Chapter 19

38 16 1
                                    

"Omg! So kayo na ulit?" gulat na gulat at tuwang tuwang tanong ni Angela sakin. Nagtatatalon pa siya na parang bata. Tsk, childish brat.

"Uhm yeah?" di ko rin alam kung bakit patanong kong sinabi yun. Feeling ko kasi panaginip lang lahat ng yon.

"Did you kissed?" mapang usyosong tanong nito sa 'kin. Aba, sobra na pagkachismosa nito ah.

"It's a secret that is not meant for kids." diretsong sagot ko kaya naman napa pout nalang siya.

 "Nasan ba si Lorraine?" tanong ko sa kaniya para maiba ang usapan. Kanina pa rin kasi wala yung babaeng yun. Vacant time din naman nila ngayon kaya nakakapagtaka na di niya kami sinamahan sa cafeteria ngayon.

"Ayon oh." sabi ni Angela habang tinuturo ang main door ng cafe. Nakita ko namang hingal na hingal si Lorraine. Halatang galing siya sa pagtakbo.

"P.E niyo girl?" biro kong tanong sa kaniya ng makarating siya. Inabutan naman siya ni Angela ng tubig dahil halatang nauuhaw na rin to at pawis na pawis.

"R-rish sina R-ryle a-at Zyre!" hingal na hingal pa rin nitong sabi sakin.

"What? Anong nangyari sa kanila?" nag aalala kong tanong sa kaniya. Sa tono niya kasi ay parang may kung anong hindi maganda ang nangyari sa dalawa.

"N-nag aaway sila sa likod ng I.T building." sagot naman ni Lorraine na ikinagulat ko.

"WHAT!?" napasigaw nalang talaga ko at agad na punta sa kinaroroonan nilang dalawa. Why the hell would they fight?

Binilisan ko ang paglakad takbo ko para makarating agad doon. Malayo palang ay rinig na rinig na ang sigawan ng dalawa.

"Bro, you're too much! Girlfriend ko na ulit si Eleana. Bakit bibigyan mo pa siya ng bulaklak na yan!?" pasigaw na tanong ni Zyre sa natumbang si Ryle. Halatang nagkasuntukan silang dalawa dahil parehong pumuputok ang labi nilang dalawa.

"She's my girl best friend! Ako yung nasa tabi niya nung iniwan mo siya!" matapang na sagot naman ni Ryle at muling tumayo.

"Wala kang alam sa nangyari." sabi ni Zyre at kinwelyuhan si Ryle. "And I'm not stupid Ryle, lalaki rin ako. Alam kong may gusto ka sa kaniya." pagpapatuloy pa niya.

"Yes I like her, I love her. Hindi pa ba sapat sayo na ikaw pinili niya? Ikaw na panalo diba? Bakit ka pa lumalaban? You have her already. Hayaan mong magpaka bestfriend ako sa girlfriend mo!" sabi naman ni Ryle at inalis na ang pagkakahawak ni Zyre sa kwelyo niya. 

"Fine. She's all yours. Ako na ang lalayo." sabi pa niya at tuluyan ng umalis.

Natulala na lang ako. My bestfriend and my boyfriend are fighting just because of me. Tears fell down on my cheeks. Nanlalambot na ang mga tuhod ko kaya naman napaluhod na lang ako. Did I made another mistake?

--

It's been 3 days since that incident happened. Tuluyan na ngang umalis si Ryle. Balita ko lumipat na siya ng school, sinabi lang sakin ni Lorraine dahil sila naman ang magkaklase sa isang subject. Nabanggit lang din daw ng prof nila.

"Rish magbihis ka! Pupunta tayong hospital." nagmamadali at natatarantang sigaw ni mom. Kakagaling niya lang sa trabaho at mukhang maaga siya umuwi ngayon.

"Why mom?" tanong ko naman sa kaniya.

"Your cousin, si Liam. Naaksidente daw yung sinasakyan niyang bus. Bilisan mo na, magbihis ka!" sagot ni mom kaya agad na kong nagbihis.

Nagpahatid na lang kami sa driver papunta sa hospital dahil hindi kakayanin ni mom ang mag drive. Hindi ko alam pero kakaibang kaba din ang nararamdaman ko. Habang papalapit kami ng papalapit sa kwartong kinaroroonan ng pinsan ko ay mas lalo akong kinakabahan.

Nakiya ko siyang nakaratay at maraming sugat sugat sa katawan. Iyak ng iyak si mom kaya naman di ko na rin mapigilan ang pagluha ko. Hindi ko nakasama masyado si Liam dahil sa probinsya sila nakatira, sa Cebu. Bata pa kami nung huli kaming magkita. Napag alaman ko na matagal na palang patay ang nanay niya tapos na stroke naman ang tatay niya. Silang magkakapatid naman ay tumigil na sa pag aaral at nagtatrabaho na. At kaya pala siya bumiyahe ay para pumunta sa bahay para sa tulong na iaabot ni mommy kaso naaksidente pa yung sinasakyan niyang bus.

Iniwan ko muna si mom sa kwarto ni Liam, balak ko sanang maghilamos muna sa cr kaya lumabas muna ko. Habang naglalakad ako ay may nakita akong pamilyar na babae sa di kalayuan. Kung hindi ako nagkakamali ay si Nay Nenita yun. Hahabulin ko sana siya pero mabilis siyang nakaalis at mukhang nagmamadali siya. At dahil kinakabahan ako, pumasok ako sa kwartong katapat niya kanina.

Pagpasok ko ay nagulat ako sa nakita ko. S-si Ryle pati si Z-zyre? Nasa iisang kwarto sila at parehong walang malay. May mga sugat din sa mga katawan nila. Hindi ko alam pero mas napaiyak ako habang nakikita silang parehong nakaratay sa hospital bed. May pumasok naman na nurse kaya hindi na ko nag atubili pang magtanong.

"Uhm nurse? A-ano pong nangyari sa kanila?" tanong ko rito. Nakita kong parang nagtataka siya kung sino ako. "Boyfriend at boy bestfriend ko po ang mga pasyente." paliwanag ko sa pa sa kaniya.

"Sabi sa imbestigasyon, nagba bike daw yung dalawang pasyente papunta sa Tagaytay nang biglang may nakasalubong silang delivery truck. Hindi naman sila nasagasaan pero sumemplang sila at tumama ang mga ulo nila sa malaking bato." paliwanag niya sakin pagkatapos ay lumabas din. Tapos na siguro siya sa pagchecheck ng mga gamot nilang dalawa.

Hinawakan ko ang mukha ni Zyre habang unti unting pumapatak nanaman ang mga luha ko. Lumipat naman ako kay Ryle at agad kong niyakap siya.

"I'm sorry for everything kuya." pagkasabi ko nito'y nag uunahan na ang mga luha ko sa pagpatak. I don't want to lose any of them.

ForbiddenWhere stories live. Discover now