11. Naughty is the new nice.

2.2K 62 4
                                    

 

Suot ang hapit na tattered jeans, at cami tank na may nakalagay na "naughty is the new nice" isama na ang ang boots. Nagpaalam ako kay Raven na abalang nasa living room at nagbabasa ng libro.

 

"Papasok na ako." Paalam ko sa kanya.

"Hindi ka yata magpapahatid?" Tanong niya habang hindi nakatingin sa akin at nakafocus lamang sa libro.

"Di na. Busy ka yata." Sarcastic kong sagot sabay punta sa isang coach upang kunin ang sling bag ko.

 

"Ingat." Iyon lang ang huling salitang narinig ko sa kanya. Ni hindi man lang niya ako tignan. Nakakainis.

 

Padabog kong sinara ang pintuan. Rinig ko pa sa labas ang huling salita na akala niya hindi ko maririnig.

 

"Good luck." I just rolled my eyes. Ayokong mabadtrip sa araw na to. Balita ko may mga quizzes kami ngayon sa mga subject.

 

Well pinaghandaan ko sila. Actually nakakatuwa dahil kahapon ako nagreview at natatandaan ko pa rin ngayon ang mga salita sa review ko. Hindi ako magkakamali ni isa.

 

Ngunit ang pinaka-pinaghahandaan ko ay ang Martial arts practicum namin mamaya. Sisiguraduhin kong mapupulbos si Vanessa.

Hindi kalayuan ang bahay ni Raven sa school. Halos ilang hakbang lang ito. Syempre dahil bampira ako kaya ko ng doublehin ang bilis ng lakad ko sa lakad ng isang normal na tao.

Kaya wala pang trenta minutos ay nasa loob na ako ng campus.

Dahil alas ocho ang klase napaaga ako  napadaan ako sa hallway kong saan nakita ko doon ang ilang ads na nakadikit sa bulletin. Mga naghahanap ng tao sa iba't ibang club. Gusto ko sanang sumali pero may mga bagay na dapat pa akong isipin.

Mula sa kinakatayuan ko. Narinig ko ang isang pamilyar na tinig sa kalayuan. Napalingon ako't nakita ang umiiyak na si Corine.

Naramdaman ko bigla mula sa expresyon ng mukha niya ang lungkot at pangungulila.

Mabilis akong lumapit. Pagkalapit ko sa lugar niya nakita ko ang mga pangalan ng mga taong namatay sa trahedya. Trahedyang ginawa ko.

Doon ako napatigil at nakonsensya. I killed them. Without anyone know. Even Corine.

"Masakit ang mawalan ng taong importante sayo." Nabigla ako ng marinig ko ang boses ni Vanessa. Sabay kaming napalingon ni Corine.

"Lalo na kong hindi inaasahan. Lalo na kong hindi mo alam kong paano nangyari. Condelence Corine." Sabay tingin ni Vanessa kay Corine. Halata dito ang sinungaling niyang pagsusumamo.

"Umalis ka dito. Pumunta ka sa room at iwan mo kami ni Ara."

Nainis ako sa bigla niyang ginawa. Papalag na sana ako ngunit nagsimula ng maglakad papalayo itong si Corine.

"Don't act na parang concern ka sa kanya eh dati mo na siyang muntikang patayin noon."

Nangigigil ako. Gusto kong ikutin ang ulo niya para hindi ko na siya makita. Pero tanging masamang tingin lang ang nagawa ko.

Pero siya nakangiti lang.

"Kamusta ang pagiging bampira mo Ara? Naeenjoy mo bang pumatay ng tao?"

Midnight DreamsWhere stories live. Discover now