CHAPTER 22: Mistress

Start from the beginning
                                    

"Sama."

Hindi ko nagulat sa narinig. Lalo na ang suot niya ay pang ehersisyo na.

"Sure."pagpayag kaya magkasabay na kaming naglakad palabas ng mansyon.

Nang makarating sa kalsada ay nagsimula na kaming tumakbo ng mabagal. Tahimik lamang ako nakatitig sa kalsadang tinatakbuhan. Bigla kong naalala ang text na natanggap kay Ace kagabi. Sa linggo na pala ang alis nila ni Scarlet. Gusto ko sana silang ihatid sa airport. Kaya lang, busy na ako. At alam kong hindi na ako papayagan ni Red na umalis.

Lalo na nalaman niya ang ginawa kong paglabas ng mansyon nung isang araw para puntahan nga si Ace. Dinakdakan na ako ng babaeng yun na ang kapal daw ng mukha ko. Bakit hindi ako mismo sa kaniya nag paalam. Tahimik ko lang namang tinatanggap ang mga salita niya. Tutal kasalanan ko. Pero alam ko namang kahit mag paalam ako ay hindi siya papayag. Kaya nga, tumakas nalang ako.

"Acel."tawag ni Blue sa akin.

Bumaling ako ng tingin sa kaniya habang nakakunot noo.

"Tingin mo magagawa ba nating mahuli yung mga soldato ng Scorpion Onźe?"

"Oo naman. Naghihintay lang tayo ng sunod nilang pag-atake sa Arlington."sagot ko.

Habang tumatagal ay mas lalong nagiging seryoso sila Red na mahuli ang mga miyembro ng Scorpion Onźe na kasalukuyang gumagawa ng krimen dito sa Horrizon Street. Dalawang beses na nga nilang pinasok ang Arlington na hanggang ngayon ay nanatiling lihim sa lahat. Mangilan-ngilan lang ang nakaka-alam nun. Tulad namin at ng grupo nila Craig. Isama pa dyan ang ibang Highschool Gangster group dito sa Horrizon Street. Syempre mga updated din ang mga iyon.

Nag uunahan nga sila sa paghuli sa mga ito.

"Bigla kasi akong kinabahan. Lalo na at sabi ni Gray. Delikadong mafian group ang Scorpion Onźe. Isa sila sa sikat sa Mackenzie City."

Sandali akong napahinto sa pagtakbo dahil sa kaniyang sinabi. Dahil dun ay napahinto din siya.

"Blue, pwede ba akong magtanong?"pagbubukas ng panibagong usapan.

Kumunot ang kaniyang noo.

"Tungkol saan?"tanong niya at bahagyang pinunasan ang noo ng maliit na towel na nakapatong sa kaniyang kanang balikat.

"Kilala ninyo ba ang mga mafian group na kakampi ng Morpeheous Famiglia?"

Napansin kong natigilan siya at napatitig sa akin ng seryoso. Ilang segundo ay umiling siya.

"Pagdating sa bagay na yan. Wala kaming alam. Bilin ni Daddy na pagdating sa Morpeheous Famiglia. Huwag daw kaming makialam. Kaya nga bumuo nalang ng Gang si Red para sa aming magkakapatid. Ayaw yata ni Dad na balang araw ay kami ang magpatakbo sa Morpeheous Famiglia."paliwanag niya.

As i expected wala nga siyang alam. Pero ewan ko nalang kung nagsisinungaling siya sa akin.

Ngayon ay iniisip ko kung alam ba ng magkakapatid na kakampi ng kanilang Ama ang grupong Scorpion Onźe. Kung iisipin ay maaring hindi. Wala silang alam. Kaya lang, hindi ako pwedeng maging kampante dun.

Tama si Ace. Kailangan kong mag ingat sa magkakapatid. Hindi ko alam kung ang pinakikita nila sa akin ay totoo o pawang kasinungalingan lang.

"Ganun ba."tipid kong sabi at nagpatuloy na sa pagtakbo.

Agad siyang sumunod sa akin. Mabilis siyang nakasabay sa pagtakbo.

"Bakit mo na itanong ang tungkol dun?"

Mabilis akong umiling.

"Wala lang."pagsisinungaling ko.

Natawa siya at tumango tango.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now