"Oo nga anak, gusto mo bang dagdagan natin ang panda collections sa kwarto mo? O baka gusto mong bumili tayo ng mga bagong dress at sandals?" Nilingon ko ang isa pang tinig na iyon at tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. Dahan dahan kong itinaas ang mga kamay para hawakan sila.

"Mama. Papa." Nakangiti pero bumubuhos ang luhang sambit ko. Ngunit ganoon na lang ang dismaya sa mukha ko ng lumagpas lang ang mga kamay ko sa kanila. "H-hindi. Mama, papa! A-anong?!" Paulit-ulit ko silang sinusubukang hawakan pero paulit-ulit lang din iyong lumalagpas sa kanila. Hindi ko sila mahawakan.

"Ikaw pa rin ang baby girl namin." Malungkot na saad ni papa.

"Opo papa. Ako pa rin ang baby girl niyo. Baby niyo pa rin ako kahit ngayon o kahit tumanda na ako. Papa bumalik lang kayo please." Umiiyak kong wika pero parang hindi nila ako nakikita o naririnig.

"Eh kung ganon, ano lang yung ibang gusto mo?" Tanong muli ni mama.

"Mama, bumalik na po kayo please. Mama..."

Tumawa silang dalawa. "Sabi ko na nga ba may gusto ka talagang ipabili eh, don't worry anak, your wish is your daddy's command."

"Oh teka teka, bakit ako lang?" Sabat naman agad ni papa at napalabi. Para silang batang nag-aasaran tulad dati.

My brows furrowed. Ang araw na ito. Ito ang araw na unang beses naming magpicnic na hindi ko inaasahang magiging huli na rin. Noong bata pa ako'y napapanood ko ito sa tv kaya pinilit ko silang magpicnic din kami kahit na sobrang busy nila sa pagiging doktor.

"Kasi ako magra-wrap." Pilyang sagot ni mama tsaka sila tumawa.

"Di na kailangang i-wrap ng bike mama. Di na ako masusurprise nun." Pinilit kong ngumiti habang bumabagsak ang mga luha sa mga mata. Inaalalang ganito rin ang isinagot ng batang Iza noon.

Mas lalong bumibigat ang loob ko habang napagtatanto ang mga susunod na mangyayari. Alam kong maya-maya lang ay tuluyan na silang mawawala. Tulad ng mga dati kong panaginip. Kung mali mang mas piliin kong makasama sila sa panaginip ko, ayaw ko nang maging tama.

"Sorry Ma, Pa. Kung sana hindi na lang ako nagpabili ng bisekleta eh. Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko lahat, k-kasalanan ko." Nakayuko akong napahawak sa tuhod habang umiiyak at paulit-ulit na humihingi ng tawad. Napahinto lamang ako nang may malamig na kamay ang humawak sa baba ko at dahan-dahan nitong iniangat ang mukha ko.

"Wala kang kasalanan Iza, anak." Nakangiti at malumanay na sambit ni Mama.

"M-mama."

"Kahit pagbalik-baliktarin mo man ang mundo, kahit pilitin mo pang bumalik sa nakaraan, hindi na mababago ng tadhana ang nakalaan ng mangyari." Marahan niyang pinahid ang mainit na likidong umaagos sa pisngi ko. Maya-maya ay may isang pang malamig na kamay ang humawak sa balikat ko. Iniharap niya ako sa kanya at tulad kay Mama ay nakangiti rin siya.

"Lagi mong tandaan na wala kang dapat pagsisihan sa bawat maling desisyong nagagawa mo, dahil kaakibat nito ay ang bawat leksyong matututunan mo. Bawat mali ay tinuturuan tayong maging tama. Bawat sakit ay tinuturuan tayong maging matapang at matatag. At nakikita na namin iyon sa iyo Iza."

"Papa."

Hinawakan ko pareho ang kamay nila at di makapaniwalang hindi na lumalagpas iyon tulad kanina. Hinigpitan ko iyon sa takot na baka bigla na naman silang maglaho. "Wag kayo umalis please, wag niyo ko iwan. Dito lang kayo Mama, Papa." Sambit ko. Nanatili pa rin ang kanilang maamong ngiti.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now