Iyon lang at bigla na itong nag shutdown.

"X is rude." Natatawang sambit ko.

Adrian nodded.

"Nagmana sa gumawa sa kanya." Tugon nito.

Napailing ako. Pinaikot ko ang paningin sa kabuuan ng headquarters ng Snipers. It is made of glasses. Halos salamin ang kabuuan ng headquarters. Kumpleto din ang mga gamit pang teknolohiya. Maraming computers at ang ibang ilaw ay asul.

"I have to go." Paalam ko.

"Hindi na kita ihahatid. I'm busy." Ani Adrian na abala na sa cellphone nito.

Hindi na ako tumugon. Lumabas ako sa headquarters. Sa paglabas ko ay nakasalubong ko si Austin at Samuel. Kasunod nila ang dalawang lalaking magkamukhang-magkamukha. Si Storm at Thunder. Ni hindi ko kilala kung sino si Storm at kung sino si Thunder. Madalas pa naman ay hilig nilang magsuot ng magkaparehong damit, from head to toe.

Sumaludo lang ako sa mga ito at dire-diretso nang naglakad.

Bago ako pumasok sa kotse ko ay nakita ko pa si Kurt. Kasama nito ang triplets. Another the same faces. Hunter Zaire Miller, Levi Zyre Miller and Kenzo Zaige Miller. Though they are not wearing the same clothes, you can't still distinguish who's who.

"Going home?" Kurt asked.

I nodded.

"See you around, then." He said.

Tinanguan ko lang ang mga ito at binuksan ang kotse ko. Napatigil ako nang makita si Tracker sa loob, natutulog.

Napailing ako. This man loves to sleep just like Prince. Mas malala nga lang ito. Kahit saan ay natutulog ito, lalo na sa umaga. Kapag gabi, gising na gising ito.

"I'm sorry kung iistorbohin ko ang tulog mo pero kailangan ko nang umalis. It's rude that you slept in my car. Sa pagkakatanda ko ay naka-lock ito kanina." Awtomatiko itong nagdilat ng mga mata at napabuntong-hininga.

"I like it here." Nagkibit-balikat lang ito.

Lumabas ito mula sa kotse ko.

"Wala kang nilagay sa kotse ko, hindi ba?" Nagdududang tanong ko.

He just smirked.

"You are not my enemy so you are safe." Anito at tumalikod. Dire-diretso itong naglakad papasok sa headquarters.

Napailing ako. Tracker is one of a kind. Marami na itong naiimbento na ito lang ang nakakaalam.

Habang nasa biyahe ako ay pinag-iisipan ko kung saan ako pupunta. I don't want to go home yet so I drive straight to the hospital to check on Arriane. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising but Prince is persistent. Hindi ito sumusuko. His fellow doctors are with him to help Arriane's recovery.

Isa si Grant Wood sa mga magagaling na doctor na kasama nito. Matagal itong nag-aral lalo na tungkol sa mga may sakit sa puso. Sa pagkakaalam ko ay sikat na scientiest ang lolo nito. It's just a secret but Wood's grandfather invented the medicine and the surgery on how to prolong the life of those patients who have heart diseases. It's even possible that they are still allowed to get pregnant after the heart surgery and it's possible to go back to their normal lives.

Matagal iyong pinag-aralan ni Dr. Wood. Kung sakaling successful ang operasyon na natutunan nito mula sa lolo nito ay si Arriane ang kauna-unahang pasyente na puwedeng bumalik sa normal ang buhay nang walang iniisip na anumang sakit sa puso. I am really hoping for it. Gusto ko rin na maging normal ang buhay ng kapatid ko. Saksi ako kung paano itong nagdudusa kapag inaatake ito ng sakit sa puso.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Where stories live. Discover now