25: Home

289 12 0
                                    

"Bakla! Nasa baba na boylet mo!" sigaw ni Kianna habang ako ay nasa banyo pa.

My cousins decided to sleepover last night so 'yon. I only had 3 hours sleep because of them! 4 a.m na kami nakatulog. Pagkalabas ko ng banyo, naka-bathrobe ako. Dumiretso ako sa walk-in closet para maghanap ng masusuot. Hmm... what should I wear?

We're going on a date today! Share ko lang. Hmmm.. what should I wear?

Naupo ako sa couch habang nag-iisip kung ano ang susuotin. Should I wear a jumper type? Or just jeans and tees? What if he'll bring me to a restaurant?

"Hoy bobita! Mahiya ka naman! Your boyfriend is waiting downstairs. Magda-dalawang oras ka na sa room mo!" sigaw ulit ni Kianna

I sighed and stood up to open the door. Tinaasan kaagad ako ng kilay ng bruha. Problemado ko siyang tiningnan.

"I don't know what to wear!" reklamo ko

"Sabi ko na nga ba, you need my help! Tabi dyan!" Dire-diretso siyang pumasok sa walk in closet ko. She scanned my rack of hanged dresses. Then she opened the white large cabinet. Then she went to the other one.

"He's wearing a casual date clothes. So you should wear something..." she said as she looked at my casual dresses. "not too formal but still elegant." May kinuha siyang dress na nakabalot pa sa plastic. "This one!" Pinakita niya ito sa akin. Its a maroon strap dress with a sweetheart neckline. Nilapit niya ito sa akin.

It's not too short but not too long. Sakto lang.

"Bihis ka na, dali! I wanna see it myself!" Hindi na ako nagreklamo pa at mabilis itong sinuot. Nang humarap ako kay Kianna, she scanned me from head to toe while sitting on my couch.

"Hmm.." tumango-tango ito saka tumayo. Binuksan niya ang isa pang wooden sliding cabinet kung nasaan nakalagay lahat ng footwears ko. Its layered and all of it are arranged perfectly. May kinuha siya saka nilapag sa sahig. Its a white strap sandal. Ngayon ko lang 'to nakita, ah. My mom probably bought it.

"Ika-career ko na ang pagiging pretty, awesome, fabulous fairy godmother!"

Umupo ako sa couch habang siya ay umupo sa sahig at siya na mismo nagsuot sa akin. She looked so serious! Nakasuot siya ng maluwang na faded shirt at pink pajama. Ang buhok niya ay naka-bun at may suot na pink fluffy headband. Mukhang kakatapos lang sa morning skincare.

She was also the one who applied my make up. Napasulyap ako sa phone niya nang mag nag-message. Bago ko pa mabasa ang name ng sender ay naunahan na niya ako. Kaagad niya itong kinuha. Inilagay niya ito sa dulo ng table. She continued doing my makeup. Aabutin ko sana ang phone nang hampasin niya ang kamay ko kaya 'di ko mapigilan ang matawa.

Dinampot niya ito saka sinabit sa loob ng bra niya. Mas lalo akong napahalakhak.

"Tumigil ka Cassandra! Masasampal kita!" Wow, HAHAHAHAHA I don't know why I can't take her threat seriously.

"Wala akong sinabi!" Depensa ko

She applied my lipstick so I shut my mouth. She then sofly tapped my cheeks.

"Oh, tapos na bruhilda ka!"

I stood up and texted South. "Aray!" reklamo ko ng binato sa akin ni Kianna ang isang denim jacket. Nilapag niya rin sa table ang small, white sling bag.

Inirapan niya lang ako saka naunang lumabas. Kinuha ko ang bag saka nilagay doon ang mga gamit ko bago sumunod sa kanya.

Nang makababa ako, naabutan ko silang nagkukulitan sa living room. Si South naman ay nakaupo habang nakikipag-usap kina Kuya Xian at Storm. Izaac and Kianna are arguing, again. Yep. What's new?

Embracing scars (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora