"Ano ba talagang kailangan niyo? Bakit kayo nandito?" Hindi ko maiwasang magtaray.

"Gusto naming humingi ng tawad. Gusto kong sabihin sa'yong nagbago na sila. May kanya-kanya silang rason kung bakit nila nagawa ang mga iyon. At masaya kami sa lahat ng meron ka na ngayon Iza."

Napapikit ako't naalala ang huling sinabi ni Mama sa panaginip ko kanina. Nang muling magbukas ng mga mata ay napabuntong-hininga.

"Mukhang masaya na rin kayo ngayon." Saad ko ngunit sa mas malumanay na tinig.

"Mmm." Marahan itong napatango at ngumiti. "Noong mawala ka, totoong nag-alala ako, kami. Iniwasan ko sila pero mapilit sila, lalo na si Yuna. They explained everything to me and even said sorry. Lagi silang nariyan at di nila ako iniwan. Siguro dahil wala ka na roon kaya't sa kanila naman natuon ang atensyon ko. Nagbago sila pero naroon pa rin minsan ang pagiging mataray, mas nakilala ko sila at..." Nagkibit-balikat ito sa huli.

"Nahulog ka rin." Dagdag ko. Natatandaan ko pa noong ilang beses ko silang nakitang magkakasama lalo na si Yuna. Alam kong noon ay may something na sa kanila. Mahina akong napatawa. "Ako lang pala talaga humaharang sa inyong dalawa. Minahal mo nga ako, pero tingin ko mas mahal mo na siya ngayon." Nginitian ko siya at nasisiguro kong totoo na iyon. Totoong masaya na ako sa kanila.

"Sorry." Wika nito.

"Sorry rin." Sagot ko rin at sa huli ay parehas kaming natawa.

Parehas kaming huminto sa pagsasayaw ngunit bago siya umalis ay binigyan niya ako ulit ng ngiti.

"Masaya ako para sa inyo." Huling sambit nito at tumalikod. Nagtataka ko iyong sinundan ng tingin.

"Pwede bang ako naman?" Wika ng pamilyar ng tinig sa likuran ko. Mabilis ko itong hinarap at nanlalaki ang matang natutop ko ang bibig. Hindi gaya ng iba ay sa likod ko siya dumaan. Kaya pala wala siya roon kanina.

"Winwin!" Napapatili ko siyang hinampas.

"Ang sakit na bungad naman niyan. Bakit siya hindi mo hinampas?" Inis na wika nito, ang paningin ay naro'n kay Matthew.

"Ang sabi mo may aasikasuhin ka?"

"Mas mahalaga ka." Ngiting sambit nito at binigay ang hawak na bulaklak. Tinanggap ko iyon maging ang kanyang paglahad ng kamay para isayaw ako.

"Nagseselos ako kanina." Nakasimangot na saad nito. Ganoon lamang ang kanyang sinabi pero sobra sobra ang lungkot na nakikita ko sa mga mata niya.

"Wala kang kailangan ikaselos."

"Bakit? Dahil wala akong karapatan?" Sumeryoso ang tinig nito.

"Dahil wala namang nakakaselos roon."

"Hinawakan ka niya sa kamay at bewang. Kinausap ka pa niya, nginitian, tinitigan. Ang sakit niyo sa mata."

"Ganoon din naman tayo ngayon."

Ngumiti ito pero halatang pilit. "Pero iba siya. Magkaiba kaming dalawa. Hindi ba?"

Napaisip ako roon at napatango. "Oo. Magkaiba kayo."

Iniwas nito ang paningin. "Magkaiba kami kasi may gusto ka sa kanya, sa akin wala."

Bahagya akong natigilan sa sagot niya. Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Muli siyang tumingin sa akin at ngumiti.

"Magkaiba kayo dahil mas mahalaga ang kung anong meron man ako ngayon. Mas mahalaga kayo. Ikaw." Seryoso kong tugon. "Matagal nang nawala ang nararamdaman ko sa kanya. Ang dali lang nawala no'n kasi tingin ko, hindi sapat ang nararamdaman kong iyon para magtagal, o para hindi mawala. Siguro sa kanya ko lang nakita ang mga bagay na hinahanap ko noon. Mga bagay na tingin ko'y naging kulang sa akin simula noong nawala si Papa. Naisip ko nga, sa mga nagdaang taon na naging magkaibigan kami. Para ko lang siyang nakakatandang kapatid." Natatawa kong wika. Siguro nga ganoon lamang iyon dahil napakamaalaga at gentleman niya.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now