan ang lahat ng dinanas ko.

Naalala ko rin ang panaginip ko sa bus noong nakaraang bumiyahe ako.

ForbiddenWhere stories live. Discover now